NASA veranda si Sabina nang makita niya ang step mother niyang dumating, angkas ng motor ni Hepe Ramon Villadiego. Bumaba ang step mum niya sa motor nito at binuksan ang gate ng bahay nila. Ipjnasok ng lalaki ang motor sa loob.
Hindi siya maaring magkamali, base sa mga ikinikilos ng mga ito, alam niyang may relasyon ang mga ito. 6 months pa lang namamatay ang Papa niya, ang bilis naman yata nitong makahanap ng bagong lover?
Lumabas siya ng gate ng tinutuluyang kapitbahay at dahan-dahang pumasok sa gate ng bahay nila. Kabisado na niya ang pasikot-sikot ng bahay nila kaya alam niya kung papaano makakapasok sa loob ng walang makakapansin. Dahan-dahan siyang nagtungo sa likuran sa may kusina. Kumuha siya ng isang stick at sinungkit ang manipis na kalang sa pinto ng kusina. Tahimik siyang pumasok sa kusina, mula duon ay kita niya ang lalaki nakaupo sa salas, katabi ng step-mother niya.
Ang sweet pa ng mga ito habang nagtatawanan.
“Nabenta natin itong bahay sa magandang presyo,” nakangising sabi ng step-mother niya, “Next week dun na tayo titira sa bago nating bahay. Si Christine naman, ilang weeks na lang, ikakasal na sa guwapo at bilyonaryong si Jeffrey. Matutupad na lahat ng mga pangarap natin, honey! Ang tagal rin natin itong plinano.”
Natutop niya ang kanyang bibig. Nangangatal ang kanyang buong kalamnan ng kuhanin niya ang kanyang cellphone at ivideo ang lahat ng nakikita.
“Mabuti na lang, malakas ang kapit natin, honey. Akalain mo, walang kahirap-hirap nating naipalabas na aksidente ang pagkamatay ni Alfonso? Ang bilis lang nating nakuha ang insurance!” Dinig pa niyang sabi ng madrasta niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga naririnig. Nang pakasalan ito ng Papa niya ay halos dito na umikot ang mundo ng ama niya. Maging sa anak nitong si Christine ay napakabait ng Papa niya. May mga times pa ngang kwenikwesyon niya ang ama dahil parang mas mahal pa nito ang anak ng madrasta niya kesa sa kanya na sarili nitong anak.
Pero palaging sinasabi ng Papa niya na gusto lang daw nitong iparamdam kay Christine na hindi ito iba sa kanya. Na ituturing nitong parang isang tunay na anak si Christine kagaya ng turing nito sa kanya.
12 years old pa lang siya nang mamatay ang Mommy niya sa sakit na cancer. After three years ay nag-asawa na ulit ang Papa niya. Masama pa nga ang loob niya dahil ni hindi man lamang ito nagpaalam sa kanya nang magpakasal. At ang mas masakit, nang patirahin ito ng Papa niya sa bahay nila bitbit ang nuon ay 18 years old pa lamang na si Christine, lahat ng para sa kanya ay halos ibigay na nito sa mag-ina. Pati nga iyong dating kuwarto niya ay inagaw sa kanya ni Christine at pinayagan lang iyong mangyari ng kanyang ama kaya ang ending, iyong guest room ang ginamit niyang kuwarto.
And yet, ganito pa ang iginanti ng madrasta niya sa Papa niya?
Parang hindi na niya kayang tapusin pa ang pakikinig sa mga ito. Waring sasabog ang dibdib niya.
“Basta making ka lang sakin, malayo ang mararating natin,” anang lalaki na hinaplos ang braso ng babae, “Alam mo namang metatag ang pader na sinasandalan natin kaya hindi nila ako maipapakulong.”
Napahagikhik si Melda, “Kaya nga bilib na bilib ako saiyo, honey. Maabilidad ka, hindi gaya ni Alfonso na kontento na lang sa kakarampot na savings. Kaya nga ‘nung ninakaw ko iyong pang-tuition fee ng anak nya, halos atakehin sa puso sa pag-aalala.”
Napaluha siya. So, eto rin pala ang nagnakaw ng tuition fee niya kaya kinailanga niyang dumiskarte para makatulong sa Papa niya? Sagad pala talaga sa kasamaan ang matandang ito. Parang nanghihinang napalugmok siya sa sahig. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Paano ito nagawang pakasalan ng Papa niya? Maya-maya ay narinig niya ang pagdating ng sasakyan. “Nandyan na yata sina Christine kasama ng fiancé nya. Teka at gagawa lang ako ng maiinom.” Nagpanic siya kaya natabig niya ang silya at natumba iyon.
Nakita niyang biglang napaunat ang bruha niyang step-mother. Nagmamadali siyang tumakbo palabas. Nakita niya ang itim na pick up, nagmamadali niyang sinampa iyon at nagtago duon. Nang matiyak na safe na siya ay saka niya pinakawalan ang lahat ng galit na nasa dibdib. Iyak siya ng iyak habang naalala ang paghihirap ng Papa niya nuong nakaratay ito sa ospital, habang ang madrasta niya ay wala naman palang nasa isip kundi maibenta ang kanilang bahay at makuha ang insurance ng Papa niya.
Isinusumpa niyang pagbabayaran ng mga ito ang lahat ng ito. Willing siyang gawin ang kahit na anong paraan, maibalik lang sa mga ito ang lahat-lahat ng hirap na pinagdaanan ng Papa niya bago ito mamatay.
Hanggang sa makatulog siya sa loob ng pick up ay galit na galit pa rin siya.
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.