LOGINIsang linggo rin ang itinagal ni Governor Cojuangco sa ospital, bago ito tuluyang nabigyan ng clearance ng mga doctor nito. Ipinagpapasalamat ni Summer na walang ibang tinamong injury ang kaniyang ama, kun’di ang na-dislocate nitong braso at ang mga pasa at sugat sa mukha; na madali rin namang naghilom. Pero pinayuhan pa rin ito ng doctor na magpahinga pa ng ilang araw sa kanila.
But she knew her father well. Alam niyang kahit anong sabi rito ninuman, hindi pa rin ito makikinig.
That includes her.
Matagal ding naging laman ng balita ang nangyaring aksidente sa kaniyang ama at kay Vice Governor. Usap-usapan pa na sinadya raw iyon ng isa pang partido na kalaban ng mga ito sa pulitika. Ilang buwan na lang kasi at magsisimula na ang pag-f-file ng kandidatura. Alam ng lahat na maglalaban sa pagka-Governor ang ama niya at si Mr. Vergel. Parehong malakas ang hatak sa publiko, kaya trigger daw ang isa pang partido.
Maraming anggulong tiningnan sa insidente. Pero wala namang malinaw na lead na makapagsasabi na may foul play ngang naganap. Normal na mamamayan ng Pilipinas ang nakabangga ni Vice Governor, na napadaan lamang sa lalawigan ng Dela Paz, kaya mabilis ding isinara ang kaso.
“Good morning, Papa,” bati niya nang mabungaran ito sa dining. Bihis na bihis ito at alam niyang papasok ito sa araw na iyon.
“Good morning din, hija. Anong oras ka umuwi kagabi?” tanong nito habang humihigop ng kape.
Naupo siya sa gawing kanan nito. “Two in the morning. Why?” Sumandok siya ng pagkain at naglagay sa kaniyang pinggan.
“Where you at that clubhouse again?” hindi lumilingong tanong nito. Nasa paghihiwa ng tocino ang atensyon ng ama.
Napatigil naman sa ere ang akmang pagsubo niya ng sinangag. Tiningnan niya ito. “Yeah. Alam mo namang doon lang ako lagi pumupunta hindi ba?”
“Did you see him?” Noon ito nag-angat ng ulo at sinalubong ang nagtatanong niyang mga mata. “Ang anak ni Vice, have you seen him?”
Tuluyan na niyang ibinaba ang kutsarang may lamang kanin. “Why? Bawal ba?”
Mula nang malaman nito ang nangyari noong naaksidente ito, palagi na nitong tinatanong kung nagkikita pa ba sila ni Zhione. She finds it weird, but she never asked her father why. Alam naman niyang kapakanan niya lang ang iniisip nito.
Pero bakit nga ba ganoon na lang ka-concern ang kaniyang ama kung nagkikita ba sila ni Zhione o hindi? Dati na naman nitong alam na pumupunta siya sa club ng lalaki.
Hindi kaya dahil sa pulitika? Dahil kaya iyon sa pagiging magkalaban nito at ni Vice Governor?
But still, she finds it weird. At gusto niyang malaman ang totoo mula rito.
“Wala akong sinabi. Pero mas maganda kung iiwasan mo muna siya,” anito makaraan ang ilang saglit.
“Why, Papa? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?”
Umiling ang ama. Lumikot din ang mga mata nito, bago muling itinuon sa kinakain ang pansin. “Forget about what I’ve said,” anito at hindi na nagsalita pa.
Matagal niya itong pinagmasdan. What he said bothered her. Wala naman kasi itong sinasabi sa kaniya dati na ganoon.
She felt a bit odd about it. May hindi sinasabi sa kaniya ang ama. Ramdam niya iyon.
Pero baka naman paranoid ka lang, anang kabilang bahagi ng kaniyang isipan.
“By the way, hija,” anito bago tumayo. Tapos na itong kumain.
Tiningnan niya ang ama.
“Year-end ball is at the corner. I hope you could come with me this time.”
Ang tinutukoy nito ay ang taunang event ng kapitolyo. Dinadaluhan iyon ng malalaking pangalan sa lugar nila, maging sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Naging tradisyon na iyon sa kanila sa pagtatapos ng taon. Ang lahat ng nalilikom doon ay ginagamit para sa iba’t ibang proyekto ng kapitolyo.
