HABANG nahihimbing ay managinip si Lalaine. Sa panaginip niya'y nagbalik siya sa pagiging musmos, nakasuot ng isang kulay pink na bistida na para bang isang prinsesa, at nakatayo sa tapat ng isang napakagandang bahay. Puno ng pagkamangha siyang nakatingin sa bahay na iyon na tila ba palasyo sa laki na may pamilyar na damdamin sa kanyang puso.Mayamaya'y siyang magandang babae ang lumapit sa kan'ya na nakasuot ng eleganteng bistida at matamis ang ngiti habang nakatingin sa kan'ya.“My sweet little girl, we're home...”Pero ang batang siya ay mariing ikinuyom ang kamay at umiling sa kaharap. “H-Hindi po...hindi po ito ang bahay ko...”Muling ngumiti ang babae sa kan'ya at saka lumingon sa likuran kung saan nakatayo ang isang matangkad at gwapong lalaki.“Honey, look at your daughter. Nahilo yata siya sa pagkakahulog kaya hindi n'ya natatandaan ang sariling bahay...” saad ng babae sa lalaking iyon.Malakas namang tumawa ang lalaking iyon saka dahan-dahang lumapit sa kan'ya ay marahang hi
NAKANGITI lang na nakaupo si Knives sa harapan ni Lalaine ay hinahayaan ito sa gusto nitong gawin. “H-Hindi mo pa ako sinasagot. May masakit ba sa'yo?” muling tanong ni Lalaine habang masusing sinusuri ang katawan ng lalaki na tuluyan na niyang naalis ang suot na damit. Nang makita na bukod sa benda sa dibdib at likod ay wala na siyang ibang nakita pang sugat ang nakahinga ng maluwang si Lalaine. “Sigurado ka bang wala ka nang ibang sugat?” naninigurong tanong ni Lalaine sa lalaki. “'Di mo pa naman nakikita lahat,” makahulugang saad ni Knives sa babae. “May ibang parte ka pang hindi natitingnan.” “S-Saan?” maagap na tanong ni Lalaine sa lalaki. Walang kamalay-malay na tinutukso lang siya nito. “You haven't taken my pants off yet,” nakangising saad ni Knives. Ilang segundo rin ang lumipas bago magkapag-react si Lalaine sa sinabi ng lalaki. At awtomatikong namula ang buo niyang mukha nang lubusang maintindihan ang ibig sabihin ng lalaki. Hinawakan siya ni Knives sa mga kam
TILA may unos na lumulukob sa puso ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Ni hindi na niya kaya pang tumingin sa lalaki sa takot na hindi n'ya mapigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Masyado lang siyang nakakaawa pag ganoon. Isa pa, utang na loob niya kay Knives ang kanyang buhay at kailangan niyang sumunod sa gusto nitong mangyari anu't ano pa man. Humugot muna ng malalim na hininga si Lalaine para kalmahin ang sarili bago nagsalita. “K-Kailangan ko munang makuha ang registration booklet ko kaya hindi pwede ngayong araw...” Nahuli na ng pulis ang kanyang Nanay Ursula, kaya mas madali para sa kanyang kumuha ng registration booklet. Kailangan na lang niyang magpunta sa pulis station para makakuha niyon. Sinikap ni Lalaine ng mga oras na iyon na huwag sumungaw ang luha sa kanyang mga mata saka pilit ma ngumiti. “B-Bukas na lang ng umaga, okay lang na sa'yo?” tanong n'ya pa. “No.” Iyon lang ang isinagot ni Knives habang mabigat ang tinging ipinupukol kay Lalaine. Kumirot ang puso niya
“HINDI ako magpapakasal. And if you don't want to be a laughingstock in front of the guests, cancel this engagement...” Nang marinig ang salitang iyon mula kay Knives ay awtomatikong namula ang mga mata ni Gwyneth at saka naiiyak na nagsalita, “H-Honey, ano bang sinasabi mo?”“Walang kwenta ang mga sinasabi mo!” galit na galit na saad ni Kennedy sa kanyang anak. “You came to me and said you wanted to marry Gwyneth. But in a flash, you suddenly changed your mind and didn't want to get married?”“My mind was not clear at that time so I agreed just to fulfill Gwyneth's wish,” malamig na saad ni Knives. “But now I've come to my senses. I no longer intend to keep that promise.”Sa galit ni Kennedy sa katigasan ng ulo ng anak ay malakas niyang naihampas ang tungkod sa marmol na sahig. “It's not up to you to decide. If I have to tie you up now, I will!”Hindi nagpakita ng takot si Knives sa kanyang ama ng mga oras sa iyon. Sa halip puno ng determinasyon ang kanyang mga mata habang nakatingi
