Share

Kabanata 2

ACADEMY

Blaire Aqear's point of view.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Agad akong napabangon nang mapansing wala ako sa dilim, walang mga batang nagbabantay sa akin. Maliwanag ang buong paligid at sobrang maaliwalas. Where am I?

Unti unting bumalik sa aking ala ala ang huli naming pagkikita ni Kim. Nasaan na kaya siya ngayon? Anong ginagawa niya? Kilala niya pa ba ako?

Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mga mata. Pero teka, nasaan nga ba ako?

Unti unti akong tumayo. Pumasok ako sa isang pinto. Isa pala itong Cr. Napatingin ako sa sarili ko. Nangangayayat na ako at sobrang namumuti na rin ako. Tingin ko'y humaba rin ang gold kong buhok na ngayo'y hanggang puwetan ko na. Ilang araw ba ako nakatulog?

Nakakita ako ng nakatiklop na damit sa gilid kaya agad akong pumasok sa loob at nilinisan ang sarili. Bahagya akong napangiti nang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko man alam kung nasaan ako ngayon ngunit sigurado akong makakalabas rin ako rito at babalik sa mga alaga ko.

Pagkatapos maglinis ay sinunot ko na ang malinis na white dress. Mayroon na rin itong mga undergarments. Paglabas ko ay sabay sabay kaming nagkatinginan ng limang tao. Apat na lalaki at isang babae. Walang ekspresyon ang ipinakita ko nang tarayan ako ng isang babae. Sunod kong tiningnan ay ang lalaking may asul na mata at buhok. May maliit siyang ngiti sa kaniyang labi. Nakita ko naman ang isang lalaki na tila abnormal dahil panay ang ngiti at kaway sa akin. Kulay abo ang kaniyang mata at buhok. Nakita ko naman ang lalaking green ang mga mata at buhok.

Napako naman ang paningin ko sa lalaking malamig ang pagkakatitig sa akin. Bumaba ang paningin niya mula sa aking ulo hanggang paa. Nag uumigting na pula ang kaniyang mga mata at buhok. Napalunok ako ngunit itinago ang alinmang ekspresyon. Hindi ko pa sila kilala.

Naalerto ako nang lumapit ang lalaking pula ang mga mata. "Allister," aniya. Nagtataka man ay hindi ako nagsalita. Hindi naman ako si Allister ah?

Kita ko ang bahagyang pagpigil ng kaniyang ngiti. Taka ko siyang tiningnan. "I'm Allister." paglilinaw niya. Napa-ah naman ako at tinanggap ang kamay niya, "Blaire."

Medyo rude naman siguro kung hindi ko siya papansinin at tsaka mukhang wala naman ako sa dark kingdom diba?

Una kong binawi ang aking kamay. Sunod sunod naman na nagpakilala ang iba pa.

"Ako? Itong gwapong 'to, tandaan mo ha, ako si Elizer!" the gray haired said.

"I'm Codem. Nice to meet you, Blaire." baritonong pagpapakilala ni blue haired guy. Ang gwapo!

"Lander here. Good thing you're awake, Blaire." friendly na pagpapakilala naman ni green haired guy.

"One and only Keila." nakairap na pagpapakilala naman ni Keila na violet ang buhok at lipstick. Black ang mata. "HIS girlfriend." -agad siyang kumapit sa braso ni Allister. -"right Allister?" Kita ko ang pagtutol sa mata ni Allister ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin pa. "Top five lang naman sa buong akademya."

Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng to. Hindi ko naman tinanong. Sino nagtanong? Wala.

"Okay." sagot ko sa kaniya na ikinawala ng ngiti niya. Tss, hambog.

Dumiretso na ako sa kama na hinigaan ko kanina. "Where am I?" tanong ko sa kanila.

Unang sumagot ay si elizer, "Nasa Senshi academy ka na pinamumunuan ng light kingdom."

"S-saan niyo ako natagpuan?" tanong ko sa kanila. Nakita kong nagkatinginan ang apat na lalaki. Tila tinatantsa kung sasabihin ba nila. "I have the rights to know." bulong ko na paniguradong narinig nila.

Lander sighed out of defeat, "Sa lagusan ng dark kingdom. Ang dark forest. By the way, anong ginagawa mo doon?"

Napaiwas ako ng tingin. Ano nga bang ginagawa namin doon? Wala na kaming matitirhan. Wala kaming alam sa mundong ito. Saan kami lulugar?

"Are you a dark enchant?" tanong ni Codem. Umiling ako sa kaniya na ikinahinga nila ng maluwag. Syempre maliban kay Keila na kanina pa namumuti ang mata kakairap.

Sigurado naman ako doon dahil walang halong dark energy ang mga kapangyarihan ko.

"Utos ni headmaster sa amin, once na magising ka, eenroll ka namin kaagad." that news boomed like a bomb inside my head.

