Axel's POV
Pag-uwi ko galing sa ospital ay dumeretso na ako sa bar ng restaurant sa resort. At agad nag-order ng wine sa bartender.
Marami rami ang customers ngayon dahil bakasyon.
"Here's your wine sir," anang bartender saka nilapag ang isang glasswine na may laman na.
Hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina. Sigurado ako si Erica ang nakita ko, ang katawan niya ang height niya lahat lahat, the way she walk, the way she stare Walang nagbago, and the kids. Ahh it's giving me headache. She's Erica but not Erica Dhana Hermés-Hill, she's an Alcantara. Kahit anong gawin kong titig hindi ako namamalikmata. But it seems that she doesn't know me.
Inisang lagok ko lang ang laman ng wineglass.
"One more." Utos ko sa bartender.
Agad naman niya akong binigyan ng isa pa at nilagok iyon.
"Insan!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.
Walang hiya talaga 'tong si Sunday, hindi man lang naisip na may mga tao itong mabubulabog sa sigaw niya, doctor ito pero kapag wala sa ospital, nagiging sira ulo and unprofessional ito.
Isang buwan simula nang pumunta ito dito sa isla at naki celebrate sa opening ng ospital at sa birthday ng kapatid ko, ay kahapon bigla itong bumalik at nagtrabaho pa sa ospital. Sabi nito broken hearted daw siya at kailangan niya ang ambiance ng isla para maka move on. Dahil 'yong long time crush niya raw na hinintay niyang ligawan siya ay niligawan ng iba. Kaya broken hearted kuno, hindi ko lang alam kong totoo. Dahil wala naman iyang pakialam sa babae. Kung totoo man, masyadong kumpyansa sa sarili dahil ang mga babae na mismo ang nanliligaw sa kanya. Iwan ko sa pinsan ko na 'yan, may sayad.
"Insan, guess what?" Anito ng makalapit at inakbayan ako.
"What?" Cold kong sabi. Saka bahagyang inilayo ko ang katawan sa kanya mula sa pagkakaakbay.
"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." Pa trill nitong sabi na nagpainis sa akin.
Kaya tinitigan ko siya ng masama.
"Isang glass ng brandy nga, e-charge mo na lang sa boss mo," sabi nito sa bartender.
"tsss."
"So ayon na nga, I saw your wife pre." Balita nito, kaya nag taas ako ng mukha.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"What?"
"I said I saw Erica at the hospital kanina, doctor ako ng anak niyang may sakit sa puso. Tsk. Kawawa nga iyong bata eh, he need an immediate operation." Pailing iling na saad nito.
Ibig sabihin tatlo ang anak niya? Oo tama sinabi niya kanina na baka hanapin siya ng isa pa niyang anak. Maybe, kamukha lang niya ang asawa ko.
" I saw her too."
"Huh talaga? So ano? " Interested nitong tanong.
Umiling lang ako. "She said she's Erica but she is not Hermés-Hill…"
"She's an Alcantara right?"
Tumango ako sa tinuran ni Sunday.
"At hindi niya ako kilala."
Narinig kong tumawa si Sunday.
"Paano ka makikilala kung sakali ngang asawa mo iyon kahit nga ako hindi kita nakilala agad no'ng umuwi ako ng pinas dahil diyan sa itsura mo pre. Balbas sarado ka." Natatawang saad nito.
Pinukulan ko lang siya ng masamang titig, pero hindi ito natinag. Tsk.
"Shut the fuck up!" Tanging sambit ko.
Kailangan kong makausap ulit ang babaeng iyon. Kailangan kong kompermahin kung hindi ba talaga siya ang asawa ko. Sana siya na lang ,sana hindi niya lang ako maalala dahil nagka amnesia siya, sana gano'n nga ang nangyari.
I miss her badly. When I saw that lady kanina, gusto ko siyang yakapin, lalo na nang haplusin ko ang mukha niya. She's really my wife, the way she talk, the way she stare, the way she walk all of her seems like my wife.
Paano kung siya nga pero may asawa na siyang iba. Kung anak ko 'yong mga bata kanina. How about 'yong bata na sinasabi niyang anak rin niya.
Ahhh bahala na. I need to confirm first kung siya ba talaga si Erica. Saka ko na iisipin ang iba.
Bumalik ako sa ospital para hanapin siya pero hindi ko na siya mahanap. Hinanap ko rin 'yong batang naka confine kaso hindi ko naman mahagilap. Hindi na kasi ako nagtanong kay Sunday dahil may emergency operation siya sa ospital na iyon.
Kaya umuwi ako ng resort na laglag ang balikat. Sinubukan ko ulit kinabukasan pero hindi natuloy dahil masyadong busy ang resort dahil sa dami ng guess. May mga natanggal pang workers dahil sa katamaran at ngayon ay kulang na ang resort ng tao. Lalo na sa restaurant.
"Magpaskel ka ng Job hiring sa labas ng resort." Utos ko sa manager ng resort.
"Yes sir," anito. Saka lumabas na ng opisina.