“LALAINE is my wife. I will never let anyone touch her!” Napalitan ang madilim na anyo ang kaninang nag-aalalang mukha ni Gwyneth matapos marinig ang pag-amin na iyon mula kay Knives. Hindi n'ya akalain na maririnig iyon mula sa bibig nito.‘Wife? Kung gano'n, ano ako para sa kan'ya?’ Iyon ang tanong na umuukilkil sa isipan ni Gwyneth. Knives promised to marry her, but why does he consider Lalaine his wife? Nakaramdam ng galit si Gwyneth ng mga sandaling iyon at palihim naikuyom ang mga kamao. No way! She should be the only woman in Knives Dawson's life. She alone has the right to be his wife and no one else!“Ingrato!” galit na galit na sigaw ni Kennedy sa kanyang anak. “Kung nabubuhay lang ang mommy mo, tiyak na hindi n'ya papayagan ang ginagawa mo!”Alam na alam ni Kennedy na ang kahinaan ng kanyang anak ay ang mommy nito, kaya sa t'wing kailangan niyang palambutin ang anak ay ito ang ginagawa niyang sangkalan.Pero sa pagkakataong iyon, hindi ito gumana kay Knives.“Don't brin
UMAGA na nang magising si Lalaine subalit wala pa ring Knives ang dumating. Nakakabinging katahimikan lang ang sumalubong sa kan'ya ng mga sandaling iyon. Hindi rin mapakali si Lalaine, at sa kanyang puso ay para bang may kung anong gumugulo. Kaya naman kahit hindi masyadong pinag-isipan ay nagpasya siyang umalis ng Dawson Residence. Pero bago iyon, tinawagan muna niya si Mr. Miller at nagpatulong kung papaano magpa-schedule ng bisita sa Manila City Jail kung saan nakakulong ang kanyang ina-inahang si Ursula. May mahalaga lang siyang gustong itanong sa babaeMatapos ng pag-uusap, dumiretso na si Lalaine sa piitan at pumirma ng visiting form saka dumiretso sa visiting area kung saan naghihintay si Ursula habang nakaposas ang mga kamay at may bantay na isang pulis.Nang makita si Lalaine ay naging excited ang ekspresyon ni Ursula sa kulubot na mukha. “Anak ko, mabuti naman at ligtas ka!” bulalas kunwari ng may-edad na babae na halos umabot sa tenga ang lapad ng pagkakangiti.Naikuyom n
SA ISANG coffee shop naghihintay si Lalaine para sa taong kakatagpuin niya. Hindi niya akalain na sa dami ng pinagdaanan nito sa China ay makakabalik pa rin ito ng buhay at makakasama ang pamilya nito.Habang malayo na naglalakbay ang isipan, isang babaeng nakasuot ng itim na sumbero at itim na face mask ang lumapit sa mesa kung saan naghihintay si Lalaine. At bagaman simple lang ang suot nitong denim pants at long-sleeve ay kitang-kita pa rin ang magandang pigura ng katawan nito.Nang makita ni Lalaine ang mga mata nito ay tuluyan nang tumulo ang kanyang luha. Hindi siya makapaniwala na nakatayo ngayon sa harapan niya si Veronica.“I-Ikaw na ba talaga 'yan, Veronica?” umiiyak na tanong ni Lalaine sa babae. Tumango naman ito bilang sagot kaya sa labis na tuwa ni Lalaine ay napalundag siya sa babae at niyakap ito nang mahigpit.“A-Akala ko wala ka na... Sobrang saya ko talaga dahil makaligtas ka nang gabing 'yon...” umiiyak na saad ni Lalaine.Maging si Veronica ay umiiyak din ng mga
KAAGAD na nakatawag si Veronica ng ambulance at mabilis na nadala si Lalaine sa ospital. Pagdating sa emergency room, tinanong siya ng residence doctor kung ano ang naging sanhi ng pagkawalan nito ng malay. “H-Hindi ako sure, doc. Sa tingin ko over fatigue—”Naputol ang sana'y sasabihin ni Veronica nang may baritonong boses ang sumingit sa kanilang usapan. “Ms. Chavez?” Nilingon ni Veronica ang tumawag sa kanyang pangalan at nakita niyang si Doc Eros iyon na isa rin sa mga residence doctor ng naturang hospital.Lakas-loob na hinubad ni Veronica ang suot na face mask niya at hinarap ang binatang doktor. “D-Doc Eros, tulungan mo ang kaibigan ko,” nag-aalalang sagot ni Veronica sabay turo kay Lalaine.Kunot-noong pinagmamasdan naman ni Eros ang babaeng walang malay na nakahiga sa hospital bed. Maputla ang labi at mukha nito ng mga oras na iyon.“What happen to her?”Napilitan si Veronica na tanggalin ang suot na face mask para makapagsalita ng maayos at maintindihan ng doktor ang sasa
KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be