LOGIN"Siraulo ba ang lalaking 'yun? Bakit basta-basta nang-aalok ng kasal ang lalaking 'yun?"
Hindi makapaniwala si Isabella sa alok na ibinigay sa kaniya ng guwapong lalaking na-encounter niya sa labas ng ospital kanina lang. Akala niya ay nagbibiro ito, pero seryoso itong nakatingin sa kaniya kaya hindi niya naiwasang makaramdam ng pagkailang dito. Naisip pa ni Isabella na baliw ito pero sa porma at tindig nito ay mukha itong respetado na tao. Naglalakad si Isabella pauwi sa apartment niya nang tumila kahit papaano ang ulan, at iyon ang naging way niya upang iwan ang wirdong guwapong lalaking nakita niya sa ospital. "Sinong nasa matinong pag-iisip ang mag-aalok ng isang kasal lalo pa at hindi naman namin kilala ang isa't-isa." ani pa ni Isabella nang huminto siya sa kaniyang paglalakad at kunin mula sa bulsa ng pants niya ang calling card na ibinigay sa kaniya ng guwapong lalaki sa ospital. *FLASHBACK* "Marry me before i die and after that, i will make sure your daughter will get a new heart. Just marry me, and say i do in front of my parents." "A-Ano? Inaalok mo ko ng ka-kasal?" gulat na ani ni Isabelle na ikinatango ng kausap niya. "Yes, marry me and i will--" "--baliw ka ba? Bakit ako magpapakasal sayo eh hindi nga natin kilala ang isa't-isa. Ma-May problema ka ba sa pag-iisip?" putol na reklamo ni Isabella lalo pa at nakakaramdam na siya ng pagkailang sa kausap niya. Aaminin niya na sobrang guwapo ng lalaking kaharap niya, pero wirdo ito at hindi niya maiwasang kabahan dito, lalo pa sa out of nowhere na alok nito. "I am sane as far as i know, alam kong nakakagulat na may mag alok sayo ng isang kasal but trust me, it will benefits the both of us." ani nito na may kinuha sa bulsa nito kung saan iniabot nito kay Isabella ang isang calling card. "If you are interested, just come to my company. Let's talk about my offer." ani nito bago ito umalis at sinugod ang ulan at iniwan si Isabella na bahagyang natulala. *END OF FLASHBACK* "Spade Cedric Vasile, C.E.O of Lacrose Food Indust--wait? Lacrose Food Industr--y oh my god! Siya ang C.E.O ng kilalang food industry sa Asia?! Nanlalaking mga matang sambit ni Isabella ng makilala niya ang pangalan na nasa calling card. " Ku-Kung hindi ako nagkakamali, pa-pang tatlo sa bilyonaryong business man ang taong 'to. At ang bilyonaryong ito ay inalok lang naman ako ng isang kasal?!" bulaslas ni Isabella kung saan hindi siya makapaniwala sa kung sino ang na-encounter niya sa ospital at wirdong nang-alok ng kasal sa kaniya. "Anong problema ng lalaking 'yun at nang alok siya ng kasal sa kagaya ko? Bilyonaryo siya kaya imposible na wala siyang nobya, nasiraan na ba ng utak ang isang 'to dahil sa sobrang yaman niya?" pahayag pa ni Isabella na ibinulsa nalang ang calling card at tinuloy ang paglalakad niya. Marry me before i die and after that, i will make sure your daughter will get a new heart.... Natigilan muli si Isabella sa kaniyang paglalakad ng bumalik sa isipan niya ang unang sinabi ni Spade sa kaniya. "Se-Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya?" ani ni Isabella na agad niyang ikinailing. "Siguro nang ti-trip lang ang isang 'yun dahil mayaman siya, akala niya ba mauuto niya ako. Bakit ako magpapakasal sa kaniya kung hindi naman namin mahal ang isa't-isa." saad ni Isabella bago deretso na muli siya sa kaniyang paglalakad. Nang makarating siya sa tapat ng kaniyang apartment ay hindi agad siya pumasok at inayos ang kaniyang sarili. Ayaw niyang mahalata ng kaniyang anak na siya ay galing sa pag-iyak. Ipinaskil ni Isabella ang ngiti sa kabiyang mga labi bago binuksan ang pintuan at deretsong pumasok sa loob ng apartment niya. Agad niyang nakita ang kaniyang siyam na taong gulang na anak na si Alina Fuentes na nanunuod ng pabirito nitong musical