Nakatambak na ang mga papeles sa executive table ko dahil hindi ko nagagawa ng ilang araw.
Nandito rin ang mga papelis mula sa ACH EMPIRE na kailangan kong permahan as an owner. Kaya tambak ako ng trabaho ngayong araw.
Kailangan kong bilisan ito dahil babalik ako sa ospital I want to see her again. Kailangan ko siyang makausap.
Shit! Hindi ako makapag fucos dahil sa kakaisip.
Tumayo ako at walang ano ano'y tinalikuran ko ang tambak na documents at humakbang palabas ng opisina. Bakit ko nga ba uunahin kung may mas importante pa sa mga papel na iyon.
Dumeretso ako sa parking space kung nasaan ang kotse ko at sumakay na sa kotse ko, at pinaharorot ng takbo.
Hindi naman kalayuan ang ospital sa resort kaya madali lang akong nakarating. Agad kong hinanap ang ward ng anak nito, nang patungo na sana ako sa isang room ay nakita ko siyang papalabas. Hindi na ako nag isip at sinugud ko na ito saka niyakap.
Alam kong nagulat siya pero, sabik akong mayakap siya. Medyo natuwa ako ng hindi ito nanlaban. Hindi ito gumalaw.
Naramdaman ko pa ang malakas na tibok ng puso ng babae.
Maya maya ay bigla niya akong tinulak ng marahil ay naka bawi ito sa pagkabigla dahil sa pag yakap ko.
"Ikaw na naman." Hindi tanong iyon hindi rin iyon pasigaw kun'di hinahon lang pero may laman iyong inis.
"I'm sorry I just hmm.. I just want to…"
"I'm not your wife Mr. who you are. So please leave me alone." Pilit ang boses nitong nagpakahinahon.
Hindi ko mapigilang masaktan, dahil sa pambabalewala nito. Kahit saang anggulo ko tingnan, asawa ko ang nakikita ko. Kahit anong suot nito, nararamdaman ko ang asawa ko.
"Please, Erica makinig ka, baka maalala mo ako kung ipapaalala ko sa'yo." Hindi ko mapigilan ang pag piyok ng boses. Shit!
I darn miss her so much.
Nakita ko siyang pumikit. Saka humakbang para lampasan ako. Pero maagap kong hinawakan ang braso niya.
"Ano ba!" Galit na na sabi nito. Saka binawi ang kamay nitong hawak ko.
Pareho rin ang expression ng mukha nito kapag nagagalit. She's really my wife.
"Can you just listen? Please honey."
Napaawang ang bibig niya ng banggitin ko ang huling sinabi ko.
"Honey?"
Umiling siya saka umatras.
"Hinanap kita, halos mabaliw ako sa paghahanap sa'yo maniwala ka. Please." Inabot ko ulit ang kamay niya pero mabilis niya itong itinago sa likuran niya.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Can you please stop bothering me! May kailangan akong gawin na mas importante kaysa sa pakikipag usap ng kung ano ano sayo. You're crazy."
Erica's POV**
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Can you please stop bothering me! May kailangan akong gawin na mas importante kaysa sa pakikipag usap ng kung ano ano sayo. You're crazy." Sabi ko sa lalaki.
Mas lalo lang nitong ginugulo ang isip ko. Ni hindi na nga ako makatulog ng maayos dahil sa pinagsasabi nito. What if may masamang balak siya sa akin? But, what if he is telling me the truth?
"Yes, maybe I am." Yumuko ito sa mga sandaling iyon.
At napatigil ako ng makita ko ang mga luha nitong bumagsak. Saka tumitig sa akin ang hilam nitong mata. Our eyes lock for a moment. I saw the sincerity of those eyes.
Nakaramdam ako ng habag rito. What if asawa ko nga siya?
"Erica, it's me Axel please remember me, sabi mo makakalimutan man ako ng isip mo pero hindi ng puso mo…"
"Stop!" Pigil ko sa iba pa sanang sasabihin nito.
Saka sunod sunod na bumagsak ang luha ko na hindi ko alam kung bakit.
Bumalik sa akin ang alaala nang gabing iyon. That accident, I remember those lines from me. Paano ko nga ba makakalimutan iyon kung pati sa panaginip pinapaalala ang pangyayaring iyon.
Pero as I see him. Hindi naman ito ang lalaki sa panaginip ko. I may not see his face dahil blurry iyon pero alam kong hindi siya ang asawa ko. Hindi ko alam, naguguluhan ako.
Nasapo ko ang ulo ko ng sumakit iyon, this happened all the time kapag pinilit kong alalahanin lahat.
Naramdaman ko ang yakap ng lalaki na noo'y nasa harap ko, masarap sa pakiramdam ang yakap na iyon. Napapanatag ang pakiramdam ko, pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig niya. Pero, merong bahagi ng utak na nagsasabi na huwag akong maniwala dahil baka palabas lang ang lahat ng ginagawa niya pero ang totoo ay may masama itong balak.
"Please honey, remember me, please. Hirap na hirap na ako, miss na miss na kita." Bulong nito.
