Share

CHAPTER 2

HINILA SI SABINA ng Mommy nina Leanne at Marcus, “Sabina, halika, tingnan mo iyong lalaking kaangkas sa motor ng step mom mo,” mahinang sabi nito sa kanya. 

            Inihinto niya ang pag-gawa ng reviewer ni Leanne.  Hinila siya nito sa may gate at inutusang yumuko para hindi sila ng mga ito makita.

            “Iyan iyong lalaking nakabangga sa Papa mo.  Hindi ako maaring magkamali.  Kitang-kita ko nang mabangga ng lalaking ‘yan ang Papa mo dahil nasa palengke rin ako ng mga oras na iyon.  Bakit kasama ‘yan ng madrasta mo?” Nagtatakang tanong nito sa kanya maya-maya ay nanlalaki ang mga matang tinakpan ang bibig.

            Napalunok siya nang mahulaan ang naiisip nito.  Kinuha niya ang kanyang phone at kinuhanan ng picture ang lalaki.

            “Kung siya ang nakabangga kay Papa, bakit hindi siya nakakulong?  At saka, teka nga pala, ang sabi ni Tita Melda, nabenta na nya ang bahay namin kaya pinalayas na nya ko agad-agad, eh bakit nandyan pa rin siya?” Bigla siyang kinutuban.  Akmang susugurin na niya ang kanyang Tita Melda nang pigilan siya sa braso ng Mommy ni Leanne.

            “Huwag kang padalos-dalos.  Me sa demonyo ang babaeng yan, baka ikaw naman ang gawan nun ng masama kapag nilabanan mo pa.  Sa ngayon, ang tangi mong magagawa ay ang mag-obserba.” Bulong ng babae sa kanya, “Saka baka pati kami madamay kapag sinugod mo iyon ngayon.”

            Naisip ni Sabina na may katwiran ang babae kaya nanahimik na lamang muna siya.  At kung totoo ngang may kinalaman ang lalaking kasama nito sa aksidenteng naganap sa kanya, hindi siya titigil hangga’t hindi ito nanagot sa nangyari sa Papa niya.

PAANONG NAISALIN ni Tita Melda sa pangalan nito ang property nilang iyon?  Kung tutuusin ay bahay pa ito ng Mama at Papa niya kaya kung mayroong higit na may karapatan duon, walang iba kundi siya.  Parang hindi na siya makapagtimpi pa.  Gusto na niyang sugurin ang kanyang step mother matapos mapag-alaman ang tungkol duon ngunit nag-aalala naman siyang baka nga mapahamak pa ang pamilya nina Leanne kapag ginawa niya iyon.  Napakabait pa naman ng mga ito sa kanya.

            After niya sa registral ay nagtungo naman siya sa pinangyarihan ng aksidente ng Papa niya.  Marami siyang kakilala dito sa palengke palibhasa ay halos araw-araw sila dito nuong may canteen pa ang Mama niya.  Marami ring kaibigan ang Papa niya rito.

            Nilapitan niya ang mag-gugulay na si Aling Talia.  Nuong lamay ng Papa niya ay isa ito sa nagkwento sa kanya na kitang-kita niya nang mabunggo ng jeep ang Papa niya habang papatawid ito sa bakery.

            “Aling Talia, isa kayo sa nakakita sa aksidente ni Papa, hindi ba?”

            “Oo, nagkabiruan pa nga kami ng araw na iyon, kasama nya ang madrasta mo. Me kaartehan pa nga ang babaeng iyon, sabi’y first time daw niyang tumapak ng palengke, parang nandidiri pa ang potah.  Nagpapasosyal na ewan!"

            Napalunok siya.  Mas lalong nadadagdagan ang sapantaha niya.  Pero hindi niya iyon maaring isatinig hangga’t wala siyang matibay na ebedensya.  Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa, “Eto ho ba ang driver nung jeep na nakabangga kay Papa?”

            “Diyos na mahabagin, yan nga!” Bulalas ni Aling Talia sa kanya.  “San mo nakuha ang picture na ‘yan?”

            Hindi siya umimik.  Ibinalik niya ang phone sa bulsa ng kanyang pantalon.

            “Ah, salamat po Aling Talia!” Sabi niya rito saka nagmamadaling nagtungo sa presinto.  Mananagot ang taong iyon sa kanya.