series na palabas. "Nakabalik na ako, Ali." pag-agaw pansin na tawag ni Isabella dito na agad na lumingon sa kaniya. "Welcome home, nay." bati nito sa kaniya. Nakasuot ng mini oxygen si Alina dahil nahihirapan iting huminga, dahil meron itong sakit sa puso at nangangailangan ito ng heart transplant. At iyon ang malaking suliranin ni Isabella, dahil mahal ang sugery na kailangan ni Alina at walang puso compatible sa kaniyang anak. Hindi naman niya tunay na anak si Alina, this nine years old girl ay anak ng namayapang nakakatandang kapatid ni Isabella. Sa kaniya naiwan ang kaniyang pamangkin, ulila na rin naman siyang lubos kaya siya na ang umako ng responsibilidad. Itinuring niya itong anak, at masaya siyang tinuturing din siya nitong ina. Gustuhin man ni Isabella na mapa-operahan si Alina, ay hindi niya magawa-gawa. Dahil kapos siya sa pera, waitress sa isang resto bar ang trabahong pinagkukunan ni Isabella ng budget nila sa araw-araw. Ginagawa niya lahat para sa anak niya huwag lang itong mawala sa kaniya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Isabella pagka upo niya sa tabi ni Alina. "Maayos naman po nay, saan ka po galing?" "Galing akong ospital, huwag kang mag-alala kaunting tiis nalang mapapagamot din kita." ani ni Isabella na ikinahawak niya sa pisngi ni Alina. "Patawad po nay, dahil sa sakit ko alam kong nahihirapan po kayo. Hindi niyo naman po talaga ako anak, pero nagsa-sakripisyo po kayo para sa akin." "Alina, anak kita. Parehas ang dugo na dumadaloy sa ating dalawa, hindi ka man galing sa akin pero para sa akin anak kita simula ng mahawakan kita noong baby ka pa. Lahat gagawin ko para sayo, kaya magtiwala ka lang kay nanay hmmm?" ani ni Isabella na pinipigilang maluha sa harap ng kaniyang anak, na ngiting tumango sa kaniya. "Opo nay." niyakap ni Isabella si Alina, kailangan niyang maging matatag para sa kaniyang anak. Pagsapit ng gabi ay pumasok na si Isabella sa kaniyang trabaho, iniwan niya si Alina sa bahay ng mabait niyang kapitbahay. Mababait at matutulungin ang mga kapitbahay niya, ang iba nga lang ay mga tsismosa at pakialamera pero hindi pinapansin ni Isabella ang mga ganoong klase niyang kapitbahay. "Dalawang bucket ng beer sa table 48, at sisig." pagbibigay order ni Isabella sa counter. "Hindi ko na naman maramdaman ang energy mo ngayong gabi Bella, okay ka lang ba?" napalingon si Isabella sa kasamahan niya sa trabaho. "Okay lang ako, kailangan kong maging okay para sa anak ko." "Magiging okay din ang lahat sa inyo ng anak mo, i'm sure may oppprtunity na darating sayo na magiging way para gumaling si Alina. Tiwala lang, pag dumating ang chance na 'yun huwag mo ng pakawalan." ani nito bago tinapik si Isabella at umalis na upang ihatid ang order ng ibang table. "May darating nga bang chance para mapa-operahan ko si Alina?" sambit ni Isabella nang pumasok sa isipan niya ang calling card ni Spade. Natigilan si Isabella nang maalala niya ang alok nito. "I-Iyon kaya 'yung chance na tinutukoy ng katrabaho ko?" sambit ni Isabella na agad niya iyong inalis sa isipan niya. "Imposible, kasal kaya ang inaalok ng lalaking 'yun." Hindi ba sabi mo gagawin mo ang lahat para sa anak mo.... Natigilan si Isabella nang pakiramdam niya ay narinig niya ang kaniyang sarili sa mga oras na 'yun. Agad niya ding naisip si Alina at ang kondisyon nito. Ang huling paalala ng doctor sa kaniya ay kailangan ng maoperahan si Alina, dahil once na umatake ulit ang sakit nito ay maari iyong ikamatay ng kaniyang anak. Buong gabi ay walang ibang pumapasok sa isipan ni Isabella kundi si Alina, alam niyang hindi niya kakayanin kung pati si Alina na alaala ng kaniyang kapatid ay mawawala din sa kaniya. Kaya after ng shift ni Isabella, pagsapit ng umaga ay natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na