“IPINAGBILI ninyo ang bahay nang hindi man lamang ipinapaalam sa akin?” Hindi makapaniwalang sabi ni Sabina sa step-mother na si Melda, “Hindi pa ba kayo nasiyahan sa insurance na natanggap ninyo nang mamatay si Papa?”
Nilingon niya ang kanyang mga gamit na isa-isa na nitong inilabas sa kuwarto niya. Kanina pa siya nagpipigil dahil ayaw niya ng away.
“Ang daming pinagkakautangan ng Papa mo, san ko palagay mo kukunin ang pambayad sa mga utang niya!” singhal nito sa kanya.
Napaiyak siya. Ang bahay na lamang na ito ang natitirang alaala ng mga magulang niya, pagkatapos ibenenta pa ng magaling niyang madrasta. Kung paano nito iyon nagawa nang wala man lamang siyang pirma ay hindi niya alam.
“Kaya ngayon pa lang, mag-impake ka na at maghanap ng matitirahan. Hindi ka namin pwedeng isama sa bagong bahay na lilipatan namin. Nakakahiya namang pati ikaw, kaladkarin pa namin dun. Alam mo namang regalo iyon ng bilyonaryong fiancé ni Christine!”
Napahikbi siya. Hindi niya alam kung saan siya makikitira ngayong ibinenta na ng madrasta niya ang tinutuluyan nila. Kung minsan ay hindi niya maiwasang tanungin ang Diyos. Parang sobra-sobra naman na yata ang mga problemang ibinibigay nito sa kanya. Parang wala ng katapusan.
Nang maratay sa ospital ang Papa niya ay napahinto siya sa pag-aaral para alagaan ito. Hindi na rin niya nagawang bumalik pa sa coffee shop na pinapasukan niya kung kaya’t na-awol siya duon. Siniraan pa siya ng me ari ng coffee shop kaya ngayon ay nahihirapan na siyang humanap ng trabaho. After three weeks ay namatay rin ang Papa niya. May nakuhang insurance ang step-mother niya ngunit ni singkong duling ay di man lamang siya nito binigyan. Katwiran nito ay kulang pa iyong pambayad sa lahat ng pinagkakautangan nila.
Pero hindi pa pala sapat ang two million pesos na nakuha nito sa insurance, ibinenta pa nito ang bahay nila.
“Pwede ho bang pakibigay ng resibo ng lahat ng nabayaran nyo kamong utang ni Papa sa ospital? Ang tanda ko ho kasi, pati ospital ay covered ng insurance ni Papa at. . .” bago pa niya maituloy ang sasabihin ay nasampal na siya nito.
“Ako pa ngayon ang pinagdududahan mo matapos kong alagaan ang Papa mo?” Madramang sabi nito sa kanya, “Wala ka talagang utang na loob!”
Hah, alagaan? Parang hindi niya matandaan na inalagaan nito nuong nakaratay sa ospital ang Papa niya. Ni hindi nga mabakas sa mukha nito na nag-aalala ito sa Papa niya. Para pa ngang walang pakialam, abala sa mahjong habang siya ay hindi magkandaugaga sa pag-aalaga sa Papa niya.
“Lumayas ka na bago pa magdilim ang paningin ko! At huwag na huwag ka ng magpapakita pa kahit na kailan!” Sabi nitong inihagis sa labas ang mga damit niya.
Napakagat labi siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ng mga oras na iyon. Ni wala siyang kapera-pera. Umiiyak na inilagay niya sa isang malaking kahon ang kanyang mga gamit. Pakiramdam niya ay nasa madilim na madilim na lugar siya at wala siyang maaninag na kahit na anong liwanag.
Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa Tiya Metring niya na kapatid ng Nanay niya, “Bossing, pwede bang itong rubber shoes at bag ko ang ibayad ko sa inyo? W-wala ho kasi akong pera.”
“Anak ng teteng! Ang lakas ng loob mong mag-taxi, wala ka naman palang pera! Bumaba ka rito, baba!” Bulyaw ng matandang driver sa kanya. Umiiyak na bumaba siya habang bitbit ang malaking box.
Napatingala siya sa langit. Mukhang madilim ang langit, parang uulan pa. Sumilong siya sa waiting shed at kinuha ang kanyang phone para tawagan ang kanyang bestfriend na si Erica.
“Pwede bang sunduin mo ko dito sa tapat ng hypermart dito sa Cubao? Wala akong kapera-pera.” Humihikbing sabi niya sa kaibigan, “Makikituloy lang ako sa inyo kahit isang gabi lang? Kung pwede sana?” Nakikiusap na sabi niya rito.
“Naku. . .teka at ipapaalam ko muna ke Nanay, alam mo namang. . .”
“Please Erica?” Nagsusumamong sabi niya. Narinig niya ang malalim nitong buntong hininga. Pinaputok niya ang kanyang mga daliri. Umaasa siyang pagbibigyan siya nito kahit na ngayong gabi lang.
