Home / Romance / Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire / BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL."

Share

BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL."

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-08-24 20:52:11

CHAPTER 19 – “A Stolen Kiss.”

Tahimik ang buong sala, ang tanging tunog ay ang mahina at tuloy-tuloy na buhos ng ulan mula sa labas. Nakahiga pa rin si Knox sa sofa, hawak-hawak ang pulsong ayaw niyang pakawalan, habang si Elle ay nakaupo sa gilid, naninigas ang katawan, hindi alam kung paano gagalaw.

“Elle…” bulong niya, halos pakiusap.

Ramdam ni Elle ang init ng hininga nito na tumatama sa kanyang pisngi. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya, at halos hindi na siya makahinga sa sobrang lapit nila.

“Sir, you need to sleep,” maingat niyang sabi, pilit inaayos ang tono ng boses para huwag mahalata ang kaba. Pero hindi niya naituloy ang paglayo. Mas hinila siya ni Knox palapit, at sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Elle, at para bang tumigil ang oras. Isang stolen kiss—mabagal, mariin, at puno ng init. Hindi iyon tulad ng mga halik na dati niyang nakita sa club; ito ay totoo, ramdam, at nakakasunog ng kaluluwa.

Napakapit siya sa balikat nito, ramdam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL."

    CHAPTER 19 – “A Stolen Kiss.”Tahimik ang buong sala, ang tanging tunog ay ang mahina at tuloy-tuloy na buhos ng ulan mula sa labas. Nakahiga pa rin si Knox sa sofa, hawak-hawak ang pulsong ayaw niyang pakawalan, habang si Elle ay nakaupo sa gilid, naninigas ang katawan, hindi alam kung paano gagalaw.“Elle…” bulong niya, halos pakiusap.Ramdam ni Elle ang init ng hininga nito na tumatama sa kanyang pisngi. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya, at halos hindi na siya makahinga sa sobrang lapit nila.“Sir, you need to sleep,” maingat niyang sabi, pilit inaayos ang tono ng boses para huwag mahalata ang kaba. Pero hindi niya naituloy ang paglayo. Mas hinila siya ni Knox palapit, at sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi.Nanlaki ang mga mata ni Elle, at para bang tumigil ang oras. Isang stolen kiss—mabagal, mariin, at puno ng init. Hindi iyon tulad ng mga halik na dati niyang nakita sa club; ito ay totoo, ramdam, at nakakasunog ng kaluluwa.Napakapit siya sa balikat nito, ramdam

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL.”

    CHAPTER 18 – “The Ride Home.”Malakas pa rin ang ulan nang huminto ang itim na Sedan sa harap ng isang luxury condo sa BGC. Sa likod ng tinted windows, nakapikit si Knox, bahagyang nakasandal ang ulo sa headrest. Nakahilig ang braso niya sa gilid, at halatang mabigat na ang katawan.“Sir, we’re here,” mahinang sabi ni Elle, marahang tinatapik ang braso nito.Bahagyang dumilat si Knox, pero agad ding napapikit.Mabilis na bumaba si Rodel at binuksan ang pinto. “Ms. Santos, tulungan ko na kayo.”Tumango si Elle at lumabas din. Sabay nilang inalalayan si Knox palabas ng sasakyan. Mabigat ang hakbang nito kaya’t napilitan si Elle na hawakan ang isang braso, habang si Rodel ay nasa kabilang side.“Konti na lang, Sir,” wika ni Rodel, binubuksan ang malaking payong habang marahang inaakay ang boss papunta sa lobby.Mabuti na lang at pati ang pass code ng boss ay alam din ni Rodel kaya nakapasok din sila kaagad. Madalas kasing maging ganito ang kanyang boss sa tuwing nag-iinom ito kaya ipinag

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL."

