LOGINRamdam pa rin ni Zhione ang panginginig ng katawan ni Summer habang lulan sila ng sasakyan ng mga ito. Pareho nilang alam na wala rin siyang kakayahang magmaneho sa mga oras na iyon. Kaya nagmagandang loob na ang babae na isabay siya, kahit nainis ito sa kaniya kanina.
Tinawagan niya ang sekretarya ng ama. Totoo ang sinabi ni Summer, naaksidente nga ito at si Governor. Parehong galing ang dalawa sa iisang event, at halos panunod din daw na umalis doon.
Nawalan daw ng preno ang kasalubong ng mga itong kotse. Nagkaroon ng car collision. Naunang inararo ang sinasakyang Ford SUV ng kaniyang ama. Pagkatapos, sumalpok naman ang sinasakyan ng ama ni Summer sa likurang parte niyon. And it could have been fatal kung mabilis ang takbo ng parehong sasakyan.
Hindi sinabi sa kaniya ng sekretarya ng ama kung ano ang totoong kalagayan nito. Mas mabuti raw na siya na mismo ang umalam niyon, bagay na ikinakaba niyang lalo.
His family was everything to him. Malapit siya sa ama. Kaya kapag may nangyaring masama rito, baka hindi niya kayanin.
“They will be fine,” narinig niyang sambit ni Summer.
Napatingin siya rito. Nakatingin ito sa labas ng bintana.
“How do you know that?”
Lumingon ito sa kaniya. Kitang-kita niya sa malamlam nitong mga mata ang matinding pag-aalala na pilit itinatago.
“Because I know my father. He’s a fighter. How about you?” anito.
“Same. Hindi siya basta-basta mapatutumba ng isang aksidente lamang.”
“Good.” Tumango-tango si Summer saka muling tumingin sa labas ng bintana.
Hindi naman na siya nagsalita pa. Nakuha na rin lang niyang magmasid sa dinaraanan nila, habang manaka-nakang sinusulyapan ang katabing babae. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. But he knew she was worried. Just like him.
“Miss Cojuangco, Mr. Vergel, naririto na po tayo,” anang driver salash bodyguard ni Summer.
Tumango ang babae. Pero bago ito makalabas sa nakabukas ng pintuan, ay pinigilan niya ito sa kamay.
Napatingin ito roon, pagkuwa’y sa kaniya.
“Wait here,” aniya.
Nangunot ang noo nito, pero hindi naman ito nagprotesta. Nauna muna siyang bumaba, saka umikot sa tapat nito at inalalayan ito.
“Both of you, give me your coat,” aniya nang balingan ang dalawang bodyguard ni Summer. Agad namang tumalima ang mga ito.
“Why? What will you do with those?” hindi na nakatiis na tanong nito noong hawak na niya ang hininging coat.
“Because of this.” Agad niyang ipinulupot ang sleeves ng coat sa beywang nito at inayos iyon, sa paraang matatakpan nang maayos ang mga hita nito. Ang isa naman ay ipinatong niya sa mga balikat nito.
“There. Mukha ka ng hindi magkakasakit,” aniya. Mas satisfied na siya ngayon sa itsura nito.
O mas tamang sabihin na panatag na ang kalooban niya. Wala na kasing magtatangkang habulin ito ng tingin sa ganoong anyo. Wala ng magkakasalang mga mata, kabilang na siya.
He looked her in the eyes. Amusement was written all over her face.
“What?” inis na tanong niya rito sabay talikod.
“I don’t care if men stare at my body. Wala namang mawawala sa tingin,” amused pa ring wika nito habang nakasunod sa kaniya.
He suddenly stopped.
“Aw!” reklamo ni Summer. Halos kasunod lang pala niya ito kaya bumunggo ito sa malapad niyang likod. “Ano bang problema mo?” Inis na itinulak siya nito.
Hinarap niya ito. Seryosong tinitigan sa mga mata. “You’re right, wala talagang mawawala sa iyo. But to those b*stards who look at you like their little prey; it was torturing me! So, if you don’t want me to cause a scene here, sumunod ka na lang sa sinasabi ko.” He left Summer dumbfounded.
Tulalang sinundan siya nito ng tingin. Ilang segundo rin itong parang ipinako sa kinatatayuan bago malalaki ang mga hakbang na sinundan siya.
