Share

SENSHI ACADEMY
SENSHI ACADEMY
Author: Kaiyor

Kabanata 1

Dark Forest

Blaire's Point of view.

"Ate Blaire, hindi po ba kami pwedeng sumama? Medyo malakas naman na po ako," pagsusumao ni Kim. Siya ang pinakamatanda sa kanilang lahat at siya ang palagi kong hinahasa at tinuturuan. Lumambot ang mukha kong nakatingin sa kaniya.

"I can't take that risk, Kim. Maraming dark enchants sa labas." pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Sumuko naman ang mukha niya at nakangusong tumingin sa akin. "Basta mag iingat ka, ate ha! Please, bumalik ka po."

Iniwas ko ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa aking mga mata,"I'll be back." I may look cold outside ngunit para sa mga batang ito, handa kong ibuhos lahat ng lakas, dugo at luha ko mailigtas lang sila. Tulad nila, ako na lang ang nag iisa sa buhay. Walang tatay, walang nanay, walang kamag anak at walang apelyido.

"Ingat ate!"

"Bye ate ingat po!"

"Ate nakagawa na po ako ng water ball. Balik ka ate ha!"

Rinig ko pa sa mga bata bago ako tuluyang lumabas ng barrier. Ito ang ginawa kong proteksyon para sa kanila. Mga light enchants lang ang pwedeng pumasok dito. Sa panlabas na anyo ay makikita mo ito bilang bangin. Ngunit pag pasok ay maaliwalas na paligid. Hindi mapagkakamalang nasa dark forest ka. Kung dark enchants ka at pumasok ka sa bangin, sa totoong bangin ka mapupunta at mahuhulog. Kung light enchant ka naman, makakasalamuha mo ang mga kabataang inaalagaan ko.

Kabaligtaran ng maaliwalas na paligid sa loob ng barrier, siyang dilim naman sa loob ng dark forest. Agad akong yumuko nang maramdaman ang paparating na darts sa ulo ko. Napangisi ako at pinakiramdaman ang presensya nila. Hmm, thirty.

Talagang inaabangan nila ako sa labas. Idol siguro nila ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, not minding their presence. May narinig naman akong umaray sa gilid ko. Napailing ako. Susunod na lang, tatanga tanga pa. Lampa.

Napatigil ako sa paglalakad nang may maramdamang malakas na presensya. Siya na naman.

"Aldwin," banggit ko sa pangalan niya. Lumabas naman siya. Nakita ko siya sa harap ko na nakangisi sa akin.

"Oops, my dear friend! Where are you going? Napag-isip isip mo na bang pumasok sa academy namin?" ngiting ngiting aniya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko pa rin ang pagsunod ng 30 niyang bodyguard.

Si Aldwin ay isa sa student council ng Devilor Academy. Pinamumunuan ito ng mga dark enchants. At inaaya niya akong pumasok sa kanila. I rolled my eyes. Hindi ko iiwan ang mga alaga ko.

Malapit na ako sa pasukan ng light enchanted nang humarang siya sa harapan ko.

"Look, my good friend. Binigyan na kita ng oras para mag isip, diba?" mahinahon pang aniya. Bored ko lang siyang tiningnan na ikinalaki ng mata niya at ikinaawang ng kaniyang labi, tila naooffend. "Wag mong hintaying daanin kita sa dahas." mainit na ang ulong pagbabanta niya.

Ganito ba talaga ang mga dark enchants? Sa una ay mapaglaro, tapos mapipikon, tapos mananakit? Hays. Mga bipolar.

Tumalikod na ako at akmang aalis na nang hawakan niya ang braso ko.

"I said come.with.me." matigas niyang utos.

Nung hindi ko siya pinansin ay narinig ko ang pag sipol niya. Naalerto ako nang may maramdaman akong apat na bagong presensya.

"Shit." bulong ko nang palibutan nila ako. They're the student councils of Devilor academy. They're that eager to have me huh? Ang agang exercise naman 'to.

Unang sumugod ay si Clark. The destructor of the student council. Mabilis akong umiwas nang patamaan niya ako ng dark fire sa paa. Sumunod ay si Axel, ang nightmare sa student council. Sinubukan niyang kontrolin ang pag iisip ko na agad kong binackfire sa kaniya.

