INICIAR SESIÓNAkala ni Vienna Soile Zariah—ay perpekto na ang buhay niya kasama ang boyfriend niya na minahal niya nang tatlong taon. Ngunit isang gabi, natuklasan niyang sa loob pala ng tatlong taon na iyon, hindi lang siya ang nag-iisang babae sa buhay nito. Pinagtaksilan siya ng boyfriend niya, matapos siyang pinaniwala nito na siya lang ang babae sa buhay niya. Sa gitna ng sakit, alak ang naging sandalan niya upang pansamantalang makalimutan ang kanyang natuklasan. Lasing at walang malinaw na direksiyon habang pauwi, ay hindi inaasahang bumangga siya sa isang gwapo at makisig na lalaki. Hindi niya ito nakikilala dahil sa labis na kalasingan, at sa isang bugso ng emosyon, alak, at sakit na pilit niyang tinatago, hinalikan niya ang estrangherong lalaki sa harap niya. Kinabukasan, nagising siyang nasa isang malambot na kama—kasama ang isang lalaking bigla niya nalang hinalikan. Nang tuluyan niyang makita ang mukha nito ay parang tumigil ang kanyang mundo ng mapagtanto niyang si Eliezer Laurent Zaragoza iyon... ang kanyang crush—sa loob nang mahabang panahon. At sa mismong araw na iyon ay ikinasal silang dalawa dahil sa kagustuhan ng ina ni Eliezer. Posible kaya na ang isang kasal na resulta ng isang gabing pagkakamali...ay humantong sa isang tunay na pagmamahalan? O iyon ay mananatiling paalala sa isang pagkakamaling kailangan nilang tiisin sa loob nang napakahabang panahon?
Ver másVIENNA SOILE ZARIAH
Excited akong bumyahe papunta sa apartment niya. Gusto ko siyang bisitahin dahil tapos na ang thesis namin sa skwelahan. At ngayon lang ulit kami magkikita. Ilang hakbang nalang ay papasok na ako sa apartment niya, ngunit napahinto ako nang may marinig akong boses ng isang babae sa loob. "Tama ba ang narinig ko o ilusyon ko lang iyon?" bulong ko sa sarili, ilang segundo pa akong nanatili sa labas ng pintuan. At habang hawak ko ang doorknob ay bigla kong naramdaman ang pagbilis nang tibok ng puso ko. Mali naman siguro ang iniisip ko? Baka nag-o-overthink lang ako? Isang malalim na pagbuntong-hininga ang aking pinakawalan bago unti-unting pinihit pabukas ang pintuan. "Sweetheart...nandito na ako---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumungad sa aking harapan ang isang senaryo na hindi ko inaasahan. Si Jerry, nakahiga sa sahig—walang suot na damit habang kinubabawan ng isang babae. At hindi lang basta-basta kung sinong babae, kundi ang kapatid ko. "Oh, nandito kana pala?" saad ni Annalyn na para bang wala lang sa kanya ang makita ako. Hindi ako nakapagsalita. Nanginginig ang katawan ko at ramdam ko ang mahigpit ng pagkuyom ng aking kamao, nang bumaba ang tingin ko kay Jerry. "S-Soile..." mahinang bigkas niya ng aking pangalan. Mabilis niyang itinulak paalis sa ibabaw niya si Annalyn, dali-dali siyang tumayo at dahil sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawang tumalikod...kaya nakita ko ang hubo't-hubad niyang katawan. "M-Magpapaliwanag ako---" *PAK* "W-Walanghiya ka..." halos ayaw lumabas ng salitang iyon sa aking bibig. Hindi ko kayang ipaliwang ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Parang naninikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung humihinga pa rin ba ako o nilalabanan ko na lamang ang panghihinang pilit na naghahari sa aking dibdib. "NILOKO MO'KO!!" i yelled at him. I have to. I have to yell because i could no longer feel if I'm still breathing. Kailangan kong sumigaw para mailabas ko ang galit ko at nang mabawasan ang paninikip