Ngunit, ni minsan ay hindi niya ginustong dumalo roon kasama ang ama. Mas gusto pa niya ang magpunta sa club dahil doon malaya siya. Kapag kasi ganoong formal event, pakiramdam niya de-numero ang mga kilos niya. Idagdag pang maraming camera sa paligid na ikinaiinis niya.
“I’ll think about it, Pa,” aniya makaraan ang ilang saglit.
“Don’t just think about it, hija. Just come with me. Wala naman akong ibang maisasama kun’di ikaw lang.” Hindi iyon utos at hindi rin pakiusap. Pero ramdam ni Summer na obligasyon niyang pagbigyan ang ama sa pagkakataong iyon.
Huminga siya nang malalim. “Alright. . . But this will also be the last.”
Nakangiting tumango ang kaniyang Papa. “No worries, hija.” Hinalikan siya nito sa noo, saka siya iniwan doon.
Sinundan niya ito ng tingin. Halata sa katawan ang sigla nito. At kapag ganoon ang ama, kahit papaano gumagaan din ang kalooban niya.
Ipinagpatuloy niya ang pagkain, bago muling umakyat sa itaas. Hinagilap niya ang cell phone sa bag na dala niya kagabi at tinawagan si Jackie.
“Yes?” anito sa kabilang linya.
“Are you free today?”
Tinatanong pa ba iyon? Alam niya na rin kasi ang isasagot ng kaibigan. Hindi kasi kagaya niya na wala itong trabaho. Jackie is a bank teller. Kaya alam niyang sa mga sandaling iyon ay nasa trabaho na ito.
“Sum—”
“I know. . . I know. . . Nagbabakasali lang naman ako. I want to go out.”
“Bakit? Ang aga pa, ah,” komento nito.
“Well, I want to buy a dress for the ball.” Inikot-ikot niya sa isang daliri ang buhok.
“You’re going to the ball? Tama ba ang narinig ko?” manghang tanong nito.
Natawa siya. Hindi lihim kay Jackie ang tungkol sa bagay na iyon. They had been friends since high school. Pareho silang nag-aral sa isang pribadong eskwelahan sa Dela Paz, mula high school hanggang college. Magkaiba nga lang ang kursong kinuha nila.
“Yeah. . . You heard me right,” natatawang tugon niya.
“And what changed your mind?” Kahit hindi niya nakikita, alam niyang nakataas ang isang kilay nito.
“Wala naman. Naisip ko lang na patapos na rin ang termino ni Papa. Ilang beses na rin siyang um-attend ng ball na walang date, kaya this time, pagbibigyan ko ang kagustuhan niya.” Tumingin siya sa orasang nasa dingding. Mag-aalas-nueve pa lang pala ng umaga.
“Iyon nga ba ang dahilan?” may halong panunuksong wika nito.
Napakunot ang noo niya. “And what do you mean by that?”
Tumawa ito. Tawang may halong kilig. “Kung hindi kita kilala, maniniwala agad ako sa sinasabi mo. But I know you well, Summer. And I could sense that something changed about you these past few weeks.”
“Just get to the point. Dahil hindi ko nasusundan ang sinasabi mo,” nakataas ang isang kilay na turan niya.
“Well, baka naman may nakabihag na talaga sa pihikan mong puso,” anito.
Pagak siyang natawa. “At sino naman ang tinutukoy mo?” gagad na tanong niya.
“Zhione.” Maiksi pero nagawang pasikduin ng pangalang iyon ang puso niya.
Hysterical siyang nagtatawa upang iwaksi ang kakaibang damdamin na iyon, na napukaw sa puso niya. “What! Are you crazy?” May halong sarkasmo ang kaniyang tinig.
“No. But you are. And that was happening to you right now.” Tumaltak pa ito sa kabilang linya.
Napailing siya. “You’re making me sick. Hindi totoo ang sinasabi mo,” aniya.