Sabay na sumugod ang presidente at vise presidente ng Devilor Academy, sina Hades at Aldwin. Napangiwi ako nang tamaan ako ni Hades ng dark thunder at dark water. Oo, dalawa ang kapangyarihan niya. I hissed. Dahil nga nabasa niya ako ng tubig ay lalong dumoble ang sakit ng kuryente mula sa kidlat. Mabuti ay naiwasan ko ang dark rocks ni Aldwin.

Napasinghap ako nang hatawin ako ng latigo sa likod ni Baron. Ang punishment ng student council. Obviously, wala silang peace officer.

"What now, bitch? Use your element!" sigaw sa akin ni Baron.

Mabilis na nag hilom ang sugat ko at bumalik ang lakas ko. Tuwid akong tumayo na ikinanganga nila, except Hades.

"Done? Aalis na ako." malamig kong paalam sa kanila. Bago nanaman ako tuluyang makaalis sa dark forest ay pinalibutan ako ng mga bodyguards nila. Yung 30 dark enchants na kanina pa nanonood.

"Ate!" napalingon ako sa tumawag saakin. Gulat akong napatingin kay Kim na hawak hawak ni Axel. No! It can't be!

Hindi ko na nakita pa si Kim nang sunod sunod na sumugod sa akin ang mga bodyguards. May isang sumubok na sakalin ako ngunit mabilis akong umilag at siya ang sinakal ko. Agad na nagiging abo ang mga namamatay na dark enchants. Napapikit ako ng mariin. Mas makakahakot ng maraming dark enchants kung gagamitin ko ang element ko pero fuck them, nasa kanila si Kim. Bahala na!

Sa isang kisap mata ay pinalibutan ako ng mga puno at baging, pinoprotektahan ako. Agad kong pinayanig ang buong lugar at unti unting nabibiyak ang lupa. Sumisigaw ang ilan nang tuluyan silang mahulog.

"Ateeee!" sigaw ni Kim. Kitang kita ko ang paglalatigo ni Baron sa kaniya. Ramdam ko ang pagpalit ng kulay ng mata ko. Red. Lumakas rin ang mga senses ko. Nagsisimulang magpapalit palit ng klima ang buong lugar. Sobrang init, sobrang lamig, at sobrang hangin. Mas nawalan ako ng kontrol nang nakita ko ang pagpilit nilang pagpapakain ng dark ball kay Kim.

"No! No!" umiiyak kong pakiusap nang tuluyan nila itong maipasok kay Kim. Nawalan ng malay si Kim. Unti unting umiitim ang kuko ni Kim. Pati na ang kulay brown niyang buhok ay unti unting umiitim. Tila nawalan ako ng lakas. S-she's.. she's now a dark enchant.

Ramdam ko ang pagkirot ng balikat ko. Poison. Napatingin ako kay Hades. Siya ang may gawa nito.

Unti unti silang nawala sa paningin ko. They vanished in thin air. Wala na sila. Wala na sila at hawak nila si Kim.

Unti unting bumibigat ang paghinga ko at unti unting sumasara ang paningin ko. A tear fell from my eye. I'm sorry, Kim. Ate failed.

@ACADEMY

Headmaster's point of view.

"May bago bang mission, tanda?" umasim ang mukha ko sa paraan ng pagtatanong ni Elizer. He's the prince of air kingdom. 

Light kingdom consist of five kingdom. Air, water, fire, plant and light kingdom.

Alas sais pa lang ng umaga ay tinawag ko na ang top five sa buong Senshi academy. Ang mga mag aaral dito ay tinatawag na light senshi.

"Mission?" tanong ni Apollo. He's Allister Apollo Archer. The top one and the president of student council.

Kinuha ko ang papeles sa drawer sa ilalim ng mesa. Dark Forest. B**a ko sa titulo ng misyon na ibinigay ng light kingdom.

"Sabi dito, matagal nang misteryo ang unti unting pagkaubos ng mga dark enchants na dumadaan dito, tila may pumuprotekta. The mission is, light kingdom wants us to keep that person."

Tahimik lamang silang nakikinig. Mga nakakunot ang noo. "Is that person a he or a she?" Codem asked. The top three.

I sighed. "We don't know. Walang pagkakakilanlan sa kaniya."

"Where's the exact location, HM?" tanong ni Lander. The top four.

Seryoso ko silang tiningnan isa isa, "Dark Forest,"

"WHAT?!"

"Seriously?!"

"Bakit there?!"

"No way."

"Tsk."

