CHAPTER 27 – The Backseat HeatMaliwanag pa ang mga gusali sa Makati nang lumabas sina Knox at Elle mula sa private lounge ng hotel. Kaka-end lang ng client dinner—mabigat ang usapan, pero successful. Malumanay ang ambon, basa ang kalsada, at kumikislap ang mga ilaw ng lungsod sa salamin ng itim na sedan na nakaparada sa driveway.Binuksan ni Rodel ang pinto sa likod. “Sir, ma’am.”“Thanks, Rodel,” sabi ni Knox, bahagyang nakakunot ang noo, pero may konting ngiti sa gilid ng labi. Inunahan niya si Elle sa pagpasok, saka marahang inalalayan ang siko nito papasok sa backseat. “Careful.”“Thanks,” mahina lang tugon ni Elle, ramdam ang init ng palad niya kahit maiksi lang ang hawak. Habang sumasara ang pinto, tumama sa kanya ang pamilyar na amoy ng leather, mabangong pabango ni Knox, at lamig ng aircon na tuck-in agad sa balat.Pag-andar ng sasakyan, sinabayan ng wipers ang pino at sunod-sunod na ambon. Sa unahan, nagtanong si Rodel, “Diretso sa BGC, Sir?”Knox sumulyap sa relo, saka tumi
CHAPTER 26.2 — Continuation “Right on time...” Hindi agad nakapagsalita si Elle. Tumikhim lang siya, saka pumasok. Pagkasara ng pintuan, ramdam agad niya ang lamig ng aircon na tumatama sa balat niya, kasabay ng faint na amoy ng woody perfume ni Knox. Walang ibang salita, hinawakan siya nito sa kamay at dinala papasok sa living area. Naka-dim ang mga ilaw, tanging soft lamp lang sa gilid ng sofa ang bukas. “Sit,” utos nito, pero hindi mabigat ang tono—mababa lang at diretso. Umupo si Elle sa leather sofa, marahang inilapag ang bag sa gilid. Nakayuko siya, iniwas ang tingin sa lalaki. “Elle.” Dahan-dahan siyang tumingin. “Do you remember the terms?” tanong ni Knox, diretso, walang pag-aalinlangan. Tumango siya, halos mahina. “Yes.” Naglakad si Knox palapit, mabagal, at huminto sa harap niya. Yumuko ito, inilapit ang mukha. “And you’re not backing out?” Napakagat-labi si Elle. “No.” Umangat ang sulok ng labi ni Knox. “Good.” Inilapit nito ang kamay at marahang hinaplos ang
CHAPTER 26 – “The Deal.«Maagang gumising si Elle kinabukasan, pero kahit ilang oras siyang nakapikit sa kama, hindi pa rin siya nakatulog nang mahimbing. Nakatalikod siya sa malamig na dingding ng maliit na apartment, nakayakap sa unan na parang iyon na lang ang makakapigil sa mabilis na tibok ng puso niya.Ang utak niya’y paulit-ulit na nagbabalik sa mga eksena kagabi—ang desk, ang sofa, ang mga halik ni Knox na parang walang katapusan. At higit sa lahat, ang kasunduan nilang dalawa."We have a deal."Napapikit siya ulit. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung matatawag ba niyang tama ang ginawa niyang desisyon. Pero malinaw ang katawan niya kagabi—hindi lang siya pumayag, ginusto niya rin.Humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo. Maaga pa, pero kailangan niyang maghanda. Mas magiging mahirap ang araw na ito—dahil kahit anong kasunduan pa ang napag-usapan nila, balik trabaho pa rin siya ngayong araw. At sa opisina, boss niya si Knox.---Pagdating niya sa Evans Corporation, bu
CHAPTER 25 – The First Breach of RulesTahimik ang buong floor kinabukasan. Normal na umaga—mga empleyado’y busy sa kani-kanilang cubicle, may mga tawanan at tipa ng keyboard na pumupuno sa paligid. Pero para kay Elle, parang mabigat ang bawat oras.Nakaupo siya sa desk, binubuksan ang email at sinusubukang mag-focus sa mga papeles na kailangang i-check. Pero sa bawat sandali, bumabalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. The deal. The rules.Boss at secretary sa trabaho. Nothing more. Pero outside… alam niyang may apoy na hindi niya maitatanggi.Nagbuntong-hininga siya, pinilit ayusin ang spreadsheet sa harap niya. Pero biglang tumunog ang phone sa mesa.“Ms. Santos.”Malamig na boses ni Knox mula sa kabilang linya. “Bring the quarterly report to my office. Now.”Napakurap si Elle. Kinabahan. “Yes, sir.”Binunot niya ang folder at mabilis na inayos ang sarili bago tumayo. Habang naglalakad papunta sa private office ng CEO, ramdam niya ang bawat mata na sumusunod. Normal lang naman
CHAPTER 24 – Proposal of TermsTahimik ang opisina matapos ang gabing iyon. Ang leather sofa kung saan nakahandusay pa rin si Elle ay may bakas ng kulubot sa upholstery, habang ang mesa ni Knox ay magulo pa rin sa mga papel na nahulog. Naka-dim pa rin ang lampshade, at ang lamig ng aircon ay hindi kayang tapatan ang init na bumabalot sa kanilang dalawa.Humihingal pa si Elle, nakahiga sa sofa, pawis ang sentido at nanginginig pa ang tuhod. Nakapikit siya, pilit pinapakalma ang sariling hininga, pero bawat paghinga niya’y parang paalala ng mga nangyari. Sa tabi niya, nakaupo si Knox, walang suot na coat, bukas ang unang tatlong butones ng polo, at tila ba hindi pa rin tapos sa pagtitig sa kanya.“Elle…” marahang tawag niya, boses ay mababa pero malinaw.Dahan-dahan siyang dumilat, tumingin kay Knox. Nandoon pa rin ang intensity sa mga mata nito, pero may kasama nang kakaibang lambing.“You know this can’t be ignored,” sabi ni Knox, nakahilig ang siko sa tuhod, nakatungo para mas makita
CHAPTER 23 – “ELLE…” malamyos na tawag ni Knox sa kan'ya habang ang mga mata'y nakatitig. “Stop fighting it...”Kinagat ni Elle ang labi, umiwas ng tingin. Gusto niyang sumagot, gusto niyang ipilit na nagkakamali lang ito ng akala pero sa loob-loob niya, ramdam niya ang init na matagal na niyang pinipigil.“Sir…” halos bulong lang ang lumabas sa labi niya. “We shouldn’t…”Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, lumapit si Knox sa kanya at yumuko na para bang hahalikan siya. Napapikit tuloy siya ngunit ang init ng hininga nito ay nararamdaman niyang tumatama sa kanyang pisngi.Dahan-dahan nitong inabot ang baba niya, pinilit siyang pinahaharap. “Then look me in the eye… and tell me you don’t feel it too.”Nagdilat si Elle at nanlalaki ang mata sa narinig. Humigpit ang hawak sa ballpen na para bang doon siya kumukuha ng lakas at pagpipigil sa sariling bumigay sa panunukso nito.Subalit sa halip na magsalita pa, nagulat siya nang bigla siyang hinila ni Knox mula sa upuan. Napaupo siy