Axel's POV Pag-uwi ko galing sa ospital ay dumeretso na ako sa bar ng restaurant sa resort. At agad nag-order ng wine sa bartender.Marami rami ang customers ngayon dahil bakasyon. "Here's your wine sir," anang bartender saka nilapag ang isang glasswine na may laman na. Hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina. Sigurado ako si Erica ang nakita ko, ang katawan niya ang height niya lahat lahat, the way she walk, the way she stare Walang nagbago, and the kids. Ahh it's giving me headache. She's Erica but not Erica Dhana Hermés-Hill, she's an Alcantara. Kahit anong gawin kong titig hindi ako namamalikmata. But it seems that she doesn't know me.Inisang lagok ko lang ang laman ng wineglass. "One more." Utos ko sa bartender. Agad naman niya akong binigyan ng isa pa at nilagok iyon."Insan!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.Walang hiya talaga 'tong si Sunday, hindi man lang naisip na may mga tao itong mabubulabog sa sigaw niya, doctor ito pero kapag wala sa ospital,
Erica's POVNakatitig lang ako sa mga anak ko na mahimbing na natutulog. Nasa gitna nila si Jayve at yakap ng mga ito. Kanina lang lumabas si Jayve mula sa ospital. Maayos na ang lagay nito pero hindi pa rin ako pwedeng makampanti dahil hindi basta basta ang sakit nito.Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng namuong luha sa mga mata ko. Kung maari ayaw kong nakikita ang ni isa sa kanila na nahihirapan. Pero anong magagawa ko. Ni hindi ko nga kayang ipa opera si Jayvee. Kung pwede lang sana na ako na lang ang maghirap huwag lang sila.Natatakot ako baka maulit ulit iyong nangyari at hindi na makayanan ng bata. Kawawa rin ang kambal kapag may nangyaring masama sa kapatid nila. Ipinilig ko ang ulo ko sa mga isiping iyon. At lihim na nagdarasal, nawa'y pakinggan ako ng Dios ama.Nag bend ako para halikan isa isa ang mga anak ko. Saka nahiga na ako. Bukas na bukas rin mangungutang ako kay Aling Corazon ng pera, 'di bali ng may tubo, huhulugan ko lang ng paunti unti para hindi mabigat. Kai
Mapalad kami ni Edward dahil natanggap kami bilang waitress sa Hill resort. Kahit na wala kaming experience. Ako lang pala dahil may experience na si Edward sa pag we-waiter. Nakausap na rin namin si Nanay, no'ng una hindi siya pumayag ayaw nitong magtrabaho ako. Pero kalaunan pumayag ito dahil hapon hanggang gabi lang naman ang juty ko. Si Edward morning shift siya 7am to 2pm. Samantalang ako 2pm until 9pm. Pinili ko talaga ang oras na iyon dahil pabor iyon sa akin. Atleast, kunting oras lang ang pagbabantay ni Nanay Celia sa mga bata. Dahil pagsapit ng alas 6 ng hapon ay tulog na ang mga bata. Hindi masyadong mahihirapan ang matanda. Saka naka uwi na rin naman si Edward niyan kaya may kapalitan itong magbabantay.Naghahanda na ako para pumasok. Bago ako pumasok pinaintindi ko muna sa mga anak ko na wala ako sa tabi nila kapag natulog na ito dahil may work ako. Alam kong hindi sila sanay, hindi rin naman ako sanay pero kailangan muna naming magsakripisyong mag-iina."Why, mommy?" Naa
Nakatulala lang ako dito sa may dalampasigan. Habang nakaupo sa mabuhangin, nagpapalipas lang ng oras. Tulog naman ang mga bata kaya, may time ako. Pinikit ko ang mga mata ko upang damhin ang masarap na hampas ng hangin, at animo tugtugin na hampas ng alon.Naalala ko si Axel kagabi, naalala ko ang mga madidilim na titig niya. Parang ayaw ko na yatang pumasok. Pero kailangan ko eh. Bakit ba kasi siya ang boss eh. Iiwas na lang siguro ako kung nandiyan siya. Kasi naman, nag iiba ang pintig ng puso ko kapag nakikita ko siya. Natataranta ako kapag nandiyan siya baka maging mitsa pa iyon para matanggal ako sa trabaho. Nakakatakot naman ang lalaking iyon. "Erica!" Lumingon ako ng may tumawag sa akin."Mag handa ka na malapit na ang oras!" Sigaw ulit nito sa hindi kalayuan."Opo, 'Nay!" Ganting sigaw ko para marinig niya.Tinatamad na tumayo ako.***Ilang oras na ako rito sa restaurant salamat naman at hindi ko nakita ang tigreng boss ko. Abala rin ako dahil sa dami ng besita. Walang tigi