"I can't!" bigla kong sigaw na ikinagulat nila.

"And why naman?" asar na tanong ni Keila.

Nagsusumao ko silang tiningnan,"I have to go back,"

Nakanganga nila akong tiningnan, tila hindi makapaniwala. I know, I know, sino ba namang hindi magugulat kung ang isang enchant ay gustong bumalik sa dark forest?

"No. It's dangerous." they agreed of what that Allister said. Naikuyom ko ang palad ko. Who are they to tell me where to stay? Who are they to command me? Makakalabas rin ako dito. Whether they like it or they love it.

@Headmaster's Office

Bored lamang akong nakatingin kay headmaster habang sinasabi niya ang mga rules and regulations ng Senshi academy. The hell I care?

".. and lastly, do not leave the academy without my permission. Are we clear, Blaire?" tanong niya. Sa totoo lang ay wala akong naintindihan. Kaming dalawa na lamang ang nandito. Umalis na ang mga nakilala ko kanina na napag-alaman kong top five ng buong academy. Tss, todo na yun? Isang pitik ko lang nga si Keila.

"Pwede ba akong umalis?" tanong ko kay headmaster na ikinatingin niya saakin, nagtataka.

"Why are you so eager to come back there? Are you a traitor?" hindi lumihis sa aking pandinig ang pagdududa sa kaniyang tono.

Tiningnan ko siya ng mariin, "What if I am?"

Ito na lamang ang naiisip kong paraan para paalisin nila ako.

Umiling si headmaster. "Still, you can't leave the academy and that's final."

"But--" I need to save them! Gusto ko pang idagdag ngunit agad niya itong pinutol.

"These are your uniforms, schedule, key, handbook and other things you'll need. Feel free to come here if you need other things." wala akong nagawa kundi kunin ang mga ibinigay niya. Is it really final? Paano na 'to? "Sa isang buwan pa ang levelling. Doon malalaman kung ano ang iyong rank kaya goodluck. Ang mananalong top five ay maaaring magkaroon ng isang kahilingan."

Nahigit ko ang hininga ko. Isang buwan, isang buwan pa. Hihilingin ko ang makabubuti para sa kanila. I guess I have the reason to stay here now. I only have one goal and one reason.

The goal is, be part of the top five.

My reason is, I need to save those kids.

Wait me, children.

@Blaire's Dorm

Blaire's point of view.

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa kisame. Nandito na ako ngayon sa dorm. Nabasa ko kanina na nasa dorm Z-Z ako. Obviously, the weakest student here. Hindi katulad sa iba, maliit lamang ang aming dorm at isa lang rin ang kasama ko. He's Hellicade. Sabi niya, tawagin ko raw siyang Cade dahil hell na raw ang buhay niya. Pero dahil ayoko ng inuutusan ay Hell ang tinatawag ko sa kaniya.

Aniya, siya raw ang pinakamahinang estudyante rito at lagi siyang napagkakamalang dark enchant dahil na rin sa pangalan niya. Ngayon ay ako na raw ang pinakamahina dito kaya masaya raw siya. Alam kong joke niya lang yon so I didn't mind him.

Noong una rin ay nagulat ako dahil lalaki siya at babae ako. Pero sabi niya, halo halo ang mga estudyante. Basta nakabase pa rin ito sa kanilang rank. Napangiwi ako. Ibig sabihin ay iisang babae ang Keila na yon sa dorm nila? Tss.

Sabi rin ni Hell, kung sinong kadorm mo ay siyang kateam mo. At panigurado ay magiging target kami ng mga estudyante. As if I'll let them?

"Grabe, nakakapagod ang tumakbo mula cafeteria hanggang dito!" bungad niya at taas baba ang d****b na pumasok sa loob. Mukhang kakatapos lang sa malayong takbuhan.

Kumunot ang noo ko, "Anyare sayo?" tanong ko sa kaniya. Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya mukhang kaclose ay dahil magaan ang loob ko sa kaniya. Feeling ko ay mailalabas ko sa kaniya ang tunay na ako.

"Muntik na ako mabully nila Bruno. Buti buhay pa ako." nakuha niya pang nagbiro. Inilapag niya sa mesa ang dalang mga supot. Mga pagkain pala ito. Dinner na kasi. Naamoy ko kaagad ang mabangong aroma ng kaldereta at mabangong amoy ng lechon. Agad na tumunog ang tiyan ko na ikinabungisngis niya.

Si Hell ay matangkad na enchant. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo siyang adik dahil sa eyebags niyang mas maitim pa sa budhi ni Keila. Siya yung definition ng tall, dark and handsome. Although, tan lang siya pero basta, yun na yon.