nagtungo sa Lacrose Food Industry. Nakatayong pinagmamasdan ni Isabella ang malaki at mataas na building ng kumpanya ni Spade. "Seryoso Isabella, desidido ka na ba sa naiisip mo?" pagkausap niya sa kaniyang sarili. "Pero kung wala akong gagawin, mawawala talaga si Alina sa akin." ani pa niya. Wala pa siyang tulog dahil sa buong gabing shift niya, pero dahil wala ng mahanap na paraan si Isabella lalo pa sa sitwasyon niya financially ay nasa harapan siya ngayon ng kumpanya ng lalaking out of nowhere ay nag-alok ng kasal sa kaniya. "Kung ito lang talaga ang way, para sa anak ko ay gagaw--" "--i can see that you already made a decision." Gulat na napalingon si Isabella sa kaniyang likuran nang may magsalita mula roon. At natigilan siya nang si Spade ang kaniyang nakita na agaw pansin ang kaguwapuhan nito. "He-Hello..." "Follow me." ani ni Spade na deretsong naglakad papasok sa kumpanya nito kasunod ang secretary nito na nguming yumuko kay Isabella. "I'm Sandro Mcrell, Mr. Vasile's secretary. My boss told you to follow him so let's get inside." ani nito bago nag gesture kay Isabella kaya wala na itong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng kumpanya ni Spade. Tama ba ang desisyon ko na 'to? pagkausap ni Isabella sa kaniyang isipan habang tinatahak niya ang papuntang VIP elevator kung saan nakatayo roon si Spade. Sana tama talaga 'tong ginagawa ko at hindi ko pagsisihan sa huli. piping ani ni Isabella sa kaniyang isipan bago huminga ng malalim at inisip na para sa anak niya ang gagawin niya.NASA BIYAHE NA SINA Isabella papunta sa mansion kung nasaan ang kaniyang tunay na mga kadugo. Tahimik lang si Isabella sa kinauupuan niya, katabi niya si Alina na walang ideya saan sila pupunta. Hindi na nakasama si Tristan sa kanila, yet nagbilin ito na kung kailangan ni Isabella ng tulong ay tawagan niya ito.May parte sa puso ni Isabella na maling desisyon ang ginawa niya, yet ang laban ng isipan niya ay tama ang ginawa niya para mailayo niya sa kapahamakan ang pamilya ni Spade sa kamay muli ng kaniyang lolo."Mommy saan po tayo pupunta?" tanong ni Alina kung saan hinaplos ni Isabella ang buhok ng kaniyang anak."Pupunta tayo sa bahay ng tunay kong pamilya, anak.""Tunay na pamilya po?""Yes Alina, may totoong pamilya ang iyong ina. Isa na ako roon, i'm your lola Selena. Kapatid ako ng daddy ng iyong ina, you can call me lola if you want."ngiting saad ni Selena na nasa tabi ni Isabella." You're too pretty po para tawagin ko pong lola, can i call you nalang po tita?" saad ni Alina
"...Gusto mo pa bang malaman ang lahat tungkol sa mga nangyari? Alam kong malaki ang kasalanan ng pamilya natin sa pamilya ng mga Vasile, but your father was just a pawn who needs to follow for the sake of his wife, and his unborn child.""Gusto kong malaman, sabihin niyo po sa akin lahat." Noon ay okay lang kay Isabella kahit hindi na niya malaman kung sino ang tunay niyang mga magulang, kung bakit hindi niya ito kasama, at wala siyang alaala sa mga ito. Ngayon na may makakapagbigay alam na sa kaniya tungkol sa mga ito, may sumilay agad sa puso ni Isabella na kagustuhang makilala at malaman kung sino ang kaniyang magulang."Walang naging choice ang iyong ama kundi gawin lahat ng pinagagawa ng aming ama. Your grandfather was envious to Vasile family because of their legacy, gusto ni Papa na putulin noon ang legasiya ng mga Vasile bilang Punong Ministro ng bansang Romania at palitan ng aming pamilya. Binalak ni Papa na ipatakbo ang iyong ama sa eleksyon bilang Punong Ministro habang n