Lumakad na ako at lumabas ng kusina. Paglabas ko ay napatili ako ng muntik ko ng mabangga ang kakalabas lang na si Axel. Bagong ligo ito at amoy na amoy ko pa ang sabong gamit nito. Basa pa ang buhok nito dahil may tumutulong tubig. May tuwalya na nakasampay rin sa balikat nito. Napadako ang paningin ko sa hubad na pang itaas nito. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansing nakatapi lang pala ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Napalunok pa ako ng makita ko ang nag puputukang muscles nito. Gash! Kung nandito lang si Edward. Hihimatayin ito. Natatangi ang ganda ng katawan nito ibang iba sa katawan ng mga sinisilipan ni Edward, na aksidenteng nasisilipan ko rin dahil sa kalokohan ng bakla. Iba kay Axel, makinis, maputi, ang braso nito nag uugat. Ang biceps dios ko ang laway ko. Nakakatakam 'to. "Miss Alcantara, ang laway mo." He said in a hoarse voice. Kaya napalunok ako at ng makabawi sa paglalaway ay tumalikod ako. Nakakahiya naman. "A-ah s-sir your dinner
Disclaimer: This Chapter may contained rated SPG. Kung hindi ka malibog mag next chapter ka. Kung curious ka bahala ka sa buhay mo."Bakit Sir?" Hindi ko mapigilang tanong dito.Hindi ito sumagot nakatitig lang ito sa akin."Sir?" Pagkuwa'y sabi ko."You know what..." dahan dahan itong lumapit sa akin. Habang ako ay paatras naman ng paatras. "Kasing sarap ng luto mong adobo ang luto ng asawa ko." Nawala ang ngiti nito sa labi. Napatigil ako sa pag atras ng mabangga ko na ang lababo. Wala na akong maatrasan. Nakikita ko sa malapitan kung paano nawala ang ngiti sa mga mata nito at napalitan ng namumungay ng mga mata."Even the taste of your soft and warm lips."Nanatili lang ang titig nito sa akin na hindi ko naman inurungan. Dahil na mamagnetized ako. Kahit subukan kong iwasan hinihila ako pabalik.He touched my face with his callous hand. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pag iinit ng mukha ko sa ginagawa nito na hindi ko naman ma saway dahil napako na ako sa kinatatayuan ko at walang
Nakatingin lang ako sa lawak ng dagat na animo walang hanggan. Hinihintay ang pagsabog ng bukang liwayway. Napabuga ako ng hangin, naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang ligayang pinagsaluhan namin ni Axel. Ang mapupusok niyang halik, ang mga haplos nito sa bawat sulok ng katawan ko. Ang pagpapaubaya ko sa taong hindi ko alam kung kilala ko ba talaga. Umaga na ng magising ako. Tulog siya ng iwan ko, sinadya kong 'wag siyang gisingin dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nakalapag rin sa table ni Cathy ang resignation letter ko. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho, ayaw kong harapin si Axel. Hindi ko yata kaya. Nang tuluyan ng sumabog ang bukang liwayway ay tinalikuran ko na ang dagat saka naglakad na pauwi. Mag-iisip pa ako ng alibi dahil sigurado akong tatadtarin ako ng tanong ng mga naiwan sa bahay kung bakit inumaga ako.At hindi nga ako nagkamali."Erica, inumaga ka yata?" Tanong ni Tatay Arman. Nakatayo ito sa may pintuan habang may bitbit na isang tasa ng kape.
Pagkatapos ng kwento niyang iyon pagkatapos ng isang yakap nito ay tumalikod na ito at iniwan ako. Iniwan akong naguguluhan, kinakabahan, nagdadalawang isip. Pinilit kong alalahanin ang lahat, pilit na hinahanap ng alala ko ang mukha ni Axel. Pero, shit lang hindi ko talaga maalala. Ni hindi nga nag bago ang pagka blurry ng mukha ng lalaking kasama ko. Kahit luminaw ng konti ay hindi. Pero magkaboses sila, sumasakit lang ang ulo ko sa mga isiping iyon. Bakit ba kasi nagkaganito ang lahat bakit ba kasi kailangang mangyari lahat ng ito. Limang taon naging tahimik ang buhay kahit na nakakaramdam ako ng lungkot minsan dahil wala akong maalala. Hinayaan ko lang ang mga nag uunahang luha ko habang nakatunghay sa maalong dagat.Ang dagat ang dahilan, pero ang dagat rin ang nagbibigay sa akin ng comfort. Ang hangin sa dagat na animo niyayakap ako at inaalo. Nagpapagaan ng bigat na nararamdaman ko. Kumpiyansa akong walang tao sa paligid. Ilang minuto na rin nang umalis si Axel. Wala na ito.