Share

Kabanata 1

Author: Raw Ra Quinn
last update Last Updated: 2025-05-20 10:52:21

Jessa's POV

"BAKA nagsasawa na sa 'yo?" mahinang bulong ni Emma sa kanya. Dumukwang pa ito sa mesa.

Inis na itinulak niya ang mukha nito palayo sa kanya. Naasar na inirapan niya ito. Nginisihan naman siya ng bruha.

Mas lalo niya tuloy nami-miss si Mina.

"Baka busy lang," ani naman ni Elizabeth na naupo sa katabi niyang bakanteng upuan.

Ito ang may-ari ng coffee shop na kinaroroonan nila. Nakakatawang isipin na pagkatapos ng lahat nang nangyari noong college heto sila ngayon, magkakasama sa iisang lugar at nagkukuwentuhan.

Naging ka-close niya na ang dalawa dahil na rin kay Xyrius. Madalas siyang isama ni Xyrius sa gimmick ng mga ito.

Girlfriend ni Gareth si Elizabeth na kabarkada nila Xyrius  habang sabit naman sa grupo si Emma.

Noong una naiilang siyang kasama ang dalawa. Sino ba namang hindi? Eh, pareho niyang nakaaway ang mga ito.

"Oo nga, baka busy... sa iba..." pang-aasar pa rin ni Emma sa kanya.

Napailing na lang siya. Siguro kung hindi niya alam na patay na patay ito kay Ycos iisipin niyang may gusto pa rin ito sa asawa niya.

Pero nakita niya kung paano ito umiyak at maghabol kay Ycos. Alam niya na hindi pa rin ito nakaka-move on sa lalaki kahit mukhang bumalik na ito sa normal.

"By the way, when is your flight to New York?" baling ni Emma kay Elizabeth.

Lihim siyang nagpasamat kaunti na lang kasi mapipikon na siya kay Emma.

"The day after tomorrow," sagot ni Elizabeth at mahinhing humigop ng tsaa.

Isang fashion model si Elizabeth ng isang sikat na magazine. May gagawin itong pictorial para sa bagong trend na ilalabas ngayong taon.

Saglit namang nag-isip si Emma. "Kasama mo si X?"

Napakunot naman ang noo ni Elizabeth at pati na rin siya.

"Of course not. Ano namang gagawin ni X do'n?" balik tanong din ni Elizabeth sabay sulyap sa kanya.

Nagtatakang napatingin din siya kay Emma.

Nagkibit-balikat naman ito. "Pinakialamanan ko ang planner ni X nang ihatid ko yung mga papers na pinabibigay ni Daddy. Nakita ko papunta siya sa New York," paliwanag nito.

Mas lalo naman nagsalubong ang kilay niya. Wala siyang alam na may balak umalis ang asawa niya lalo na at ang lumabas ng ibang bansa!

"Sigurado ka ba?" Nagdududang tinignan niya si Emma.

"Yup! I also asked him, sabi niya dalawa sila ni Gareth na magkasabay na aalis. I thought isasabay na nila si Eli."

"Gareth has no plan leaving the country or coming with me either," tutol ni Eli. "Mag-uumpisa na ang merging ng mga kompanya at kailangan siya ro'n."

Natahimik naman siya. Mas lalo namang wala siyang alam.

TULALA siya habang nakaupo sa dining table at inaantay ang asawa.

Nakahanda na ang mesa pati na ang mga pagkain. Inantay niya talaga si Xyrius dahil gusto niya itong makausap.

"Ma'am, nandiyan na po si Sir," pagbibigay imporma ng katulong.

"Okay."

Hinintay niya na makapasok si Xyrius sa dining. Ilang araw na silang hindi nagkakasabay sa hapunan dahil madalas na gabing-gabi na ito kung umuwi.

Tinawagan niya lang ito kanina at binilinan na umuwi ng maaga dahil naghanda siya ng hapunan nila.

Mukhang wala pa itong balak pumayag kanina kung hindi lang siya nagbanta rito. Nasasaktan siya habang pinipilit itong maghapunan sila ng sabay.

Lalo tuloy siyang naiinis. Gustong-gusto niya na itong tanungin sa telepono kanina pero nagpigil siya. Gusto niyang sa personal ito komprontahin para makita niya ang reaksiyon nito.

"Hi," bati ni Xyrius at dumukwang pa para halikan siya sa pisngi.