            Pagkarating na pagkarating sa police station ay lumapit sya sa isang pulis duon, “Gusto ko lang ireport iyong nangyaring aksidente six months ago.  Nakita ko kasi iyong lalaking nakabangga sa Papa ko at. . .” Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay lumabas sa kuwarto ang lalaking nakita niyang kasama ng step-mum niya.  Ang lalaking nakabangga sa Papa niya, nakasuot ito ng uniporme ng pulis.

            “PO2 Villaruel, baka dumating si Ka Domeng, pakisabi magkakape lang ako,” sabi nito sa lalaking kausap niya saka lumabas na ng police station.  Sinundan niya ito ng tingin habang papalabas.  Samu’t-sari ang naglalaro sa utak niya ng mga sandaling iyon.  May kinalaman baa ng step-mother niya sa pagkamatay ng Papa niya?

            “Sinong lalaking iyon?”

            “Si Hepe Ramon Villadiego. Bakit? Guwapo, hindi ba?” Malisyosong sabi nito sa kanya.  “Marami talagang nagkaka-crush dyan kahit maedad na.  Crush mo?”

            Inirapan niya ang lalaki saka nag-walk out palabas ng police station dahil pakiramdam niya ay wala siyang mapapala sa mga ito.  Kailangan muna niya ng isang matibay na ebedensya bago siya magsampa ng kaso.  Mukhang masyadong malakas ang kinakalaban niya.

            Sa ngayon, ang kinakailangan niya ay ang mangalap muna ng mga ebedensya.  Pero ngayon pa lang ay parang tiyak na tiyak na talaga niyang mayroong foul play na naganap sa pagkamatay ng Papa niya.

            Mangiyak-ngiyak siya habang naglalakad pauwi sa bahay ng kapitbahay.  Sa paanong paraan ba niya mapagbabayad sa mga atraso ng mga ito sa kanya ang kanyang evil step-mother at step-sister?

            “Oh, dyan ka pala nangangatulong ngayon sa kapitbahay?” Nakangising sabi ng step-sister niyang si Christine nang makita siya nitong papasok sa gate ng kapitbahay, “Bagay saiyo!” akmang tatalikuran na siya nito nang may maalalang sabihin, “By the way, ikakasal na nga pala ako sa bilyonaryo kong fiancé.  Sorry, piling-pili lang ang mga guests ko kaya di kita maiinvite.  Besides, hindi naman tayo naging close ever!” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong pumasok sa loob ng bahay.

            Humaba ang nguso niya habang sinusundan ito ng tingin.  “Akala mo kung sinong maganda!  Malaki lang naman ang boobs!” bubulong-bulong na sabi niya, bahagya pa niyang ginaya ang lakad nito.  Hindi niya napansin na pinapanuod pala siya ni Leanne.  Ang lakas ng tawa nito.

            Napabungisngis na rin siya.  Kahit paano ay nagpapasalamat siyang mabait ang kapitbahay niyang ito lalo na ang Mommy nito na si Vicky.  Ang Daddy naman ni Leanne ay seaman at once a year lang umuuwi kaya basically ay mag-iina lang ang nasa bahay plus siya.  May katulong ang mga ito dati ngunit nang magkasakit ang magulang ay bumalik na sa probinsya.  Wala namang gaanong gawain sa bahay palibhasa ay malalaki na ang mga ito at di washing machine naman kaya hindi siya hirap.  Isa pa, tulong-tulong naman sila sa mga gawaing bahay at hindi siya itinuturing na iba ng mga ito kaya malaki ang utang na loob niya at nakahanap siya ng mga taong tulad nila.

            “Ate Sab, nakita mo ba iyong boyfriend ng step-sister mo?”

            Umiling siya.

            “Naku, ang gwapo Ate Sab.  Nakita namin sila sa isang restaurant nung nag-shopping kami ni Mommy. . .”

            “Talaga? Gano kaguwapo?” Curious na tanong niya sa bata.

            “Mukhang artista.  Para ngang hindi sila bagay ng evil step-sister mo eh!” sabi nitong napangisi, “Mas bagay pa kayo, Ate Sab kasi mukha ka ring artista!”

            Natawa siya, "Hus binobola mo lang ako eh!"

            Bigla ay may kung anong ideya ang naglaro sa kanyang isip.  Matagal na niyang pinag-iisipang makaganti sa kanyang evil step mother at evil step sister.  Ang daming beses na siyang ginawan ng kalamditahan ng mga ito, nagtitimpi lang siya.  At kung totoo ang hinala niyang may kinalaman nga ang step-mother niya sa pagkamatay ng Papa niya, hindi niya titigilan ang mga ito hanggang gumapang ang mga ito sa lusak! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status