Napakagat labi ako dahil sa sinabi niya Napapikit ako, I am longing for this familiar hug.
Hindi. No. Hindi ako dapat magpadala dahil hindi ko siya kilala. Nagdadalawang isip akong paniwalaan siya.
Itinulak ko na sana siya, pero matigas siya.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Pilit kong siyang tinulak pero mas lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin.
"Bitawan mo siya!" Isang boses ang umalingawngaw sa hallway ng ospital. It's James.
Mabilis ako nitong hinila. Nabitawan ako ng lalaki, saka naman ito sinugod ni James at sinuntok.
Bumagsak ito sa sahig at pumutok ang labi. Pero hindi ito nagtangkang lumaban. Tumayo lang ito na laglag ang mga balikat.
Susugurin na sana ulit iyon ni James pero pinigilan ko siya
"James tama na!"
"Ayos ka lang?" Buong pag-aalalang tanong nito sa akin.
Sa halip na sagutin ko siya ay tiningnan ko lang siya ng masama saka tinalikuran ito.
Naramdaman ko naman ang pag sunod nito sa akin.
"Eca," tawag nito sa akin.
Huminto ako at humarap sa kanya, isang malutong na sampal ang ginawad ko sa kanya.
"Bakit?"
"Bakit mo siya sinuntok?" Galit na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nagalit ng suntukin ni James ang lalaking nagpakilalang Axel.
"Hinaras ka kasi niya," anito.
Hindi ako nakapag salita, hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumalikod lang ako, saka naglakad.
May isa pa akong problema kaya 'yon ang uunahin ko. Lalabas na si Jayve bukas at kailangan ko ng pera. Kahit naman na libre ang ward dito ay nagbabayad pa rin naman ako ng doctor's fee para sa doctor na nagmomonitor sa kanya. At may hospital fee rin kailangan bayaran pero maliit lang naman.
Iyon dapat ang pinuproblema ko eh.
Kaya umuwi ako ng bahay para ihanda ang naipon ko sa alkansya. Inipon ko iyon for emergency purpose, at magagamit ko na iyon. Si Edward muna ang naiwan sa ospital para mag bantay kay Jayvee, habang si nanay ang nagbabantay sa kambal. Si tatay naman ay pumalaot para may ipangdagdag sa bayarin.
Binilang ko ang pera matapos kong basagin ang piggy bank.
Napabuntong hininga ako dahil hindi sapat iyon. Nakuha ko pa ang isang libo kahapon para sa gamot ni Jayve.
Kailangan kong dagdagan ito.
Lumabas ako ng kuwarto para hanapin ang kambal. Nakita ko silang naglalaro sa labas sa likod ng bahay habang si nanay abala sa pagkuha ng mga gulay marahil ibebenta niya iyon.
Lumapit ako sa mga anak ko, nang mapansin ako ay malapad ang ngiti na sumilay sa mga labi nito na nagpagaan ng loob ko.
Lumapit sila at yumakap sa akin, hinalikan ko silang dalawa sa pisngi.
Nakakawala ng pagod pag ganitong may mga cute sa chikiting na yumayakap at humahalik sa sa'yo. 'Yong tipong pagod ka pero parang magic na bigla na lang nawala. Pati badvibes na wala, how powerful kids is.
"Mommy? Where is Jayve po?" Tanong ni Alexa. They missed Jayvee, I know.
"He is still in the hospital recovering," sagot ko.
"When will he come home Mom we miss him." Malungkot na saad ni Eric.
"Don't worry he'll be home tomorrow, okay? "
Sabay naman na tumango ang dalawa. Saka ngumiti ulit.
"Yeheey!" Sabay na sigaw ng dalawa dahil sa tuwa. They really love Jayvee so much. Hindi sila mapakali kapag nawala ang isa sa kanilang tatlo.
"'Nay, ako na diyan magpahinga na po kayo." Sabi ko sa matanda na sumulyap lang sa akin. At pinagpatuloy ang ginagawa.
"Naku ikaw ang magpahinga dahil alam kong puyat ka." Anito habang patuloy pa rin sa pagkuha ng sitaw.
"'Nay, mahina na po kayo kaya kayo dapat ang mag pahinga."
"Anong mahina. Kaya ko pa ngang kargahin ang dalawang iyan eh, mahina ba 'yon?" Amuse nitong saad
"Si Nanay talaga. Halika na po. Mamaya na 'yan." Hindi na ito nagpapilit pa at lumapit na ito bitbit ang isang palangganang maliit na may lamang sitaw.
"Dami mong harvest ngayon, 'Nay ah." Sabi ko ng silipin ang laman niyon.
"Aba'y dapat lang na damihan, para may pambayad tayo sa ospital."
"Naku 'Nay 'wag ka ng masyadong ma stress ako na po ang bahala huh?" Sabi ko saka inakay ko na siya patungo sa loob ng bahay. Ang kambal ay nauna na rin sa loob.
"Ikaw talagang bata ka, inaako mo na lahat."
Natawa na lang ang ako sa tinuran nito.