“Okay, sige, hintayin mo ko, papunta na ko dyan,” sabi nito pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip.
“Salamat, Erica,” tila mapapahagulhol na sabi niya rito.
“Mamaya ka na magpasalamat kapag nandyan na ako, okay?” sabi nito sa kanya.
“Hihintayin kita dito.” Mahinang sabi niya. Nang mawala ito sa ere ay inilapag niya ang buhat-buhat na box sa bench saka naupo. Ngunit lumipas na ang dalawang oras ay hindi pa rin ito dumadating kaya tinawagan niya itong muli.
“Nasaan ka na?”
“Ay, Sabina, nandyan ka pa pala. Sorry, nawala sa isip kong nagpapasundo ka nga pala. Dumating kasi ang mga pinsan ko galling probinsya. Siksikan na dito sa bahay kaya wala ka ng matutulugan eh. Sorry, nawala sa isip kong tawagan ka. Na-busy kasi ako sa pakikipag-usap sa mga pinsan ko, matagal-tagal rin kasi kaming hindi nagkita-kita eh. . .alam mon a. . .”
Gusto sana niya itong sitahin. Napaka-inconsiderate naman nitong ni hindi man lamang siya naisipang tawagan man lang para ipaalam sa kanyang di siya nito masusundo. Hindi niya alam kung bakit naging ganun sa kanya si Erica simula nang maratay sa ospital ang Papa niya. Naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya, madalas ay napapansin pa niyang sinasadya nitong iwasan siya. Minsan tuloy ay parang gusto na niya itong sumbatan. Balewala na ba talaga dito ang friendship nila?
Samantalang kapag ito ang nangailangan sa kanya, kahit may ginagawa siya ay isinasantabi muna niya para rito. Kung hindi nga dahil sa kanya ay baka hindi nito naipasa ang thesis nito at hindi ito naka-graduate ngayon. Pero mukhang nakalimutan ng lahat iyon ni Erica.
Tinawagan niya ang Tiya Metring niya. Nakailang missed calls yata siya dito bago nito sagutin ang tawag niya, “Tiya Metring, makikituloy sana ako pansamantala sa inyo,” aniya sa matanda, “Naibenta na ni Tita Melda iyong bahay at. . .”
“Nuong nakuha mo ang insurance ng Papa mo, ni hindi mo ako naalalang bahaginan pagkatapos ngayon tatawag ka para makitulog?” Singhal kaagad nito sa kanya.
Napakagat labi siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka-move on sa insurance ng Papa niya as if naman nakinabang siya sa perang iyon. Pero kahit ilang beses niyang sabihing wala siyang nahawakang pera ay ayaw nitong maniwala sa kanya. Nagdadamot lang daw talaga siya. Manang-mana raw siya sa Nanay niyang maramot.
“Sige na lang ho. Salamat na lang po,” sabi niyang pinutol na ang pakikipag-usap sa kanyang tiyahin. Parang sasabog ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Napatingala siya sa langit. Bakit parang napaka-unfair Nyo naman sa akin?
“Ate Sabina!” Dinig niyang sigaw ng isang batang babae. Paglingon niya ay nakita niya ang ten-year old nilang kapitbahay na si Leanne kasama ng Kuya Marcus nito. Hinila nito ang Kuya nito palapit sa kanya.
“L-Leanne. . .Marcus,” gusto sana niyang itago ang bitbit niyang box ngunit sa laki niyon ay paano niya iyon maitatago sa mga ito. Napatingin siya sa mga groceries na labit ng mga ito, “Nag-grocery pala kayo.”
“Oo, pasakay na nga kami ng tricycle pero nakita nga kita kaya niyaya ko si Kuya dito,” sabi nitong sinundot sa bewang ang kapatid, “Uy si Kuya Marcus, natotorpe na naman dahil nakita nya ang crush niya,” sabi nito sa fourth year high school na binata.
Nag-blush si Marcus.
Humagikhik naman si Leanne, maya-maya ay napakunot nuo nang mapansin ang box na dala niya, “Anong mga ‘yan?”
“Mga gamit ko,” nahihiyang sagot niya.
“Ohmygosh, narinig nga namin kaninang pinapalayas ka ng witch na step-mum mo! Akala ko hindi nya totohanin. San ka na ngayon titira?” Nag-aalalang tanong ng bata sa kanya.
Napatungo siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
“Gusto mo bang samin ka na muna?” Dinig niyang tanong ni Marcus sa kanya, “Tamang-tama, naghahanap si Mommy ng pwedeng mag-tutor kay Leanne.”
“Ay oo nga Ate Sab!” Excited namang sabi ni Leanne sa kanya, “At least pagkatapos mo kong itutor, pwede na tayong magkwentuhan. Dun ka na sa room ko para me kasama ako!”
Nag-angat siya ng mukha. “N-Nakakahiya naman. . .”
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.