"Baka mainlove ka niyan," napaiwas ako ng tingin nang tingnan niya ako ng tila nang aasar. Thick eyebrows, long lashes, brown eyes, proud nose and thick red lips. That's him, that's Hell!

"Asa ka." irap ko sa kaniya tsaka tinulungan siyang ayusin ang kakainin namin. Nang matapos ay sabay naming nilantakan ang mga binili niya. May kanin, tig dalawa kami. Ulam ay kaldereta at lechon. For dessert, bumili siya ng dalawang ice cream at ang drinks ay dalawang bottled water.

Habang kumakain kami ay nagkukwento siya. Minsan ay nagtatanong, "Saan ka ba galing na kingdom?" tanong niya na ikinatigil ko sa pagkain.

Sasabihin ko ba? Matagal bago ko siya tinitigan. He looked so careless, gentle and sweet. Ano ba 'tong sinasabi ko. Psh.

"Sa fire kingdom." sa huli ay nagsinungaling ako.

"Ugh! Hiikkk!" agad ko siyang dinaluhan ng tubig nang maubo siya at mabulunan. Natatawa kong pinalo palo ang likod niya, "Ano, buhay ka pa?"

Nang makahupa ay nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin, "Fire user ka?!"

Kamot ulo akong tumango sa kaniya. "Oo." maikli kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam kung anong irarason ko. I'm not good at this.

Lumungkot naman ang ekspresyon niya, "Panigurado ay may maibubuga ka sa levelling. Wala na naman akong kasama." he sighed at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. Naramdaman ko kaagad ang imaginary wall na nasa pagitan namin. I see, he doesn't want to attach himself with me anymore.

"I'll help you." mahina kong sabi sa kaniya. Napabuntong hininga ako nang hindi siya sumagot, "What's your element?" tanong ko pa.

Nakanguso siyang tumingin sa akin. Cute. "Yun na nga e. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako yung pinakamahina dito? Wala akong element!" pagngawa niya na tila bata. Bata. Naalala ko na naman tuloy ang mga alaga ko. I sighed.

"Then what's your ability?"

"I talk to plants and animals." aniya tsaka umiling iling. "weak na kung weak pero ayoko talaga sila gamitin pag lalaban na ako. Pag nakikita ko silang nahihiwa nang dahil sakin ay nasasaktan ako kaya I chose to be like this." pagpapaliwanag niya. Sa ability niya ay pwede niyang utusan ang mga halaman at hayop na sugurin ang kalaban o kaya'y protektahan siya. It's actually a rare ability dahil maihahalintulad na rin ito sa plant element. Ang pagkakaiba lang nila, plant elemental can produce plants on their own. Ang ability naman ni Hell, wala siyang panlaban kung walang hayop o halaman sa paligid niya.

Tila may bumbilya na pumasok sa utak ko, "I have the ability of healing,"

"So?" tanong niya. Kunot noong nakatingin nakatingin sa akin. Ang slow naman nito.

"We're a team, right? Iheheal ko lahat ng masasaktan na plants at animals tuwing lalaban ka." pagpapaliwanag ko ng plano sa kaniya.

Nag twinkle naman ang mga mata niya. I literally saw his eyes twinkle. It's funny.

"Talaga?!" nagulat ako nang i*****k niya sa ngala ngala niya ang tinidor na pagresulta ng pagdugo. "Iheal mo nga ackk--"

Napasapo ako sa noo tsaka hinawakan ang labi niya. Unti unting naghihilom ang ginawa niyang katangahan. Sino ba naman ang matinong enchant na tutusukin ng fork ang ngala ngala para lang mapatunayang may healing ang kasama niya? Paano na lang kung nagbibiro lang ako?

Nakahawak pa rin ako sa labi niya habang nakatingin kami sa isa't isa.

"A-Ah, you believe me now?" awkward kong tanong matapos makabawi. Agad kong binawi ang kamay ko na nasa bibig niya.

Namumula ang kaniyang tenga habang awkward rin na tumatawa, "Y-Yeah. Ang galing mo," namula ako.

Nag iwas ako ng tingin at nilagok ang inumin na nasa mesa. Ang galing ko raw. My dirty mind is shaking!

Matapos kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Itinapon ko ito lahat tutal ay disposable naman ang mga ito pwera sa mga kutsara at tinidor. Hinugasan ko naman ang mga ito sa maliit na lababo.

"Goodnight, Aqear!" pang aasar niya. Ayaw niya raw akong tawaging Blaire dahil inaasar ko siya sa pangalan niyang Hell. Akala niya rin apelyido ko yung Aqear. Ako nga hindi ko alam apelyido ko e, siya pa kaya.

Ngumisi ako, "Goodnight, Hell." asar ko pabalik sa kaniya.

I guess tomorrow would be my starting line. Saan nga ba matatapos 'to? Worth it ba lahat? Sana makapasok ako sa top five.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status