“And what do you mean by that, ha?” Hinaklit siya nito sa braso.
Napatigil naman siya. Hinagod ang batok na muli itong hinarap. “Lalaki ako, Summer. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga kauri ko. At hindi mo gugustuhing marinig pa sa akin kung ano-ano ang mga iyon. Isa pa, ayokong lumabas na walang kagalang-galang sa mga babae. Reputasyon ko pa rin ang nakasalalay rito. Dahil kung wala ka noon, puwes, ibahin mo ako.” Hindi naman ito nakaimik, kaya sinamantala niya ang pagkakataon. “Now, can we just get inside and check our father’s?”
Hinawakan niya ito sa braso at hinila papasok sa loob ng ospital. Siya na rin ang nagtanong sa information desk kung nasaan ang mga ama nila. Nalaman nilang magkatabi lang din ang silid ng mga ito.
Inihatid muna niya si Summer sa tapat ng pintuan ng silid ng ama nito. Matagal itong nanatili sa labas niyon, pagkuwa’y isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan.
“He’s fine,” aniya.
Walang emosyong humarap ito sa kaniya. “I know.” Dahan-dahan nitong iniangat ang isang kamay, pero kitang-kita niya ang panginginig niyon.
“Let me,” aniya. Siya na ang nagbukas ng pintuan para rito.
Sa gitna ng VIP ward ay naroon ang kama ni Gov. Santino Cojuangco. May benda ang kanang kamay nito, at may mga sugat at pasa sa mukha.
Napasinghap nang malakas si Summer, sabay talikod. Kitang-kita niya ang pangingilid ng mga mata nito habang tutop ang bibig.
Marahan niyang hinaplos ang likuran nito. Muli niyang sinulyapan si Gov. Cojuangco. Kung ganito ang inabot nito, ano pa kaya ang sa ama niya— na siya mismong sinalpukan ng kotseng kasalubong?
Ipinilig niya ang ulo. Sinulyapan niya si Summer. “If you want to stay here for a while, sasamahan muna kita,” aniya.
Hindi naman siya bato para hindi makadama ng awa sa babae. Alam niya ang pinagdaanan ng pamilya nito. Hindi iyon sekreto sa buong lalawigan ng Dela Paz. Kaya sa mga sandaling iyon, nasisiguro niyang halos gumuho ang mundo nito sa nakitang itsura ng ama.
Summer heaved a sigh. Sunod-sunod. Pilit nitong pinakakalma ang sarili. Pagkatapos, hinarap siya nito. Wala ng bakas ng luha sa mga mata nito. Determinasyon na ang nakikita niya roon.
“I can manage. Kailangan ka rin ng ama mo,” matatag nitong wika. Hindi man tahasan, ipinararating na rin nang sinabi nitong iyon na iwanan na niya ito.
Tumango siya. “Alright. Kung iyan ang desisyon mo.” Tinalikuran na niya ito at tinungo ang pintuan ng silid na kinaroroonan ng kaniyang ama. Bago tuluyang pumasok doon, isa pa uling sulyap ang ginawa niya rito. Likuran na lang nito ang nakita niya.
He sighed. Bakit ba parang bigla ay nag-iba ang hangin? Bakit parang bigla naging affected siya sa mga nangyayari rito? Bakit—
“Zhione. . .” anang tinig na pumukaw sa kaniyang pag-iisip. Gising ang kaniyang ama.
Mabilis siyang tumuloy at hinarap ito. Pero laking pagtataka niya nang makitang galos lang sa mukha, braso at binti ang tinamo nito. Kung ikukumpara kay Governor, mas malala ang tama nito kaysa sa kaniyang ama.
Kunot-noong lumapit siya rito. “Are you alright?” paninigurado niya. Wala roon ang sekretarya nitong si Melody. Wala pa rin doon ang Mommy at ang dalawa niyang kapatid na babae. Siguro, hindi pa rin alam ng mga ito ang nangyari.
Ngumiti sa kaniya ang amang si Vice Governor Fernan Vergel. “I’m fine, hijo. Kaunting galos lang ang tinamo ko,” tugon nito.
Napatango-tango siya. “Are you sure? Wala bang sumasakit sa katawan mo? Baka mamaya may internal bleeding ka. Malakas daw ang impact ng sumalpok na sasakyan sa inyo. Idagdag pa na sumalpok din ang sasakyan sa inyo ni Gov kaya naipit kayo sa gitna.”