"Alam kong kaya niyo ito, students. Hindi kayo iaassign rito ng konseho kung hindi niyo kaya." pagpapagaan ko ng loob sa kanila.

Kita ko ang pag irap ni Keila. Ang top five ng grupo. "But HM--"

"Dismissed. Ngayon na kayo aalis. Maghanda na kayo." pagdidismiss ko sa kanila. Isa isa silang tumayo. Agad naman silang nawala pagkatapos humawak kay Lander na siyang nag iisang mayroong teleportation.

Elizer Aqilla's point of view.

"What ba yan si HM! So scary kaya there, diba?" pagbubukas ni Keila ng topic habang nakakapit sa braso ni Apollo. Nandito kami ngayon sa dorm naming lima. Dahil nga kami ang top five, kami ang magkakadorm. Dito sa senshi academy, bawat dorm ay lima ang laman. Dahil nga kami ang top five, kami ang magkakasama. Si Apollo, ako, si Codem, Lander at Keila. Tinatawag ang dorm namin na dorm A. Sumunod ay ang dorm B na pagmamay-a*i ng top 6-10. Sumunod ang dorm C, na pagmamay a*i ng top 11-15 and so on, so forth. Maaa*i pang mabago ang level o top kapag sumabak uli kami sa levelling.

Walang sumagot kay Keila. Alam kong friendly ako pero masyadong nakakairita talaga ang presensya niya at.. at masyado siyang feeling close kay pinuno! Hmp. Pag talaga 'to nawala sa top five at kumapit pa kay pinuno ay kakalbuhin ko ang pubic hair nito.

May law kasi si headmaster na bawal saktan ang kapwa top five pwera na lang kapag training. Kaya minsan, pasimple ko na lang siyang pinapalipad. Hehehehe.

"Ready?" tanong ni Lander. Siya lang kasi ang may teleportation sa aming lima. Ability niya yun. Ang main niya ay plant element.

"Yep! Sino naman kaya ang kukunin natin dun sa dark forest? Baka dark enchant yon?" takang tanong ko sa kanila. They just shrugged.

"Who knows? He or she is really mysterious that even the council of light kingdom caught their attention." pagpapaliwanag ni Codem.

"Leggo." aya ni lander at pinakapit kami sa kaniya. Tig iisang backpack lang ang dala namin pwera kay Keila na may dalang isang maleta. Halos sumakit ang tiyan ko kakatawa nang hindi siya tinulungan ni pinunong Apollo. Epic face!

Nakangusong kumapit si Leila kay Lander na ikinangiwi ko. Mukhang patong binugbog!

"Tanda!" nakangiting bati ko kay HM nang sumulpot kami sa harap niya. Gulat siyang napatingin sa amin habang nakahawak sa d****b.

"Muntik na ako mamatay, kayo talaga!" kunwari'y galit niyang aniya. Pagkatapos ay bumaling kay pinuno tsaka binigyan si pinuno ng isang pill. Ang pill na iyon ay magagamit lang namin pauwi. Pag nalaglag sa lupa ang pill, may lalabas na portal pauwi sa academy. Ameyjing, right?

"Take care. May nakahanda nang mga dragasus sa labas." Dragasus ang mga tawag namin sa transportation namin. Half dragon, half pegasus. Nagiging hybrid na sila dahil unti unti nang nauubos ang populasyon ng mga dragon.

"Thank you, tanda!" paalam ko sa kaniya bago kami kumapit kay Lander. Kung matatanong niyo kung bakit 'di kami makateleport papuntang dark forest, yun ay dahil hindi pa kami nakakapunta doon.

Pagkateleport namin ay napunta kami dito sa gate. Nakita naman kaagad kami ng mga warrior kaya hinarang nila kami. "Bawal lumabas, mga bata."

Kumunot ang noo ko. Hindi ba nila kami kilala? Sa gwapo kong ito?

Tahimik na ibinigay ni pinuno ang request from enchanted council sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ng warriors. "A-Ang top five," bulong ng isa sa kanila. Umalis naman sila sa dadaanan namin at pinagbuksan kami ng gate. "Paumanhin!" ani ng isang warrior. Tuluyan kaming nakalabas ng gate. Bumungad sa amin ang limang dragasus. Una akong pumunta sa nakita kong puting dragasus. Si Lander ay pumunta sa green na dragasus. Kay Codem ay sa blue. Sa red naman si pinuno at kay Keila ay violet na dragasus.