"Hi..." ganting bati niya. Walang gana kagaya ng wala ring ganang pagbati nito sa kanya.

"Mmmm... Ang bango, ikaw ba lahat nagluto nito?" anito na halatang naiilang sa kanya.

At kailan pa nailang si Xyrius sa kanya? Nitong nakalipas na ilang linggo lang! Parang bigla-bigla nagbago ang asawa niya sa kanya.

Dalawang taon na silang kasal. At kahit na noong nag-aaral siya at pareho silang nagiging busy dahil sa mga schedule nila, kahit kailan hindi naging ganito ang samahan nila.

"Oo, sino pa ba?" sarkastikong sagot niya pero mukhang pinalampas lang nito.

Agad na itong naupo. Ibinaba lang nito ang briefcase nito sa gilid ng dining saka naupo na at nilantakan ang pagkain.

Mukha namang talagang ganado ito sa pagkain o umiiwas lang na kausapin siya?

"Na-miss ko 'to!" anito nang sumubo ng chicken pastel.

"Ilang araw ka ba namang hindi kumakain ng dinner dito e, for sure na-miss mo nga 'yan," pasaring niya.

Mukha namang tinalaban ang magaling na lalaki.

"I'm sorry, babe, I... I just got busy this past few days..." hinging paumanhin nito at ginagap ang kamay niya.

May dalawang bagay na ikinainit ng ulo niya.

Una, kailan pa nito naisipang tawagin siyang babe?

Pangalawa, days! Sa bibig na nito mismo nanggaling na days pa lang itong busy pero halos two weeks na itong nanlalamig.

"May babae ka ba, Xyrius?" Seryosong tinitigan niya ito sa mga mata.

Ngumisi ito na lalong kinaasar niya.

"Yes," walang kagatol-gatol na pag-amin nito.

Halos malaglag ang panga niya sa pag-amin ni Xyrius pero bago pa niya ito mabato ng plato niya tumayo na ito at niyakap siya mula sa likuran.

"Ikaw. Ikaw ang babae ko," bulong nito sa tainga niya.

Humigpit ang yakap nito mula sa likuran niya at ibinaon nito ang mukha sa leeg niya.

"I'm sorry, doll, kung hindi kita naasikaso nitong mga nakaraan-"

"X..." putol niya sa sasabihin nito. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang braso nito na nakapulupot sa leeg niya. "Hindi mo lang naman ako sa hindi naaasikaso e, ilang araw ka ng hindi tumatabi sa akin sa pagtulog, hindi ka rin sumasabay sa breakfast at miski ngayon, kung hindi pa ako nagalit kanina hindi ka mapipilitang umuwi at sabayan akong kumain. Lagi rin kitang nakikita sa library mo na umiinom ng alak at mukhang problemadong-problemado." Nilingon niya ito. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Xyrius, n-nagsasawa ka na ba sa akin? G-Gusto ko na ba akong hiwalayan?" parang may bikig sa lalamunan niya nang sabihin niya iyon. Pinipigil niya lang ang mga luha upang hindi bumagsak.

Isipin pa lang iyon ang dahilan nito parang gusto na niyang magwala.

"No, no, of course not." Pumunta sa harap niya si Xyrius at lumuhod. "I love you, doll, alam mo naman kung gaano ako kabaliw sa 'yo di ba?"

"Yun na nga e, ang alam ko nga mahal mo 'ko pero bakit gano'n? bakit ka lumalayo sa akin ng hindi ko alam kung anong dahilan?" Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Nasasaktan ako sa mga nangyayari kasi wala naman akong maisip na dahilan para magalit ka sa akin o kung galit ka ba sa akin? Galit ka ba, X?"

Umiling ito.

"Eh, bakit nga gano'n? Ano 'yon? Trip mo lang na hindi na ako pansinin? Gusto mo lang naiparamdam sa akin na hindi mo na ako mahal? Na hindi na ako mahalaga sa 'yo?"

"That's not--"

"Eh ano nga?!" nafu-frustate na tanong niya dito. Hindi na niya napigilan pagbuhos ng emosyon niya. Sa loob ng dalawang linggong kinikimkim niya ang sama ng loob kay Xyrius. Iniyak niya nang iniyak dito ang sama ng loob niya.

Kinabig naman siya nito at mahigpit na niyakap.

"I'm sorry, doll..." tila hirap na hirap din ang kalooban nito nang sabihin iyon.

