공유

CHAPTER 31

작가: GennWrites
last update 최신 업데이트: 2024-09-23 15:53:32

NANLALAKI ang mga mata at hindi makapaniwala si Lalaine sa narinig kay Knives, dahilan para hilahin niya ang damit sa suot at ibalot ang sarili.

Lihim namang napangisi si Knives habang nakatingin sa babae. Napakagaling talagang magpanggap nito sa inosente sa harapan niya.

Matiim niyang pinagmasdan ang si Lalaine habang nakaarko ang makakapal niyang kilay. “Gusto mo bang ako na ang maghubad n'yan para sa'yo?”

“A-Ayoko...” saad naman nito na mangiyak-ngiyak.

Pumalatak naman si Knives habang napapailing. Wala siya sa mood para sabayan ang kaartehan nito kaya marahas niyang hinila ang babae sa braso papalapit sa kanya. Sa lakas niyon ay napasubsob pa ito sa kanyang hita.

Sandaling natigilan si Knives pero pilit niyang nilabanan ang kakatwang pakiramdam na umahon sa kanyang kaibuturan, at saka walang anu-ano'y hinubad ang damit na suot ng babae at basta na lang ihinagis sa kung saan.

Sa takot naman ni Lalaine ay nagpupumiglas siya at pilit bumangon mula sa pagkakasubsob sa mga hita nito
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (11)
goodnovel comment avatar
Joanna Grace Due Culala
nakakaawa namn si Lalaine lagi inaapi..
goodnovel comment avatar
balayemargie440
Basta nagustuhan ko ang story ...️ thank you Ma'am ...
goodnovel comment avatar
Elvira Lanojan
habang nagbabasa aq umiiyak aq dyos q hirap ng mahirap Basta nlang API apihin .........
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 41:

    LIWANAG ng umaga ang unang dumampi sa pisngi ni Abby. Bahagyang masakit ang kanyang katawan, pero higit pa roon ay may kung anong init sa dibdib niya—tila ba may nag-uumapaw na damdaming kay tagal niyang pinigilan.Dahan-dahan siyang bumaling sa kanyang tabi. Naroon si Kairi, mahimbing pa ring natutulog. Sobrang gwapo at napakapayapa nang mukha nito habang nahihimbing. Bahagyang nakalaylay ang may kahabaan nitong buhok sa noo, at bawat paghinga nito ay musika sa kanyang pandinig.Hindi mapigilan ni Abby na haplusin ang pisngi nito, at natatakot na baka panaginip lang ang lahat at bigla itong maglaho sa kanyang paningin.Maya-maya pa'y nagising na rin si Kairi. Masuyo itong ngumiti nang makita siya. “Hey, goodmorning,” mahinang bati nito sabay gawad ng mabilis na halik sa kanyang labi.“Hi, goodmorning,” tugon naman ni Abby na nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi.Sandali silang nagtitigan. Walang nagsalita, ngunit may kanya-kanyang tanong na naglalaro sa isipan. Ano ba ang ibig sabihin n

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 40:

    TAHIMIK ang biyahe pauwi ng mansyon. Kapwa tahimik ngunit magaan ang pakiramdam nina Abby at Kairi, dala ng mga halakhak at kwento sa botanical garden. Nakatingin si Abby sa labas ng bintana, habang si Kairi ay panaka-nakang sumusulyap sa dalaga sa rearview mirror na tila ba sinisikap basahin ang bawat maliit na ekspresyon ng mukha ng dalaga.Ngunit ang kasiyahan ay agad na napalitan ng tensyon nang bumungad sa kanila ang eksena sa harap ng pintuan ng mansyon.Isang babaeng putlang-putla, may mga pasa sa mukha at katawan, may hiwa sa labi, at halatang galing sa matinding pag-iyak ang nakatayo sa harapan ni Kenji, Keiko, at ng ilang mga kasambahay. “Naomi…?” halos pabulong na pagtawag ni Kairi sa babae.Napalingon si Naomi, at nang makita si Kairi ay kaagad itong tumakbo palapit sa lalaki. Niyakap niya ito nang mahigpit saka humagulgol.“Gomen… gomen ne, Kairi… wala na akong matakbuhan…”Nagkatinginan sina Abby at Keiko, maging si Kenji. Ramdam ni Abby ang bigat ng eksena—lalo na nang

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 39:

    PAGLABAS ni Abby mula sa witness stand, sinalubong siya ni Keiko ng mahigpit na yakap. Si Kairi ay nasa tabi niya, at sa mata nito ay hindi lang respeto ang naroroon — kundi paghanga dahil sa katapangan ipinakita ng babae kanina sa korte.Bahagya siyang lumapit sa dalaga saka bumulong, “Hindi lang kita basta ipagtatanggol, Abby, dahil karapat-dapat kang pakinggan, paniwalaan, at ipaglaban.”“Ngayon ko lang talaga naramdaman... na hindi na ako nag-iisa,” sagot naman ni Abby sa nanginginig na boses bagaman nakangiti ng taos-puso.“I'm so proud of you, bruh. Napakatapang mo!” bulalas naman ng bestfriend niyang si Keiko saka nagyakap ang dalawa nang mahigpit.“Anak...” mahina namang pagtawag ni Letisha sa kanyang anak. Umiiyak na siya ng mga sandaling iyon dahil kanina lang niya nalaman ang buong katotohanan tungkol sa masakit na pinagdaanan ng kanyang anak noong lumuwas siya ng Maynila.Napakasakit para sa isang magulang na marinig mula sa anak ang masalimuot na pinagdaanan nito. Pero ma

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 38:

    Hall of Justice, Regional Trial Court – Pasig CityTAHIMIK ang buong courtroom. Malamig ang air-conditioning ng kwarto, pero tila mas malamig ang atmospera habang nakaupo si Abby sa witness stand, tuwid ang likod at halatang nanginginig ang mga kamay. Sa kabilang panig naman ay nakaupo si Henry Scott, maayos ang suot pero kalmdo ang itsura—tila kampante.Sa likod ng defense table, nakatayo si Atty. Kairi Inoue, pormal ang bihis, pero matalim ang paningin—parang leon na handang punitin ang kalaban gamit ang katotohanan.“Your Honor, we now proceed with the direct examination of the private complainant, Ms. Abigail Del Rosario,” panimula ng court clerk.“You may proceed, Atty. Inoue,” saad ng judge na may kalmado ngunit intimidating na aura.Tumayo si Kairi mula sa kinauupuan, huminga nang malalim saka lumapit sa harap ni Abby. Naramdaman ito ni Abby—tila ba sinasabi ng binata sa kan'ya na naroon lang ito sa tabi niya kaya huwag siyang matakot.“Ms. Del Rosario, kailan n’yo unang nakila

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 37:

    NASA balcony sina Abby at Keiko, nakaupo sa rattan swing na may malalambot na throw pillows. Dahil rest day iyon ni Keiko ay napagpasyahan niyang makipagkwentuhan sa kanyang bestfriend lalo pa't May napapansin siya rito these past few days.“Bruh, May gusto sana akong itanong sa'yo.”Mula sa paghigop ng tsaa ay bumaling si Abby sa kanyang bestfriend. “Ano 'yun?" Mukhang may hinala na siya kung ano ang itatanong nito sa kan'ya.“Diretsahan na. Kayo na ba ni Kuya Kairi?” tanong nito na nakataas ang mga on-fleek na kilay.Muntik nang masamid si Abby sa narinig saka gulat na napatingin sa kausap. “H-Huh? Anong kayo? Hindi pa 'no!”Napakunot-noo naman si Keiko pero mayroong pilyang ngiti sa mga labi. “Hindi pa, pero may something na? Aminin mo na, bruh!” pagpupumilit pa ni Keiko habang nakataas ang mga kilay. “Ang daming palihim na tinginan, late-night talks, at pa-good morning coffee ni Kuya Kairi na dati, ni hindi marunong magsabi ng ‘hi’ sa babae.”Napakagat-labi naman si Abby sa mga na

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 36:

    NANG sumunod na araw, dahil rest day ay pasimpleng tinawag ni Kairi mula sa may hallway ng mansion si Abby habang busy sa pagbabasa ng libro sa veranda. "Are you busy?”Napatingin ang dalaga at bahagyang natawa. Bihira siyang tanungin ng ganoon ni Kairi. Napapansin niyang mas nagiging komportable na sila sa isa't-isa simula noong mag-umpisa ang kanilang “trial date.”“Wala naman. Why?” tanong niya, isinara ang libro saka humarap sa lalaki.“Tara,” maikling sabi ni Kairi habang tinuturo ang kotse sa driveway. “Let's have coffee.”“Kape?” tanong ni Abby, bahagyang nakakunot ang noo pero may ngiting naglalaro sa mga labi. “May kape naman dito sa bahay. Gusto mo timpla kita?”“Ayaw ko,” sagot ni Kairi, bahagyang ngumiti. “I'd rather have coffee alone with you."Naramdaman ni Abby na nag-init ang kanyang pisngi at punong-tenga pero wala siyang nagawa kundi tumango sa paanyaya ng lalaking minamahal...“Okay, tara. Libre mo, huh?"“Of course,” sagot naman ni Kairi sabay kindat.———Sa isang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status