Umiling-iling ito. “I’m really fine, hijo. Na-i-check na ako ng mga doctor dito. Wala naman silang ibang sinabi sa akin. They already did an MRI and X-ray for me, pero bukas pa ang resulta ng mga iyon.”
Nakahinga naman siya nang maluwag sa narinig. Pero hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa kaniyang isip, na hindi na niya isinatinig pa.
“Alright. . . Magpahinga na muna kayo. Natawagan niyo na ba sina Mommy?” naalala niyang itanong.
Tumango ito. “But I told her not to bother coming here. Maayos na naman ako. Isa pa, sinabi sa akin ni Melody na padating ka na. Alam mo namang ayoko ng pinag-aalala masyado ang mommy mo.”
Siya naman ang tumango at hindi na umimik.
“By the way, paano mo nga pala nalaman na naaksidente ako? Wala pa naman akong tinatawagang kahit na sino maliban sa mommy. Unless you watched the news.”
Umiling siya na ikinakunot ng noo nito. “What do you mean by that?”
“It was Summer,” maikling tugon niya.
“Summer? You’re with her?” Nag-iba ang timpla nito nang marinig ang sinabi niya.
Napataas ang isa niyang kilay. “You knew that she’s my regular customer on the club. Naroon siya kanina.”
“And she told you about my accident? I mean, our accident?” paglilinaw nito.
Tumango siya. “May masama ba sa ginawa niya?” Nang-aarok ang mga matang tiningnan niya ito. Parang may hindi ito sinasabi sa kaniya.
Mabilis na umiling ang kaniyang ama. “No. Wala naman. It’s just that, nagtataka lang ako.”
“At bakit naman kayo magtataka. She’s just concerned about you and the Governor’s situation,” sagot niya.
Iwinasiwas nito ang kamay at umayos na ng higa. “Alright. Magpapahinga na ako.” At ipinikit na nito ang mga mata.
Matagal niyang pinagmasdan ang ama. Pinag-aaralan ang mukha nito. There was something odd about his reactions. Parang hindi ito pabor na magkasama sila ni Summer.
Pero, hindi naman kataka-taka ang bagay na iyon. Magkalaban sa pulitika ang mga magulang nila. Natural na hindi ito papabor kung madidikit siya sa anak ni Governor Cojuangco.
Ngunit, bakit nga ba? Hindi rin naman siguro masama kung magiging magkaibigan sila ng babae.
So, you mean, you’re considering her as a friend? Tanong ng isang tinig sa isipan niya.
Napahilot siya sa batok. Napailing sa sarili.
Parang nabaliktad yata. Siya yata ang magkakasakit sa ginagawa niyang iyon.
“Oh my God! Zhione, put me down!” Humahalahak na saway niya sa asawa habang buhat-buhat siya nito.Kabababa lamang nila sa bangkang naghatid sa kanila sa islang iyon. Islang binili ng kaniyang ama para sa kanila ni Zhione. Iyon daw ang regalo nito sa kanila.Yes. Muli silang ikinasal ni Zhione. This time, it was a beautiful garden wedding by the sunset. Ginanap iyon mismo sa magandang hardin ng Hacienda Filomena. Piling mga kaibigan lang ang imbitado. It was so solemn that it made her and Zhione’s heart filled with so much happiness.After so many challenges that they’ve been through, sa wakas, tuluyan ng magiging buo ang kasiyahan nila. Hindi na iyon kulang, kung hindi umaapaw pa nga.Those people who hurt them faced the consequences of their actions. Sa pinagsanib puwersa ng pamilya nila, wala ng katakas-takas pa sa batas ang mag-amang Reverencio at Kristal. Both will rot in
Matapos ang lahat ng nangyari, iniwan niya sa ama ang pag-aasikaso sa mga kasong isinampa nila laban sa mag-amang Perez. Nagmamadali naman siyang bumalik ng ospital dahil tumawag ang kaniyang ina, nagising na raw si Summer.“Oh, God!” Humahangos na nilapitan niya ang asawa at niyakap nang mahigpit. Nakangiting gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. “Thank you for coming back to me, honey. I love you so much,” aniya.“I love you, too. Hindi ko kayang iwanan kang mag-isa rito. Hindi iyon mangyayari, Zhione,” anito.Matagal sila sa ganoong posisyon. Para bang ayaw na nilang maghiwalay pa. Napukaw lang sila nang may tumikhim sa kanilang likuran. Sabay nilang nilingon ang mga naroon.“We’re just going out. Mag-usap na muna kayong dalawa,” anang kaniyang byenan na titig na titig sa kaniya. “Ang bilin ka sa iyo, hijo. Huwag na huwag mong kalilimutan
