Share

Kabanata 4

Senshi Academy

Allister Apollo Archer

Every senshi are busy eating their lunch but my attention wasn't on my food. I've been looking for one girl that caught my attention. Where is she? And the weak boy na laging nakasunod sa kaniya?

"Baby ko, is there something wrong?" tanong ni Keila na ikinangiwi ko. Agad kong inalis ang kamay niyang pumulupot sa braso ko. Linta ba 'to?

Malamig ko siyang tiningnan, "Fuck off."

Malapit na ang lahat matapos sa pagkain nang may humahangos na lalaking pumunta sa amin. He's not familiar.

"P-pinuno!" hinihingal niyang tawag sa akin. "m-may binubully na naman sila Bruno! Yung babaeng gold ang buhok!"

Bahagyang nanlaki ang mata ko ngunit agad ko itong pinigilan. Gold hair? Siya lang naman ang gold hair dito. Tatakbo na sana ako para mailigtas siya nang may maramdaman akong kakaibang presensya.

That presence brought horror down my spine. No way, not now.

"Dark enchant." bulong ko. Nagsimulang magtakbuhan ang mga senshi sa kung saan saan.

"Go back to your dorms, senshi!" rinig kong sigaw ni Ellizer, "pinuno, tara na!" rinig ko namang tawag sa akin ni Lander.

We immediately clung to him for him to teleport us. Nakarating kami sa harap ng gate ng academy. Nandoon ang mga malalaking uwak. Nanlilisik ang mga mata nilang kulay pula. My eyes widened. They are holding dark balls and once na mapakain ito sa mga senshi, they'll immediately turn into dark enchant!

Nagsimula na kaming lahat maglaban. Lahat ng nakakalaban kong crow ay sinusubukan ipasok sa akin ang dark ball. Fortunately ay agad ko itong naiiwasan.

"Thunder fire." it is a combination of fire and thunder. Agad na naging abo ang mga natamaang uwak.

"What?!" I shouted out of frustration when another batch of crow appeared. This time, they are two times faster and bigger.

Nakita ko ang mga kasama kong kaniya kaniya ng tira sa mga kinakalaban nila. Lander is busy killing those crows using his vines and trunks. Si Elizer ay pinapatamaan ng air spikes at tornado ang mga uwak. Si Codem ay busy sa pagbubuhos sa mga uwak ng kumukulong tubig. Wait, where's the leech?

"AAAAAAH!" agad kaming napatingin sa babaeng sumigaw. Si Keila! Sinasakal siya ng pakpak ng crow habang ang buong mukha niya ay tinutuka. Napangiwi ako nang natutuklap ang mga balat niya sa mukha. Her face is indescribable at this moment.

Lander, with his teleportation, didn't waste any time. Nagteleport siya sa likod ng crow tsaka ito sinakal gamit ang kaniyang mga baging.

He succeed saving Keila but..

"I-- I can't see.." umiiyak na ani ni Keila. Dugo ang lumalabas na luha mula sa kaniya. "B-bakit mo pa ako niligtas?! Sana.. sana namatay na lang ako!"

Nawala silang dalawa sa paningin ko. Marahil ay dinala siya ni Lander sa clinic. I sighed. Ano man ang harot niya ay nakakaawa pa rin siya.

Hingal na hingal ako nang maubos naming tatlo ang mga uwak. Ngunit doon ata kami nagkakamali.

"Ha, you should be thankful dahil nakapag exercise ang mga weak na katulad niyo,"

Napatingin ako sa taas. Isang lalaki na nakacloak. Itim na itim ang suot nito. Nakapaskil ang mapang asar na ngiti sa kaniya. I glared at him. Sobrang familiar ng isang to. I saw him when I took Blaire in the dark forest.

"Ibibigay niyo siya sa akin o papatayin ko kayo?" hambog niyang aniya.

"Bakit ba gustong gusto niyo siya?" tanong ni Elizer habang nakakunot ang noo. Not gonna lie, I'm curious too.

Bukod sa sobrang ganda niya, what so special about her? Her golden hair? Or her golden eye?

Humalakhak ang mayabang na dark enchant, "Hindi niya pa rin nilalabas ang mga elements niya?"

I stiffed. Anong ibig niyang sabihin?

"Mukhang hindi pa nga. Di bale, pag nakuha ko na siya, ipapakita ko sa inyo."

"If you can."