At mas lalo siyang naiyak dahil nagso-sorry ito pero ayaw namang sabihin ang dahilan.

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Katapusan

    Xyrius' POV"Damn..." he was breathless. Looking at his three pups. All fricking boys. Nakaramdam siya ng pagka-proud sa sarili habang masuyong pinagmamasdan ang mga anak niya sa nursery room. Anak niya. Fuck! Tatay na siyang talaga.Saglit na may humaplos sa kanyang puso. He was a father, before. Naalala niya si Clyde at ang anak nila ni Giselle na hindi man lang nasilayan ang mundo. Lima na sana. At puro lalaki pa. Makakabuo na siya ng isang basketball team kung nabuhay ang dalawang naunang anak niya.Lumunok siya para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. Wherever his son's was alam niyang masaya ang mga ito ngayon dahil masaya siya habang nakatingin sa mga anak niya.

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 39

    Jessa'sPOV"Nag-almusal ka na ba?" tanong niya kay Xyrius na tila nagulat sa biglaan niyang pagtatanong.Agad na nagliwanag ang nga mata nito at mabilis na umiling."I wait for you for you to wake up," anito.Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Ito rin ang naghain sa lamesa.Tumingin naman siya sa wallclock. Alas nueve na ng umaga, napasarap kasi ang tulog niya dahil mas malamig na ang simoy ng hangin dahil nag-umpisa na ang bermonths."Bakit hi

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 38

    Jessa's POV"HINDI ko alam..." anas niya. Nilunok niya ang bikig sa kanyang lalamunan. Kanina pa iyon kasabay ng paninikip ng dibdib niya at ang masaganang pag-agos ng kanyang luha habang isinasalaysay ni Seth ang lahat ng nangyari kay Xyrius sa Manila simula ng umalis siya.Hindi siya mapakali ng malaman na wala na si Clyde. Hindi niya magawang tanungin si Xyrius dahil nailang siyang lapitan ito.Para kasing biglang may pader na inilagay si Xyrius sa pagitan nilang dalawa. Naglagay ito ng harang para hindi niya ungkatin ang nangyari kay Clyde. Hindi niya alam ang tunay na rason pero may ideya na siya.Kaya nagpasya siyang tawagan si Seth,

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 37

    Xyrius' POV"THIS IS for Clyde," ani ni Giselle habang dahan-dahan itong naghuhubad sa harapan niya. Nag-iwas siya ng tingin at mahigpit na naikuyom niya ang kamao.Don't let me die, daddy...Parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Clyde. Napakainosente pero puno ng pakiusap.Gusto niyang ibigay kahit ang kalahati ng buhay niya madugtungan lang ang buhay nito. Mapagbigyan niya lang ang hiling nito.Pero kahit maglumuhod siya hindi niya madudugtungan ang buhay ng anak niya kung wala siyang gagawin.At ito ang pa

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 35

    Jessa's POVPINIPILIT niyang iwasan si Xyrius. Madalas na hindi siya sumabay sa pagkain at nagpapahatid na lang ng pagkain sa kuwarto niya. Ayaw niyang makita ito dahil wala siyang tiwala sa sarili niya.Nahahalata naman iyon ni Xyrius kaya madalas na nasa labas lang ito ng bahay, tumutulong sa pagsisibak at pagtatanim ng halaman.Gusto niya na lang matawa minsan dahil alam naman niyang hindi ito sanay sa mga ganoong gawain pero nagtitiyaga pa rin ito. Mukha tuloy probinsiyanong nanliligaw si Xyrius dahil sa mga ginagawa nito."Bakit ba hindi mo pa kausapin ang asawa m

  • SHATTERED HEARTS (tagalog)   Kabanata 36

    Jessa's POVBUMANGON siya sa pagkakahiga. Kanina pa siya paikot-ikot sa higaan niya. Hindi siya dalawin ng antok dahil iniisip niya si Xyrius. Ala-una na kasi ng madaling araw pero hindi pa rin ito pumapasok sa kuwarto. Siya na nga ang naglatag ng comporter sa sahig na tinutulugan nito.Nagpasya na lang siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Medyo madilim na dahil sa kusina na lang bukas ang ilaw.Madilim na sa sala pero tanaw niya ang kumot at unan na nasa sofa. Nagtataka man hindi niya na lang iyon pinansin at tumuloy na sa kusina."Sorry," hinging paumahin ni Xyrius ng magkasalubong sila sa kusina. Papalabas ito haban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status