"Don’t ever think you can control me," sinabi niyang matalim, bago tuluyang umalis.Habang naglalakad siya papalabas ng opisina, naiwan si Jarred na nakatayo sa gitna ng silid, tahimik, ang katawan ay parang nakalumpo sa bigat ng mga salitang iniwan sa kanya. Naramdaman niyang ang bawat hakbang ni Honey ay isang malupit na pagkatalo, hindi lamang sa kanilang relasyon, kundi pati na rin sa mga prinsipyo na pinanghahawakan niya.Ang pakiramdam ni Jarred ay tila nawawala ang lahat ng kontrol. Hindi lang ang kumpanya ang nasa alanganin, kundi pati ang kanilang relasyon at sa pag-iwas ni Honey, ang distansya na iniwasan niyang mangyari ay ngayo'y nagiging totoo.Hindi alam ni Jarred kung anong susunod na hakbang ang gagawin. Ang mga galit na tinago ni Honey ay naging isang pader na malaki at matigas, at siya ay tila isang naglalakad na anino sa loob ng isang kwarto ng liwanag.Samantala, sa kabila ng lahat ng ito, si Honey ay hindi na nagdalawang-isip. Ang kanyang lakas ay hindi lamang nak
Habang patuloy ang usapan ni Jarred at Veronica, hindi nakatiis si Honey. Tumayo siya, at ang mga mata niyang naglalagablab ng poot ay diretsong tinutok kay Jarred."What do you mean by this, Jarred?" tanong niya, ang boses ay malamig at puno ng pananabik. "You defend me over a mere employee?" Tanong na puno ng hinagpis at hindi matitinag na galit. "I don't understand you! You defend her, and now you're making me look like the bad guy in front of everyone. I deserve better than this!"Nagbulung-bulungan ulit ang mga tao sa paligid. Walang makapagsalita. Wala ni isa sa kanila ang gustong magtangkang makialam. Si Honey ay hindi na ang babaeng magalang at mahinahon na kilala nila. Ngayon, siya ay isang babae na puno ng galit at hindi natatakot ipakita ang kanyang hinanakit, lalo na kay Jarred.Si Jarred, na nakatingin lang kay Honey ng may kalmadong mukha, ay hindi nagpatinag sa tindi ng galit na itinaguyod ni Honey. Hindi siya bumanat ng sagot agad; pinili niyang maging tahimik sa isang
Nagmatigas si Honey at tumaas ang kanyang kilay. "Jarred, why did you defend her? Ako na nga ang naagrabyado dito!" galit niyang sabi, ang boses niya ay nanginginig sa tindi ng galit. "Nagsorry na nga si Miss Smith, pero bakit kailangan mo siyang pilitin magbayad? Ako na lang magbabayad, magkano ba yang dress mo?"Nagbulung-bulungan ang mga tao sa paligid. Ang bawat isa ay nag-aalangan, may mga mata na naglalaban-laban sa takot at pagnanasa, may mga mata ng pag-usisa at may mga mata ng pangungutya. Ang buong pantry ay napuno ng tension. Walang magawang tunog ang hangin kundi ang patagilid na alingawngaw ng mga saloobin ng bawat isa.Ang mga katrabaho ni Veronica ay hindi alam kung paano tumugon. Ang ilan ay nakatingin kay Jarred, naghihintay ng anong magiging reaksyon niya. Ang iba naman ay tumingin kay Honey, nag-iisip kung anong mangyayari sa kanila kapag hindi na kayang pigilan ang gulong ito.Si Veronica, na nakaluhod pa rin sa sahig, ay nagsimulang magdahan-dahan ng tumayo. Ang k
Tahimik lang si Veronica, nagkunwaring abala sa laptop. Mabilis ang pagpindot ng kanyang mga daliri sa keyboard, ngunit ang dibdib niya ay kumakabog. Pinipilit niyang maging invisible, pero hindi iyon madali. Ang paligid ay tila isang entablado, at siya ang hindi sinasadyang ekstra na nasa gitna ng ilaw.Hindi na siya nakatiis. Tumayo siya mula sa desk at dahan-dahang naglakad patungo sa pantry. Kailangan niya ng kape, kailangan niya ng kahit anong distraction para humupa ang kirot sa dibdib.Sa gilid ng dispenser, dahan-dahan niyang nilalagyan ng kape ang baso nang biglang bumukas ang pinto. At doon, pumasok si Honey Dee. Maganda, naka-puting bestida na halatang mamahalin. Agad kumalat ang matapang na pabango nito, sadyang nagpaparamdam ng presensya.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanahimik si Veronica, ngunit ngumisi si Honey, isang ngiting may halong pangungutya.Bago pa makalayo si Veronica, may biglang bumulong mula sa likuran.“Uy Veronica, grabe, nakita mo ba sila kanina? Ang
"Nagtsismisan na naman kayo, hindi kayo pumunta dito makipagtsismisan, sinuswelduhan kayo ng kompanya, magsibalik na kayo, yung deadline tapusin niyo, need ko yan mamaya!" galit na sabi ni Mr. Santiago, ang kanilang supervisor.Si Liza ay mabilis na tumugon, "Yes, yes sir!" habang si Veronica ay nanatiling tahimik, ang mga mata ay nakatutok sa laptop, abala sa paggawa ng website para sa proposal na nakatoka sa kanya. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na gumagalaw sa keyboard, ngunit ang isipan niya ay nagsisilbing ilaw na hindi kayang patayin."Hay, buti naman natigil na ang pag-uusap nila," napasabi na lamang ni Veronica sa sarili habang iniwasan ang mga tingin ng mga katrabaho. Ang takot ng kanilang mga mata, ang mga usapang hindi maiwasang makarating sa kanya, ay tila naging isang mabigat na presyon sa kanyang dibdib. Ngunit kahit na nakatago ang kanyang nararamdaman, hindi na ito kayang itago sa sarili. Patuloy na gumugol ng oras sa laptop, ang isang bahagi ng isipan niya ay nagla
"Si Sir Jarred at Ma'am Honey Dee, grabe! Perfect na power couple!" Isa sa mga katrabaho ni Veronica, si Liza, ang nagpasimuno ng usapan. "Oo nga! Walang makakapantay sa love story nila." "Kasi, grabe, ang daming dumaan na pagsubok sa kanila, pero ang lakas pa rin ng love nila." Tahimik lang si Veronica, ang mata nakatutok sa laptop, ngunit ramdam niya ang bawat salitang umaabot sa kanya, kahit na hindi siya ang pinagsasabihan. Ang mga boses ng mga katrabaho ay parang mga ulap na bumabalot sa kanyang isipan, ang bawat tanong nila tumatagos sa kanya, kahit hindi siya sinasadyang makialam. "Kailan kaya sila mag-aanounce? Kailangan na nila, di ba?""Siguro malapit na, eh. Perfect timing para sa engagement nila." "Grabe, kung ako lang, maghihintay pa ba ako? Kung si Jarred, ‘di ba? Minsan lang yung ganung lalaki." Si Veronica ay nanatiling tahimik, pilit na tinatago ang nararamdaman. Wala siyang magawa kundi magpanggap na hindi apektado. Pero bakit may nararamdaman siyang sakit, ang sakit