Share

SEDUCING THE MAFIA BOSS
SEDUCING THE MAFIA BOSS
Author: Michelle Vito

PROLOGUE

NANG magsabog yata ng kaguwapuhan ang Diyos ay sinalo na lahat ng lalaking nasa harapan niya.  Tall, dark and handsome.  At ang ganda ng pangangatawan.  Parang iyong male lead sa Turkish series na pinapanuod niya.  Wala na siyang maipipintas pa.

            Mukhang mag-e-enjoy siya sa coffee shop na pinagtratrabahuhan niya kung ganito kaguwapo ang masisilayan niya sa araw-araw.  Unang araw pa lamang niya ito dito at nabuenamanuhan kaagad siya ng customer na ubod ng guwapo.  Tiyak niyang hindi ito pure Filipino  dahil sa mala-Greek god nitong features.  Tantiya niya ay 6'2' ang height nito.  Bagay sila dahil 5'7' siya.  Ang sarap sigurong ka-holding hands nito while walking.  Mukha ring araw-araw itong nag-e-exercise kaya ang laki ng mga muscles  nito sa braso at sa dibdib na hindi maitago sa suot nitong white shirt.

            “Miss, are you listening to me?” Kunot-nuong tanong ng lalaki nang mapansing tila nag-di-day dreaming siya.  Bigla ay para siyang nagising sa pananaginip.  

            Inayos niya ang suot na face mask saka umayos ng tayo. 

            “Ah yes, sir!” Sabi niyang napakurap-kurap saka pinuch na ang order nitong kape.  Ibinigay niya rito ang recibo saka ginawa ang kape nito habang manaka-naka niya itong lihim na minamasdan.  Sa pinakasulok ito na mesa naupo, waring may hinihintay.  May girlfriend na kaya ang lalaking ito?

            Namula ang kanyang pisngi nang magtama ang kanilang paningin.  Nataranta tuloy siya at muntikan nang mapaso ng mainit na tubig.  Shit. Unang araw niya rito kaya kailangan niyang umayos.  Kailangang-kailangan pa naman niya ng trabaho or else hindi siya makakabayad sa tuition sa susunod na buwan.  Nasa third year college na siya.  Kaunting kembot na lang, pasasaan ba at makakatapos rin siya.

            Pagkatapos gawin ang kape ay ipinatong niya iyon sa tray para iabot sana sa guwapong customer ngunit biglang nagputukan.  Napatago siya sa ilalim ng mesa.  Maya-maya ay nakita niya ang guwapong lalaki na duguan habang gumagapang palapit sa kanya.  Nakita niya ang mga nagkalat na bubog sa sahig.   Sisigaw sana siya pero mabilis siya nitong napigilan.

            “Huwag kang maingay,” anitong may dinukot sa bulsa at iniabot sa kanya, “Itago mo ito.  Huwag na huwag mong iwawala.  Babalikan kita kapag maayos na ang lahat! Ingatan mo ito or else malilintikan ka sa akin!” Pagkasabi niyon ay hirapan itong tumayo, itinaas ang dalawang kamay habang lumalakad palabas ng coffee shop.

            Takot na takot pa rin siya kaya hindi siya gumagalaw sa ilalim ng mesang pinagtataguan niya.  Napatingin siya sa maliit na box na ibinigay nito sa kanya.

            Pagkalipas ng halos kalahating oras ay may mga pulis nang nanduon para mag-imbestiga.  Hiningan siya nito ng statement ngunit ‘wala akong maalala’ ang tanging naisagot niya.  Hindi niya binaggit ang tungkol sa lalaki, ni ang maliit na box na ipinatago nito sa kanya.  Ayaw niyang masangkot sa kung anumang gulo kung sakali.

            Wala ring makuha ang mga pulis sa kanila information dahil hindi rin pala gumagana ang lahat ng cctv na nakakabit sa kanilang coffee shop.

            Ngunit parang gusto talagang sagarin ang tatag niya ng araw na iyon, "Sabina, makinig ka.  Iyong Papa mo, nabundol ng jeep kaninang tumatawid siya sa may palengke.  Malubha ang tinamo niyang sugat."

            “Diyos ko! Nasaan si Papa, saang ospital nyo siya dinala?” Umiiyak ng tanong niya sa kanyang step-mother.

            “Paano ko siya madadala sa ospital eh alam mo namang wala akong kapera-pera.  Never naman akong pinahawak ng pera ng magaling mong ama!” Angil ng kanyang step-mother na si Melda sa kanya.

            Hindi siya makapaniwalang iyon ang makukuha niyang sagot sa magaling niyang madrasta.  Bakit parang wala man lamang itong pakialam sa Papa niya? " Dalhin ninyo si Papa sa ospital ngayon din or else mananagot ka sakin!” Sigaw ni Sabina rito saka nagmamadaling nagpaalam sa kanyang manager para puntahan ang kanyang ama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status