CHAPTER 73 – Countdown to ForeverTatlong araw matapos ang sorpresang engagement sa Palawan, pormal nang sinimulan nina Eros at Veronica ang wedding preparations. Bagamat abala pareho sa kani-kanilang propesyon sinigurado nilang bawat detalye ng kasal nila ay sila mismo ang tutok. Wala silang wedding planner. Hindi dahil sa tipid, kundi dahil gusto nilang bawat desisyon ay galing sa puso nilang dalawa.Sa condo nilang dalawa sa BGC, tila naging command center ang dining area. May whiteboard na may timeline, sticky notes sa bawat kanto ng mesa, at iba’t ibang sample ng tela, invitation prints, at wine bottles na naka-line up sa isang gilid."Okay," ani Veronica habang hawak ang iPad na may checklist. "Venue: Tagaytay private estate. Tapos na ang ocular, reserved na rin.""Yup," sagot ni Eros na nakaupo sa tapat niya, suot pa rin ang business shirt mula sa meeting. "Pati catering confirmed na. Filipino-European fusion menu, plated service.""Guest list," dagdag ni Veronica. "Fifty max.
CHAPTER 72 – Limang araw matapos ang sorpresang engagement sa private resort sa Palawan, bumalik na sina Eros at Veronica sa Manila. Bagama't balik-trabaho agad si Veronica bilang trauma surgeon sa Smith Medical Center at abala naman si Eros sa mga executive meetings ng hospital, isang hindi maipaliwanag na liwanag ang palaging sumasama sa kanilang aura.Sa condo nilang dalawa sa BGC, habang nakasuot si Veronica ng navy blue scrub pants at oversized hoodie ni Eros, nakaupo siya sa couch habang hawak ang tablet. Pinagpipilian niya kung anong wedding motif ang gusto niya—may coastal palette, forest green, o soft champagne?Maya-maya pa'y biglang nag-pop ang notification sa tablet na hawak niya mula sa Messénger. Ang step-sister niyang si Sienna ang nag-chat sa kan'ya.“Are you free tomorrow? Can we meet?” saad nito sa chat.Napatigil siya. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa biglaang alon ng alaala. Si Sienna, kapatid niya sa ama, at ang babaeng minsang naging malapit sa kanya, bago n
CHAPTER 71 —"Palawan tayo, hon. Just the two of us… or so you’ll think," bulong ni Eros habang magkahawak sila ng kamay ni Veronica sa loob ng kanilang condo, pagkatapos ng isang mahaba at pagod na araw sa ospital.Napatingin si Veronica sa kanya, bahagyang nakakunot ang noo. "Palawan? Kailan?""Next weekend. Three days. I filed my leave already. Nakabook na ang resort," sagot ni Eros, habang ang mga mata nito ay puno ng lambing at lihim. "Gusto ko lang tayong dalawa. Tahimik. Malayo sa lahat."Napangiti si Veronica. "Sounds perfect. Grabe ka, 'di mo man lang ako tinanong.""Gusto kong sorpresahin ka," sabi ni Eros, sabay halik sa likod ng kanyang kamay. "You need this, Vee. We both do."Niyakap niya si Eros, mahigpit. "Thank you, hon."Pero ang hindi alam ni Veronica, hindi lang simpleng bakasyon ang nakaabang. Sa likod ng bawat kilos ni Eros, may mas malalim na plano, isang pangakong matagal na niyang gustong gawin.———Sa mga araw na sumunod, naging mas abala pa si Eros kaysa sa d
CHAPTER 70 – Sa pagdaan ng mga araw matapos ang press conference ni Eros Smith, unti-unti nang bumalik sa normal ang takbo ng operasyon sa Northwell Medical Center—ang bagong pangalan ng ospital na dating tinatawag na Smith Medical Center. Iminungkahi ito ni Eros bilang panibagong simula, kasabay ng paglayo sa anino ng iskandalo.Ang mga dating duda sa kanyang integridad ay unti-unting napalitan ng respeto. Maraming pasyente at staff ang muling bumalik sa hospital. At higit sa lahat, wala na ang banta ni Ethan Cross. Tahimik ang lahat mula sa kampo nito simula nang lumipad ito patungong Amerika.Pero habang abala si Veronica sa kaniyang rounds at research presentations, si Eros ay tahimik na nagpaplano ng bagong yugto sa kanilang buhay—isang lihim na hindi niya pa ipinapaalam kahit kanino maliban sa dalawang taong pinagkakatiwalaan niya.Isang linggo matapos ang press conference, lumipad si Eros patungong Tokyo, Japan para sa isang medical conference. Ngunit sa itinerary niyang hawak
CHAPTER 69 – Tahimik sa loob ng opisina ni Director Cross, ang ama ni Ethan Cross. Tanging ang tunog ng news anchor mula sa wall-mounted TV ang maririnig—live ang broadcast mula sa press conference ni Eros Smith. Tila hindi gumagalaw ang director, nanlilisik ang mga mata habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Eros.Nang banggitin ni Eros ang pangalan ng anak niyang si Dr. Ethan Cross bilang utak sa likod ng video leak at paninira, saka lamang nagsalita si Director Cross, pasinghal ang tono.“Anak ng—!” sabay hampas sa remote control. “Anong pinaggagawa ng anak ko?”Hindi pa siya tapos magbuntong-hininga nang bumukas ang pinto at pumasok si Ethan na may hawak na tablet. Hindi man ito nagsasalita, halatang mainit ang ulo.“Did you watch it?” malamig na tanong ni Director Cross.“I did,” sagot ni Ethan, nananatiling kalmado pero kitang-kita ang tensyon sa panga niya.“Sa buong karera ko sa medisina, ngayon lang ako napahiya ng ganito. My own son, involved in a pub
CHAPTER 68 – Lunes ng umaga, ang hangin sa Smith Medical Center ay tila mas malamig kaysa karaniwan. Habang abala ang mga staff sa kani-kanilang rounds, tahimik lang na nakaupo si Eros sa loob ng kanyang opisina, hawak ang cellphone, malalim ang iniisip.Wala pang alas-nuwebe pero ramdam niya na ang bigat ng araw na ito.“Sir,” mahinang katok ni Raven sa pinto.“Pasok,” sagot niya agad.Pagkapasok ng assistant, lumapit ito sa mesa ni Eros at inilapag ang isang clipboard.“As instructed, I’ve already coordinated with the media team. The press conference will be held at the multipurpose conference hall, 2nd floor, south wing. That’s the most secure and accessible spot for both internal and external press.”Tumango si Eros. “Good. Make sure security is tight, and prepare a dedicated media booth. I don’t want unnecessary chaos.”“Yes, sir. Do you want to review your draft speech?”“No need,” maikli niyang sagot. “I’ll speak from the heart.”Pagkaalis ni Raven, tumayo si Eros at tinungo a