Sa silid muna ng kaniyang byenan sila tumuloy pagdating nila sa ospital. Matagal pang nagkatitigan ang dalawang may-edad na lalaki, bago ito nagawang lapitan ng kaniyang ama.“Fernan.”“Santino.”Panabay pang wika ng mga ito bago nagtawanan. Parang bigla ay nawala ang ilang taong alitan sa pagitan ng dalawa sa nakikita niyang tagpo. It was like meeting an old friend after a long while of being away from each other.“I’m so sorry,” mahinang wika ng kaniyang byenan. “I’m so sorry for everything that I did in the past. Alam kong nasaktan kita nang husto noon pero isinawalang bahala ko lang iyon. Sana mapatawad mo pa ako.” Nangulap ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniyang ama.Mas lumapit naman ang ama niya sa kinahihigaan ng byenan. “Ako rin naman, gusto kong humingi ng despensa sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo.
Isang buong araw na ang lumipas ngunit tulog pa rin si Summer. Nag-aalala man, pero hindi naman siya pinanghihinaan ng loob. Alam niyang babalik ang kaniyang asawa.“Hijo, magpahinga ka muna. You need rest. Kahapon ka pa hindi umaalis sa tabi ng asawa mo. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan,” anang kaniyang ina nang lapitan siya nito. Nakaupo siya sa upuang malapit sa kama ni Summer. Hindi niya binibitawan ang kamay nito.“How could I rest when my wife haven’t wakened up?” frustrated na tanong niya sa ina.Pinisil nito ang kaniyang mga balikat. “Summer will wake up, hijo. Manalig ka lang. At saka, gusto mo bang makita ka ng asawa mo sa ganiyang anyo? You haven’t had your shower for God’s sake! Gosh, kung ako ang asawa mo, hindi ako tatabi sa iyo. Mukha ka ng dugyot,” pagbibiro pa nito.Nagtagumpay naman itong patawanin siya. “Guwapo na dugy
“Come again?” Bigla siyang nabingi. He even blinked his eyes a few times. Klinaklaro pa rin ng isip niya ang narinig.“Your wife is pregnant, Mr. Vergel,” pag-uulit naman ng doctor. “You have to make a decision now.”“F*ck!” He couldn’t stop cursing. Marahas din siyang napahilamos sa mukha. Parang dinudurog ang puso niya sa mga sandaling iyob. Kung hindi siya nagkakamali, walang alam si Summer na buntis ito.Hinarap niya ang doctor. He decided. “I need my wife alive. Do you hear me?!” Ano pa bang kailangan niyang pag-isipan? Patawirin siya ng asawa pero mas gugustuhin niya itong mabuhay kaysa sa kahit na sino. She’s his life now. Ikamamatay niya kapag hindi ito nakaligtas.Tumango ang doctor, naintindihan ang nais niyang mangyari. “I’ll update you as soon as it’s done.”“Please d
“Where are you going?” tanong ng kaniyang ama nang makitang bihis na bihis siya.Ngumiti siya rito. “I’ll go with you,” malambing na wika niya. Gusto niyang ipakita rito na sa kabila ng lahat ng mga nalaman niya at nangyari, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal at pagtingin niya rito. Kaya susuportahan pa rin niya ito sa gusto nito.“Malayo ang pupuntahan ko, hija. Mapapagod ka lang,” hindi tuwirang tanggi nito.Napataas ang isang kilay niya. Mula noong kausapin niya ito, palagi niya itong nakikitang nag-iisip. Siguro, na-realize na rin nito ang mga kailangang gawin— hindi pa nga lang siguro ito handa.“Are you avoiding being with me? Dahil ba iyon sa mga sinabi ni Kristal?” tila may hinampong sabi niya.“Of course not!” Mariin itong umiling. “It’s just that. . . hindi pa rin safe, hija. Ay