ng aking dibdib. "S-Soile...h-hindi ko sinasadya," puno ng pagsusumamo ang kanyang tinig, sinubukan niyang abutin ang kamay ko ngunit iniwas ko iyon. Ayaw kong hawakan niya ako dahil nandidiri ako sa kanya. Iniisip ko pa lang na pinatulan niya ang kapatid ko ay nasusuka na ako. "Ano bang sinasabi mo na hindi mo sinasadya, Jerry? Umu-o ka at ikaw pa ang nagyaya sa akin dito sa apartment mo---" "Tumahimik ka, Annalyn! Kasalanan mo'to. Kung hindi dahil sa pang-aakit mo sa akin ay hindi ito mangyayari!" sigaw ni Jerry pabalik sa kanya. Maya-maya pa ay lumapit sa kanya si Annalyn, matalim na ang tingin nito kay Jerry, bago niya inilipat sa akin ang tingin niya. "At ano naman ang nasa babaeng 'to? Hindi mo ba alam na marami rin itong lalaki? Hindi mo ba alam na nagmana siya sa nanay niyang malandi, at kung kani-kanino lang nagpapatira--" "HUWAG NA HUWAG MONG DINADAMAY SA USAPAN ANG MAMA KO! " umalingawngaw ang sigaw kong iyon matapos na dumapo sa kanyang pisnge ang aking palad. Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata habang hinahawakan ang namumula niyang pisnge. "T*ngina mong babae ka! Kahit kailan sobrang kapal ng mukha mo! Manang-mana ka sa nanay mo--" *PAK* "Isang salita pa mula sa'yo... at sisirain ko ang mukha mo at kahit hayop ay hindi ka papatulan," banta ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Soile... mag-usap tayo. Alam kong mapapatawad mo pa ako. Mahal na mahal mo ako, di 'ba? Babalik ka pa rin sa akin pagkatapos nito..." biglang lumakas ang loob niya at hindi ko maintindihan kung saan niya nakuha ang mga salitang iyon. Gusto kong matawa. At nang magtangka siyang muling hawakan ako ay sinalubong ulit ng kanyang pisnge ang malakas kong sampal. "Ang kapal ng mukha mong hay*p ka!" singhal ko sa kanya at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. "Wala na tayong pag-usapan pa. At magsama kayo n'yang kapatid ko na kahit sisenta-anyos ay papatulan kapag nakakaramdam ng kati," dagdag ko at sa gulat ay hindi nakakilos ang kapatid ko. "Simula ngayon ay wag na wag ka ng lalapit sa'kin. Wala na akong kinalaman sa'yo at kahit kailan man ay hinding-hindi na ako muling makikipag-usap sa'yo!" Matapos kong sabihin iyon ay hinubad ko ang singsing na kanyang ibinigay sa akin at itinapon iyon sa kanya. "Soile! Sandali lang naman o, mag-usap tayo...p-pakiusap," Sinubukan niya pa akong habulin ngunit narinig ko ang boses ng kapatid kong pinipigilan siya. At hanggang sa nakalayo na ako sa apartment niya ay hindi ko na narinig ang boses ni Jerry, hindi na niya ako sinusundan—doon na nagsimulang bumagsak ang luha ko. Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng tuhod ko sa lupa. Habang ang magkabila kong palad ay tinakpan ang aking bibig—habang patuloy akong humahagulgol sa matinding sakit na nararamdaman ko.Eliezer Laurent ZaragosaKinabukasanIsang mahinang ungol ang kumawala sa aking mga labi nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata.Ilang segundo akong nanatiling nakahiga sa sofa habang nakatitig sa kisameng nasa itaas ko. Mabigat ang aking ulo, tuyong-tuyo ang aking lalamunan, at tila may pumipintig na ugat sa aking sentido."Fuck..."Napapikit ako at idiniin ang mga daliri sa magkabilang sentido ko.Ano ba ang nangyari kagabi?Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kaagad akong napangiwi nang tila umikot ang paligid dahil sa bigat ng aking ulo. Napahawak ako sa noo bago tuluyang napatingin sa paligid.At doon ko napansing malinis na ang aking opisina.Maayos nang nakasalansan ang mga dokumento sa ibabaw ng aking mesa. Wala na ang mga bote ng alak na nagkalat kagabi, at maging ang mga basag na bubog sa sahig ay wala na rin. Ang buong silid ay bumalik na sa dating kaayusan, na para bang walang nangyaring kaguluhan kagabi.Sandali akong napatingin sa paligid.May naglinis.Ng