Mabilis na hinanap ng mata ko ang babaeng nagsalita. Blaire. Napakarami niyang pasa sa buong katawan. Magulo ang buhok niya na halata sa bugbugan. Saan ba siya galing?!

"What happened to you?!" sabay sabay naming tanong na tatlo. Nagkatinginan rin kaming tatlo ngunit agad na tinuon kay Blaire ang atensyon.

Nanghihina siyang umiling, "May pandak kasing nantorture sa akin e." casual niyang sagot na tila normal lang sa kaniya na natorture siya. I balled my fist. Pandak? Tatlo lang naman ang pandak na kilala ko dito na mahilig manakit.

Bruno, lintek ka.

Humanda sa akin ang pandak na 'yon. But this time, ang epal na dark enchant muna ang papatayin ko.

"Oh, dear friend. Humina ka ata? Bakit nagpabugbog ka?" natatawang ani ng lalaki.

"Ikaw, bakit hindi ka pa naman nabugbog, pangit ka na?" sagot ni Blaire. Nanlisik ang mga mata ng lalaki tsaka napatigil sa pagtawa.

"Dark poison venom, dark tsunami and dark thunder!" pag eenchant niya. Naalerto kami tsaka kaniya kaniyang naglabas ng barrier para protektahan ang sarili. I also tried to use my element pero wala! Sobrang lakas!

"HAHAHAHA! Mga weak!" pagtawa niya.

Lahat ng lakas ko ay inilalagay ko sa iniipon kong bola. Puno ito ng nag aapoy na kidlat. Nilagyan ko rin ito ng invisibility upang hindi niya mapansin. Nang kumpleto na ang bilog ay mabilis ko itong tinira sa kaniya. Busy siya sa pagtawa kaya hindi niya napansin ang mga paparating na bola sa kaniya. Gumawa rin pala ng magic ball ang dalawang kasama ko.

Nagkaroon ng malakas na pag sabog. Napaubo pa ako sa malakas na usok. Napaupo ako dahil sa panghihina.

"Acckkk!" ngiwi ko nang may maramdaman akong sumasakal sa akin.

"Akala niyo, weak ako katulad niyo?" naramdaman ko ang liquid na tumama sa mukha ko. He spit on my face!

"F-fuck y-you," nahihirapan kong mura sa kaniya.

"Allister!" minulat ko ang mata ko at nakita ang nag aalalang mukha ni Blaire. Beautiful.

Bago ako tuluyang nawalan ng malay, nakita ko ang paglabas ng iba't ibang elemento sa kamay mismo ni Blaire. S-she's powerful...

Blaire Aqear

Nanghihina man dahil sa pagkirot ng mga sugat ko ay sinubukan ko pa ring ipunin ang aking mga elemento. Bahala na sa makakakita. Ayokong may masaktan na naman sa harapan ko.

I gather water, fire, land and air in my own hands. Mabilis akong nagteleport at ibinuhos ang buong lakas ko para itira kay hades ang magic ball nang hindi matatamaan si allister. Malakas ang naging paghiyaw ni Hades hanggang sa nabitawan niya si Allister na walang malay. Lahat ng ugat ni Hades ay nagpuputukan. Sumusuka at lumuluha na rin siya ng dugo.

For the final blow, "Glass break." I enchanted a spell. Nanigas ang buong katawan niya. Maya maya pa'y narinig ang pagkabasag ng isang bagay. His body turned into a glass at unti unting nababasag iyon. Farewell, Hades. Goodbye to the president of Devilor academy.

Agad kong tineleport ang tatlo sa clinic. Nakatulala ang dalawa. Sina Codem at Elizer.

"Y-You're the.." bago pa man iyon maisambit ni Codem ay hinawakan ko na ang mga noo nila. Pati si Allister. Tinanggal ko ang memorya kung saan nakita nila akong gumamit ng apat na elemento, spells at iba pa. Naramdaman ko ang sobrang panghihina dahil sa biglaang pagkuha ko ng memorya nila. Dahil na rin siguro sa nagamit kong kapangyarihan noong tinotorture ako ni pandak. He almost killed me fifty times. Fifty times dahil tuwing nasusugatan ako ay kusang nawawala ang mga ito. He blackmailed me to stop using my healing power or else, he'll kill hell. Naramdaman kong may mga umalalay sa akin at sa mga kasama ko, Ang mga healers.

Napangiti ako bago tuluyang mawalan ng malay. At last, may naligtas na rin ako. I didn't failed this time.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status