KALAHATING ORAS NG biyahe nina Isabella ng makarating sila nina Tristan sa St. Catherine's School. Sa biyahe palang nila kanina ay pinag-iisipan ng mabuti ni Isabella kung tama ba ang desisyon na gagawin niya. Nangako siya kay Spade bago mawala ang alaala nito na hindi niya ito iiwan, pero hindi maisip ni Isabella na darating siya sa puntong babaliin niya ang pangako na 'yun."Andito na tayo, pero anong gagawin mo dito sa paaralan na 'to, Isabella?" tanong ni Tristan na ikinalingon ni Isabella sa kaniya."Mahabang kuwento, Tristan, pero salamat sa paghatid mo sa amin ni Alina dito. Puwede mo na kaming iwan ditong dalawa, ayoko rin naman ng maabala ka ng sobra." saad ni Isabella na ikinahawak ni Tristan sa kamay niya."Hindi kayo abala ni Alina sa akin, besides hindi ko kayo puwedeng iwan ditong dalawa.""It's okay, wala namang mangyayari sa amin ni Alina.""Even so, hindi ko kayo iiwan dito." ani ni Tristan nang sumilip sa kanila mula sa backseat si Alina at nilingon si Isabella."Mom
SA LOOB NG ITIM NA VAN ay doon pinili ni Isabella na mag-usap,,sila lang dalawa ni Leticia ang naroom habang nasa labas ang mga tauhan na kasama nito, at si Tristan na alam niyang nag-aalala sa kaniya."Alam mo, you are very lucky. Sino ang mag-aakala na ang isang hampas lupa na galing sa hirap na tulad mo ay ang nawawalang apo pala ng isang mayamang pamilya. Tagapagmana ng isang malaking kumpanya, you are a living princess, Soreah." pahayag ni Leticia na ikinabuntong hininga ni Isabella."Isabella ang pangalan ko, ano bang gusto mong pag-usapan? Hindi ko alam kung anong kailangan mo sa akin, o gusto mong siguraduhin na mawawala ako na hindi nagawa ng iyong ama." seryosong ani ni Isabella na bahagyang ikinatawa ni Leticia."Oh come on! Nothing happens to you, don't take it too personal. Sinubukan ka lang takutin ni dad kasi he doesn't want me to feel lonely and Spade choose you than me.""Takutin? Muntik na akong ma-rape dahil ipinag-utos iyon ng dad mo, and yeah you're right, masuwer
SA KOTSE NI Spade, hindi siya makapaniwala sa kaniyang sarili na palihim niyang susundan si Isabella sa pupuntahan nito, upang makasiguro si Spade na makakarating ito ng ligtas lalo pa at hindi pa ito tuluyang gumagaling sa sakit nito.Sinubukan niyang pigilan ito kanina, pero wala nang nagawa si Spade dahil pinilit talaga nitong umalis, at tinanggihan pa ang alok niyang ihahatid niya ito."Why am i doing this? Para akong stalker sa ginagawa ko, but i'm just a fucking concern person here. Sinabi ng mag stay nalang sa kuwarto dahil hindi pa siya magaling, is she that eager to see her lover." pahayag ni Spade na napakunot ang noo sa ideya na kaniyang naisip."Why am i annoyed thinking that?"Gumilid si Spade sa kalsada ng makita niyang bumaba na ng taxi na sinakyan ni Isabella at lumabas ito. Nakatingin si Spade kay Isabella, pinagmasdan niya ito. Miya-miya pa ay may itim na kotse na dumating at tumigil sa harapan ni Isabella. Bumukas ang pintuan nito at lumabas si Tristan na agad nilap
KINAUMAGAHAN, dahan-dahang bumangon si Isabella sa pagkakahiga niya. Hinipo niya ang sarili niyang noo kung saan bumaba na ang kaniyang lagnat. Ramdam parin ni Isabella ang panghihina ng kaniyang katawan.Sumandal si Isabella sa kama at binalikan ang pagbibigay niya ng divorce paper kay Spade. Mahirap para kay Isabella na gawin iyon, pero ayaw niyang sapilitang ipaalala kay Spade ang hindi nito maalala. Isa pa, kaya siya nagdesisyong sa divorce ay upang maiwasan na mahirapan silang parehas. Hindi sa sinusuko na niya si Spade, pero sa tingin ni Isabella ay 'yon ang kailangan nilang dalawa sa kondisyon ni Spade."Maghihintay akong bumalik ang alaala niya, pero kung dumating ang araw na 'yun at may iba na siyang mahal, dapat tanggapin ko." sambit ni Isabella sa kaniyang sarili."Malulungkot si Alina, pero alam kong maiintindihan ako ng anak ko."Huminga ng malalim si Isabella at akmang tatayo na siya nang magbukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok doon si Spade na may dalang tray ng bowl