Pagkasakay namin ay sabay sabay na lumutang ang aming mga dragasus. Sabay sabay rin silang lumipad patungo sa isang lugar na kinakatakutan ng lahat.

Ang dark forest.

Third Person's point of view.

Tahimik na lumapag ang mga dragasus sa harapan ng bukana ng dark forest. Pagkababa ng limang estudyante ay agad na umalis ang mga dragasus. May pill naman ang mga estudyante kaya mabilis silang makakauwi kaagad.

Bukana pa lang ng dark forest ay nakakapaningig na. Sobrang dilim na paligid, malalaking puno at baging. Nakakapagtaka rin ang malamig na klima mula rito. Nagtaasan ang mga balahibo nila. "M-May ghost ba h-here?" tanong ni Keila ngunit walang sumagot sa kaniya. She pouted. "Lagi na lang." bulong niya. 

Iwinasiwas ni Lander ang kaniyang kamay kaya automatic na humawi ang mga nakaharang na baging. Nang maayos ay tumambad sa kanila ang tila tunnel. Ang lagusan sa light kingdom at dark kingdom.

Nakapila silang naglakad. Nasa unahan si Lander at nasa likod naman si Apollo. Yumakap sa kanila ang malamig na pakiramdaman. Sabay sabay silang napalunok.

"Huh?" takang tanong ni Lander nang may nakita siyang nakahandusay sa lupa. Takang sumilip ang mga kasama niya nang may makitang babae na nakahandusay sa sahig. May nakita rin silang pulang mantsa sa balikat nito na panigurado ay napuruhan.

Naalerto sila nang may mga dark enchants ang pumalibot sa kanila. Nasa fifty plus sila na ikinabahala ng top five. Agad na pinalibutan ni Apollo ang nakahandusay na babae ng kaniyang barrier. Napansin naman ito ni Keila na ikinausbong ng pagseselos sa kaniyang puso. "Who is she?" tanong ni Keila sa sarili.

"HAHAHAHA. Patay na pala ang salot na babaeng iyan?" tanong ng isang dark enchant. Nagtaka ang limang estudyante. Dalawa lang naman ang babae na nandito. Nanlaki ang mga mata nila pwera kay Apollo. Itong babae na bang ito ang misyon nila?

"What do you mean?" matapang na tanong ni Elizer. Muling nag iba ang ekspresyon ng dark enchant.

"Salot yan!"

Wala na silang nakuhang ibang sagot. Agad na sumugod ang mga dark enchants. Napanganga sila nang doble-mali- triple ang naging bilang nila. There are hundreds of dark enchants!

Agad na gumawa ng water tornado si Codem at itinapon sa kanila. Sumunod ay ang pagyanig na gawa ni Lander. Umaapoy naman ang mga katawan ng iba at ang iba ay natatamaan ng kidlat at agad na nagiging abo na kagagawan ni Apollo. Si Elizer naman ay sunod sunod ang kaniyang paghigop sa paghinga ng mga dark enchants. Walang nagawa si Keila kundi makipag laban gamit ang kaniyang s*****a dahil hindi siya makapag concentrate para ilagay ang mga dark enchants sa illusion.

Mabilis na tumakbo ang oras. Unti unti nilang nauubos ang mahigit isang daang dark enchants ngunit natigilan sila nang may lumitaw na limang dark enchants. Inaamin nilang malalakas ang presensya ng mga ito. Kabaligtaran sa kalagayan nila ngayon. Masyado na nilang nagamit ang mga kapangyarihan nila.

"Retreat!" utos ni Apollo. Masakit man sa ego niya ay hindi niya kayang isugal ang mga kaibigan.

"Scared?" pang aasar ni Hades kay Apollo. Umigting ang panga ni Apollo ngunit hindi na siya nagsalita pa. Tutal, mukhang tapos na rin naman ang misyon nila ay pwede na silang umalis rito.

Agad na binuhat ni Apollo ang babae.

"Give her to us or you'll regret it." ani ni Aldwin sa mayabang na boses.

"Why would I?" malamig na tanong ni Apollo. He didn't waste any time. Agad niyang nilapag ang pill sa lupa.

Walang nagawa ang mga estudyante ng devilor academy nang tuluyan nang mawala ang mga hindi kilalang tauhan bitbit ang babaeng nagngangalang Blaire.

Umigting ang panga ni Hades,"I'll fucking get you back, bitch."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status