“Oh, really? Alam nating pareho na hindi siya nawawala sa ball. Every year kasama siya ng kaniyang ama. At para sabihin ko sa iyo, simula noong gabing iyon na bigla mo na lang siyang hinala sa braso, gabi-gabi, naroon tayo sa bar niya.”
Nagulat siya sa narinig. Hindi niya alam na alam pala nito ang bagay na iyon.
“I saw you,” anitong tila nabasa ang kaniyang iniisip. “I saw how you looked at him that night. There’s excitement and curiosity in your eyes. Kaya kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo, alam ko na agad na nakuha niya ang atensyon mo. Something that never really happened to you before,” dagdag pa nito.
Sandali siyang nag-isip bago sumagot, “You’re wrong. I am not interested in him in any sort of way. Imposible rin ang sinasabi mo dahil kahit kailan, hindi puwede ang salitang kami sa amin,” mariing tugon niya.
“Bakit? Because of your father’s? Dahil sa pulitika?”
“No. Simply because I don’t like him,” pagtatama niya.
No!
Yes!
No!
Yes!
Pagtatalo naman ng isipan niya sa kaniyang naging sagot. Napahilot tuloy siya sa biglang pagsakit ng ulo.
“I don’t think so. Pero sige, paniniwalaan ko pa rin ang sinasabi mo dahil mabait akong kaibigan.”
“Ga*a!”
“You’re very much welcome! Bye. . .” mabilis nitong paalam.
Tulalang napatingin siya sa labas ng bintana. Paano ba nasabi ni Jackie ang bagay na iyon? Totoo nga ba talaga? Na interesado siya kay Zhione? That Zhione was the only man who caught her attention?
Pero imposible! Napaka-imposible!
Dahil ba sa ginawa ng lalaki noon sa kaniya? Na kahit may kayabangan ito ay maginoo pa rin pala? Na noong magkahawak ang kamay nila, may kakaibang init siyang naramdaman na nagpapasikdo ng kaniyang puso? Na nadala siya sa sinserong pag-aalala na ipinakita nito?
“No, Summer. . . Kahit sinong matimtimang birhen ay maaapektuhan sa mga ginawa niya. But not in romantic way.” Para siyang baliw na tumango-tango pa habang sinasabi iyon.
Inis na tumayo siya at tinungo ang banyo. Kaysa mag-isip siya nang mag-isip sa kung ano ba talaga ang nararamdaman niya, mag-isa na lang niyang aaliwin ang sarili. At kapag nakita niya ang kaibigan, patutunayan niyang hindi totoo ang sinasabi nito.
“Oh my God! Zhione, put me down!” Humahalahak na saway niya sa asawa habang buhat-buhat siya nito.Kabababa lamang nila sa bangkang naghatid sa kanila sa islang iyon. Islang binili ng kaniyang ama para sa kanila ni Zhione. Iyon daw ang regalo nito sa kanila.Yes. Muli silang ikinasal ni Zhione. This time, it was a beautiful garden wedding by the sunset. Ginanap iyon mismo sa magandang hardin ng Hacienda Filomena. Piling mga kaibigan lang ang imbitado. It was so solemn that it made her and Zhione’s heart filled with so much happiness.After so many challenges that they’ve been through, sa wakas, tuluyan ng magiging buo ang kasiyahan nila. Hindi na iyon kulang, kung hindi umaapaw pa nga.Those people who hurt them faced the consequences of their actions. Sa pinagsanib puwersa ng pamilya nila, wala ng katakas-takas pa sa batas ang mag-amang Reverencio at Kristal. Both will rot in
Matapos ang lahat ng nangyari, iniwan niya sa ama ang pag-aasikaso sa mga kasong isinampa nila laban sa mag-amang Perez. Nagmamadali naman siyang bumalik ng ospital dahil tumawag ang kaniyang ina, nagising na raw si Summer.“Oh, God!” Humahangos na nilapitan niya ang asawa at niyakap nang mahigpit. Nakangiting gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. “Thank you for coming back to me, honey. I love you so much,” aniya.“I love you, too. Hindi ko kayang iwanan kang mag-isa rito. Hindi iyon mangyayari, Zhione,” anito.Matagal sila sa ganoong posisyon. Para bang ayaw na nilang maghiwalay pa. Napukaw lang sila nang may tumikhim sa kanilang likuran. Sabay nilang nilingon ang mga naroon.“We’re just going out. Mag-usap na muna kayong dalawa,” anang kaniyang byenan na titig na titig sa kaniya. “Ang bilin ka sa iyo, hijo. Huwag na huwag mong kalilimutan
Sa silid muna ng kaniyang byenan sila tumuloy pagdating nila sa ospital. Matagal pang nagkatitigan ang dalawang may-edad na lalaki, bago ito nagawang lapitan ng kaniyang ama.“Fernan.”“Santino.”Panabay pang wika ng mga ito bago nagtawanan. Parang bigla ay nawala ang ilang taong alitan sa pagitan ng dalawa sa nakikita niyang tagpo. It was like meeting an old friend after a long while of being away from each other.“I’m so sorry,” mahinang wika ng kaniyang byenan. “I’m so sorry for everything that I did in the past. Alam kong nasaktan kita nang husto noon pero isinawalang bahala ko lang iyon. Sana mapatawad mo pa ako.” Nangulap ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniyang ama.Mas lumapit naman ang ama niya sa kinahihigaan ng byenan. “Ako rin naman, gusto kong humingi ng despensa sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo.
