HABANG unti-unti nang humuhupa ang usapan at ang apoy ay patuloy na nagbibigay ng init sa paligid, biglang tumayo si Eros at tumikhim na para bang mag-aanunsyo.“Guys, ang seryoso n’yo na naman! Ano ‘to, reflection camp?” biro niya sa mga kaibigan. “Puwede bang maglaro naman tayo bago tayo antukin diyan?”Napatawa ang grupo, lalo na si Keiko na agad na nagtanong, “O, ano na naman ang naiisip mo, Doc?”“Simple lang,” sagot ni Eros na parang may binabalak. “Let’s play something classic—truth or dare. Pero walang atrasan ha! Lahat sasali!”“Eros naman...” sabat ni Kairi na napailing pero may ngiti sa labi habang yakap si Abby. “Hindi na tayo high school.”“Exactly!” sagot ni Eros na humalakhak. “Kaya mas masaya—wala nang image na iniingatan!”Napatawa si Veronica, bahagyang nangingiti habang naguguluhan kung paano niya haharapin ang alam niyang kulitan na mangyayari. “Eros, sigurado ka ba rito?”“Of course! Okay, sige, ako na mauna para walang angal. Keiko—truth or dare?” tanong ni Eros
MAINIT ang simoy ng hangin na may halong lamig ng umaga habang bumabagtas ang van na sinasakyan nina Abby, Keiko at Veronica sa isang mahabang highway patungo sa isang private resort sa Batangas na pagmamay-ari ng mga Dawson. The window was rolled down, and the scent of the sea, drawing nearer as they approached their destination, seemed to beckon rest and tranquility.Sa unahan ng van, ang mga nobyo nila — si Kairi na siyang nagmamaneho, si Knives na nakaupo sa tabi nito, habang si Eros ay tahimik lang habang nakasandal at pinagmamasdan ang tanawin. Paminsan-minsan siya ay sumisilip sa rearview mirror kung saan sumasalubong ang kanilang mga mata ni Veronica.Pagkarating nila sa resort, hindi na nag-aksaya ng oras ang grupo. Ipinahanda ang mga gamit, at sa isang private cottage na may magandang view ng dagat, nagpasya sina Abby, Keiko, at Veronica na mag-unwind habang sina Kairi, Knives, at Eros ay naglakad-lakad sa dalampasigan, na para bang binibigyan sila ng space para makapag-girl
MAKALIPAS ang tatlong buwan...Tatlong buwan ng unti-unting pagbabalik sa normal, ngunit hindi na tulad ng dati—dahil ang Abby na humaharap ngayon sa salamin tuwing umaga ay mas matatag, mas buo, at mas handa na sa buhay na dati’y tila naglaho sa isang iglap.Maaga pa lang ay gising na si Abby. Nakatayo siya sa maliit ngunit maaliwalas nilang sala. Hindi na sila nakikituloy sa mansyon ng mga Inoue dahil sa wakas, nakabukod na sila ng bahay. Isang simpleng bahay na bunga ng pinaghirapan ni Abby at ng suporta ng kanyang boyfriend. Ang maliit na garden sa harap ng bahay ay puno ng iba't-ibang mga halaman na itinanim ni Nanay Letisha at ni Nene. Sa gilid ng bahay, naroon ang duyan na madalas tambayan ni Utoy tuwing hapon, habang nagbabasa ng kanyang mga libro.“Nay, Ate Abby, alis na po kami ni Kuya!” sigaw ni Nene mula sa pintuan, bitbit ang bag na puno ng mga aklat at baon. Katabi nito si Utoy at ito ang maghahatid sa bunsong kapatid sa school.“Mag-iingat kayo ha? Tawag kayo kay Nanay
Hello guys! FIRST OF ALL, gusto kong magpasalamat sa inyo, sa lahat ng sumusuporta at nagbabasa ng story na ito. Sorry po kung minsan ay matagal ang update o ilang araw akong walang paramdam. Sinisikap ko naman po na maisulat ito kahit na paunti-unti at mabagal, kaya maraming salamat sa inyong pag-una.PANGALAWA, gusto ko po ipabatid na hindi ko na rin po ito pahahabain since side story lang naman po ito ng mga kaibigan ni Lalaine at Knives. By the end of this month, magtatapos na rin po ang story ni Kairi at Abby. Hindi ko na po ito lalagyan ng mga stressful na pangyayari o kaya'y mga nakakainis na kontrabida since gusto ko po na mag-stick sa title nitong story. Tuloy-tuloy na po ito sa happy ending ni Abby at Kairi. But don't worry guys, marami pa po akong update bago ito matapos kaya wag po kayong malulungkot. LASTLY, ang isusunod ko naman po ang kwento ni Doc Eros Smith at ni Veronica. Maglalabas po ako ng blurb o teaser one of this days. Sana po ay suportahan din ninyo ito. Ma
MAAGANG-MAAGA pa lang ay gising na si Abby. Habang sinisinagan ng unang liwanag ng araw ang kanyang kwarto, tila ba sumasalamin ito sa liwanag ng pag-asa na matagal na niyang hinintay. Subalit sa likod ng pag-asang iyon ay naroon pa rin ang kaba—kaba ng muling pagharap, ng pagsariwa sa sakit, at ng pagkamit ng katarungan.————HALL OF JUSTICE, Pasig City.Nasa hallway na sila ng husgado. Suot ni Abby ang kulay kremang bestida, simple ngunit may dignidad. Hawak ni Kairi ang kanyang kamay, mahigpit at matatag. Sa kanyang mga mata, naroon ang tahimik na paninindigan ng isang lalaking hindi kailanman bumitaw.“Simula na ng katapusan,” bulong ni Kairi. “Pero ito rin ang simula ng panibagong simula,” puno ng kahulugang na dagdag niya pa.Tumango si Abby saka bumuntong-hininga ng malalim. “Kakayanin ko, dahil kasama kita.”————Sa loob ng courtroom, halos mapuno ang gallery. Naroon si Nanay Letisha, Keiko, Kenji, pati na rin si Nanay Delia. Tahimik silang nanonood habang nagsimula na ang pag
DAHIL nalalapit namang final trial, naisipan ni Kairi na yayain ang nobya na magbakasayin kahit sandatang sa gayon ay ma-relax naman ang isipan nito. Kaagad namang pumayag si Abby, kaya hayun sila, binabaybay ang daan patungong Batangas.Abby and Kairi's journey was quiet as they drove along the winding road to Taal. Behind the clouds, the sun tried to peek through, as if its light was gently caressing their worries. Kairi held the steering wheel with one hand, while the other rested on Abby’s hand, as if the simple touch of their skin was enough to bring her peace."May isang araw at isang gabi tayong wala munang iniintindi," bulong ni Kairi. "Tayong dalawa lang."Abby glanced at him and gave a slight nod. The anxiety in her chest hadn’t left—but within the silence of her heart, a quiet courage was beginning to grow.————Pagkarating nila sa isang maliit ngunit pribadong inn na may tanawing diretso sa Taal Lake, bumungad sa kanila ang malamig na simoy ng hangin at ang kalmadong alon