Pinaningkitan niya ako ng mata,pumasok ako ng kwarto,sinara at agad kong nilock iyon.Kakalock ko pa lang ng pinto,kumatok agad si dimitro."Netha."tawag nito sa akin.Hindi ako sumagot,naglakad ako patungo sa kama,tinanggal ko ang suot kong sapatos,saka ako humiga."Netha."muling tawag nito sa akin.Pumikit ako,hindi ko siya pinansin."Open this door,netha."Narinig ko ang paggalaw ng doorknob,mukhang hinawakan iyon ni dimitro,pero dahil kampante ako,hindi ko rin iyon pinansin.Nagmulat ako,biglang tumahimik si dimitro,umalis na ba siya sa harap ng pinto?Hmp!bahala nga siya!bweset na lala-Bigla akong napabangon ng marinig ko ang parang kalansing ng mga susi,nakatingin ako sa pinto,gumalaw ang doorknob,bumukas iyon,dumiretso ang mga mata ni dimitro sa akin.Mabilis itong lumakad patungo sa akin,napasinghap ako ng biglang humawak ang malaking kamay niya sa braso ko."Halika na."malaki ang boses na sabi nito.Pumiglas ako,kunot ang noo kong tumingala sa kanya,nakababa na ako sa kama.
Umirap ako,pagkatapos kong tumawa.Arte ng lalaking ito!hinahanap ko lang naman si denver,saka totoo naman na parang mabait ang kapatid niyang iyon no!sa tingin ko ay palagi iyon na nakangiti,hindi katulad niya,kung hindi seryoso, nakasimangot naman,suplado pa ito!Hindi na lang ako nagsalita,hinayaan ko na lang siyang nakasimangot habang nagmamaneho.Medyo tumagal pa ang byahe namin,nagtaka na rin ako,hindi ako nakatiis,kaya nagtanong na ako."ILang oras ba ang byahe natin dimitro?malayo ba ang asullila foundation?"Tumingin ako sa kanya ng hindi ito nagsalita,nakita ko ang earbud na nakasuksok na sa kanang tainga niya,kumunot ang noo ko,wala naman iyon kanina ah!masyado ba akong abala sa pagtanaw sa bawat madaanan namin at hindi ko man lang napansin na naglagay na ito ng earbud sa tainga?Marahil hindi niya ako narinig dahil sa earbud nitong suot,nakikinig ba itong music?Nakita ko ang pagtango nito,tumaas ang kanang kilay ko,may kausap ba siya?"Okay,boss."Dinig kong sabi nito.Ma
Hindi ako nagsalita bagkus ay mahaba lang ang nguso kong tiningnan siya,tumayo si dimitro,tumungo sa kanang pinto ng sasakyan at binuksan iyon."Get in the car."sabi nito sa akin.Naglakad ako papunta sa kanya,hindi ko siya tiningnan habang walang atubili akong pumasok sa passenger seat ng sasakyan,agad namang sinara ni dimitro ang pinto.Nakita kong umikot si dimitro papunta sa kaliwang pinto,binuksan nito iyon,ngunit bago pa makapasok si dimitro ay nagsalita ako."Don't come in yet."sabi ko."Why?"maikling tanong ni dimitro sa akin,kunot ang noo."You're not done smoking yet."inirapan ko ulit siya,sumandal ako sa upuan at tumanaw sa labas ng bintana.Narinig ko lang ang maliit niyang pagtawa at sa gilid ng mata ko ay nakita kong hinulog nito ang sigarilyo sa may paanan nito saka inapakan ng sapatos para mamatay ang sindi niyon,pagkatapos ay agad na pumasok at umupo sa driver seat."sayo ba itong sasakyan?''tanong ko.Papapabas na kami ng malaking gate,nakatingin na ako sa unahan,ba
Parehas kaming napalingon ni ryza sa may pinto ng banyo ng marinig namin ang malaking tikhim.Nakita ko ang gulat sa mukha ni ryza,bahagya pa ang pagbilog ng mga mata nito,at namumula na naman ang mga pisngi.Tiningala ko si dimitro,seryoso itong nakatingin sa akin at ang mga kamay ay nasa mga bulsa ng pantalon."D-dimitro ikaw pala.."sabi ni ryza,nakangiti ito pero parang nakangiwi,siguro dahil naiilang kay dimitro.Pero itong si dimitro ay may pagkabastos talaga,ni hindi man lang tiningnan si ryza at nakatitig lang sa akin,hindi ko napigilan ang irapan siya."May kailangan ka?"tanong ko.Tumingin sa akin si ryza."Magbihis ka."seryosong sabi ni dimitro sa akin."Nakikita mo naman dimitro di ba?hindi ako nakahubad."mataray kong sabi.Tumaas lang ang gilid ng labi nito,parang gustong ngumiti pero nanatili ang seryoso sa kanyang mga mata."We're leaving,change your clothes."Kumunot ang noo ko."where are we going?""Huwag ka nang magtanong netha,just change your clothes."Tumalikod siy
"A-anong sabi mo?"gulat na tanong ni manang linda sa akin,hindi ito makapaniwala sa sinabi ko."Mukha ho kayong kurikong."seryosong ulit ko."Aba't-."napahawak ito sa noo,mukha yatang sumakit ang ulo dahil sa akin,muli niya akong tiningnan ng masama."punyeta ka talagang bata ka! talagang inuubos mo ang pasensya ko!"sigaw nito sa akin.Pinanatili kong blangko ang mukha ko,bored na rin akong pakinggan ang boses ni manang linda dahil sa taas at tinis nito.nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya,mukhang nanggigigil talaga sa akin,umagang-umagang oh! high blood na naman sa akin ang gurang na ito!Huminga ako ng malalim."maglilinis na ho ako manang linda."bored kong sabi sa kanya,wala naman akong mapapala kung makikipagsagutan ako sa kanya,isa pa kailangan ko munang gawin ang trabaho bilang katulong sa mansyon na ito.Naglakad ako at nilampasan siya."Saan ka pupunta!"muli niyang sigaw sa akin.Napairap ako,lumingon ako kay manang linda."kasasabi ko lang ho manang linda,maglilinis na ho ak
"Umayos kayong lima,ito ang unang araw ng trabaho niyo,naiintindihan niyo ba ako?"sabi ng kurikong na mayor dumang si manang linda."Opo ma'am linda."sagot ng apat kong kasama.Tiningnan ako ng masama ni manang linda."ikaw netha,naiintindihan mo ba ang sinabi ko?""Opo manang linda."sagot ko.Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin."ma'am linda,yon ang itawag mo sa akin."matigas na sabi niya sa akin.Umagang-umaga halatang galit na agad sa akin,bweset na gurang!"opo manang linda.""Ang sabi ko ang itawag mo sa akin ay ma'am linda! bingi ka ba!binibweset mo ako netha ha!"mataas na ang boses nito.Napairap ako."Aba! huwag mo akong irapan netha ha! baka hindi ako makapagpigil matusok ko iyang nakakainis na mga mata mo!"galit na ito.Aba!wala din akong pakialam no!"Hindi naman po kailangan na tawagin kitang ma'am,manang linda."mahinahong sabi ko,pero ang totoo ay kumukulo na ang dugo ko sa kanya."At bakit?ako ang mayor duma dito!"sigaw nito."Yon nga po eh manang linda,mayor duma ka