Isang buong araw na ang lumipas ngunit tulog pa rin si Summer. Nag-aalala man, pero hindi naman siya pinanghihinaan ng loob. Alam niyang babalik ang kaniyang asawa.“Hijo, magpahinga ka muna. You need rest. Kahapon ka pa hindi umaalis sa tabi ng asawa mo. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan,” anang kaniyang ina nang lapitan siya nito. Nakaupo siya sa upuang malapit sa kama ni Summer. Hindi niya binibitawan ang kamay nito.“How could I rest when my wife haven’t wakened up?” frustrated na tanong niya sa ina.Pinisil nito ang kaniyang mga balikat. “Summer will wake up, hijo. Manalig ka lang. At saka, gusto mo bang makita ka ng asawa mo sa ganiyang anyo? You haven’t had your shower for God’s sake! Gosh, kung ako ang asawa mo, hindi ako tatabi sa iyo. Mukha ka ng dugyot,” pagbibiro pa nito.Nagtagumpay naman itong patawanin siya. “Guwapo na dugy
“Come again?” Bigla siyang nabingi. He even blinked his eyes a few times. Klinaklaro pa rin ng isip niya ang narinig.“Your wife is pregnant, Mr. Vergel,” pag-uulit naman ng doctor. “You have to make a decision now.”“F*ck!” He couldn’t stop cursing. Marahas din siyang napahilamos sa mukha. Parang dinudurog ang puso niya sa mga sandaling iyob. Kung hindi siya nagkakamali, walang alam si Summer na buntis ito.Hinarap niya ang doctor. He decided. “I need my wife alive. Do you hear me?!” Ano pa bang kailangan niyang pag-isipan? Patawirin siya ng asawa pero mas gugustuhin niya itong mabuhay kaysa sa kahit na sino. She’s his life now. Ikamamatay niya kapag hindi ito nakaligtas.Tumango ang doctor, naintindihan ang nais niyang mangyari. “I’ll update you as soon as it’s done.”“Please d
“Where are you going?” tanong ng kaniyang ama nang makitang bihis na bihis siya.Ngumiti siya rito. “I’ll go with you,” malambing na wika niya. Gusto niyang ipakita rito na sa kabila ng lahat ng mga nalaman niya at nangyari, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal at pagtingin niya rito. Kaya susuportahan pa rin niya ito sa gusto nito.“Malayo ang pupuntahan ko, hija. Mapapagod ka lang,” hindi tuwirang tanggi nito.Napataas ang isang kilay niya. Mula noong kausapin niya ito, palagi niya itong nakikitang nag-iisip. Siguro, na-realize na rin nito ang mga kailangang gawin— hindi pa nga lang siguro ito handa.“Are you avoiding being with me? Dahil ba iyon sa mga sinabi ni Kristal?” tila may hinampong sabi niya.“Of course not!” Mariin itong umiling. “It’s just that. . . hindi pa rin safe, hija. Ay