    CHAPTER 17 – Business DinnerTahimik ang buong floor habang nag-aayos si Elle ng mga folder na dadalhin nila para sa dinner meeting. Maaga pa lang, pinaalala na ni Mona sa kanya ang detalye kung saan isang private dinner kasama ang mga kliyente para i-celebrate ang bagong fleet deal. Bilang executive assistant, kailangan niyang sumama.Pagdating niya sa basement, naroon na si Knox. Nakasandal ito sa gilid ng itim na sedan, naka-dark navy suit at loosened tie. Kahit simpleng kilos lang, ramdam pa rin ang awtoridad. Tahimik lang itong nagtaas ng tingin nang makita siya.“Ready?” malamig na tanong nito.“Yes, sir,” maikling sagot niya, saka marahang tumango.Sumakay silang dalawa sa likod. Tahimik ang biyahe, tanging ilaw ng siyudad at mahinang ulan ang kasabay nila. Si Elle ay nakatitig sa labas, iniwas ang tingin dahil ramdam niya ang tension sa hangin. Si Knox naman, nakapikit sandali na parang iniipon ang enerhiya bago magsimula ang gabi.---Maginaw ang gabi nang dumating sina Knox

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL.”

    CHAPTER 16 – “Accidental Closeness.”Maaga pa lang, gising na ang buong floor. May mga staff na nagdadala ng kape, may naglalakad papunta sa conference rooms, at ang mga ilaw ng cubicles ay nagsisimula nang magbukas isa-isa.Si Elle, naka-white blouse at navy slacks, maagang nakaupo sa desk niya. Inayos niya ang mga folder sa tray, siniguradong naka-label ang bawat isa. Kahit isang linggo pa lang siya sa Evans Motors, parang isang buwan na ang naramdaman niya dahil sa dami ng tasks.Habang nag-aayos, sinulyapan niya ang glass wall ng opisina ni Knox. Nakabukas na ang ilaw sa loob, at nakikita niya itong nakaupo, seryoso, hawak ang isang pen habang nakatitig sa reports. As usual, cold expression. Walang emosyon.“Parang robot lang talaga…” mahina niyang bulong, saka napailing at nagpatuloy sa pag-aayos.---Bandang 9AM, lumabas si Mona dala ang iPad. “Elle, accompany Mr. Evans to the design review at 10. Prepare copies of the agenda and secure the prototype notes from the design team.”

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL."

    CHAPTER 15 – “Trial by Fire.”Mabilis ang paglipas ng unang linggo ni Elle sa Evans Motors. At sa bawat araw na dumaraan, pakiramdam niya’y mas humihigpit ang sinturon ng trabaho. Hindi lang basta demanding ang role bilang executive assistant—parang sinasadya ni Knox na gawing survival test ang bawat task na ibinibigay sa kanya.Pero kahit gano’n, hindi siya nagrereklamo. Para kay Elle, bawat utos ay challenge. Bawat pagsubok, hakbang patungo sa mas matibay na version ng sarili niya.---Isang umaga, barely past nine, tumunog ang intercom sa mesa niya. Tawag mula sa office ng CEO.“Ms. Santos,” malamig na tinig ni Knox mula sa intercom. “Redo the quarterly sales report. Strip down the fluff. I want it in two pages. Thirty minutes.”Napatigil si Elle, napatitig sa laptop screen. Two pages? From this 80-slide presentation? Huminga siya nang malalim, agad na binuksan ang file at nagsimulang magbura. Tinanggal niya lahat ng hindi kailangan mula fancy graphs, sobra-sobrang bullet points, q

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: “UNTIL THE VOW'S TURN REAL.«

    CHAPTER 14 – “Cold Recognition.” Umaga pa lang pero ramdam na ni Elle ang bigat ng araw. Habang nakaupo siya sa maliit na cubicle sa labas ng opisina ni Knox, pinagmamasdan niya ang bagong laptop at telepono na inilagay ni Mona sa desk niya. May kalakip na checklist ng mga tasks tulad ng scheduling, calls, document approvals, travel itineraries. Mukha itong simple sa papel, pero alam niyang hindi magiging madali kapag si Knox na mismo ang boss. Huminga siya nang malalim, marahang pinisil ang ballpen saka mahinang umusal, “Kaya ko ’to. Hindi ako puwedeng magkamali. Not here.” --- Samatala, sa loob ng private office, nakaupo si Knox sa swivel chair at nakasandal habang nakatingin sa city skyline. Sa labas, makikitabang natural niyang aura— cold, indifferent, untouchable. Pero sa loob-loob niya, meron kaunting kaba. “After two years… nasa harap ulit siya. At ngayon, assistant ko pa!” isip-isip niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Hindi niya n'ya alam kung galit ba siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status