Mikaela Santos "I can't lose you twice." Tuluyan akong natahimik. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Sa halip, nanatili lamang akong nakatayo roon habang naririnig ang mahinang pag-iyak niya. Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko muna siyang ilabas ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinikimkim, o kung kailangan ko na ba siyang tulungang makaupo bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse. Mabigat ang katawan niya, at naamoy ko pa rin ang alak sa kaniyang hininga. "Sir, maupo muna tayo, ha?" mahinahon kong sabi. "Hindi po kayo pwedeng manatiling nakatayo nang ganito." Hindi siya sumagot. "Please, Sir. Baka matumba po kayo." Dahan-dahan akong gumalaw, sinusubukang alalayan siya nang hindi ako tuluyang nakakulong sa kaniyang mga bisig. Ngunit nang maramdaman niyang gumagalaw ako, agad siyang natigilan. "Where are you going?" Napahinto ako. "Ha?" "Don't go." Muling nanginig ang kaniyang tinig. "Please..." Napabuntong-hininga ako. "Hindi po ak
Mikaela Santos Hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa pagkagulat ko nang siya mismo ang tumapos sa halik... sinubukan kong maglakad papalayo ngunit nakailang hakbang pa lang ako ay muli niya akong naabutan...at mahigpit akong niyakap. "S-Soile...." Nanginig ang boses ni Sir Eliezer sa likod ko habang mahigpit pa rin niya akong niyayakap. Nakadikit ang mukha niya sa leeg ko, at sa bawat paghinga niya ay nararamdaman ko ang bahagyang pagyanig ng kaniyang katawan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kanina lamang ay pilit ko siyang inilalayo sa akin, ngunit ngayon, hindi ko magawang kumilos nang basta-basta. Dahil umiiyak siya. Ang lalaking palaging nakakunot ang noo, malamig tumingin, at tila walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao ay umiiyak na para bang tuluyan nang gumuho ang mundong ginagalawan niya. "Don't leave me again, Soile..." Napapikit ako nang marinig ang pagsusumamo niya. "I missed you so much." May panibagong patak ng luha na dumampi sa lee
Mikaela Santos Itinali ko nang maayos ang buhok ko at nagsimula sa mga papeles sa sahig. Isa-isa kong pinulot ang mga ito at inilagay sa magkakahiwalay na lalagyan upang hindi magkagulo ang mga dokumento.Hindi ko naman kailangang basahin ang mga nakasulat doon. Trabaho ko ang maglinis, hindi ang makialam sa mga personal na bagay ng boss ko.Pagkatapos ay inayos ko ang mga folder sa mesa, pinunasan ang mga muwebles, at tinipon ang mga kalat na naiwan sa paligid."Sir, sana naman sa susunod ay huwag kayong magkalat nang ganito," reklamo ko sa hangin. "Hindi po ako ipinanganak para maging tagalinis ng mga problema ninyo sa buhay."Napailing ako sa sarili kong sinabi."Pero kung kasama sa trabaho ang paglilinis ng mga problema sa pag-ibig, ay pwede rin naman... basta ba dagdagan lang ang sahod ko," bulalas ko at parang t*nga kasi sarili ko lang naman din ang kinakausap ko. Napatawa ako nang mahina.Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarating sa bahaging malapit sa mesa niya. Naroon












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas