Share

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS SERIES #1)
SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS SERIES #1)
Author: jazlee_JLMA

PROLOGUE

PROLOGUE

"Nasan si bunso?"

Rinig kong tanong ni Mommy kay Manang.

Nagtatago ako ngayon sa ilalim ng kama para maka-iwas sa pagtatali sakin ni Mommy sa buhok ko.

Kasama ngayon ni Mommy sina Ate at Kuya Rafa para tulungan si Mommy sa pagtatali sakin. Sabi ni Mommy ang likot ko daw talian? Eh ayaw ko nga ng may tali ang buhok eh?

"Bunso labas kana.."

Sabi ni Mommy habang binubuksan ang aparador ko.

"Bunso, labas na... Nandito na si Ate"

Sabi ni Ate habang hinahanap naman ako sa CR ng kwarto ko.

Natawa ako ng mahina pero napatigil at napasigaw ako ng may humila sa paa ko palabas sa pinagtataguan ko.

"Huli ka!"

Natatawang sabi ni Kuya habang karga Ako na parang sako ng bigas sa balikat nya.

Binaba at inupo ako ni Kuya sa upuan sa harap ng salamin. Tinawag nya naman si Mommy at Ate.

"Mommy!, Tine! Nakita ko na si Bunso! "

Sigaw ni Kuya habang mahigpit ang kapit sakin. Dumating naman si Mommy na naka-ngisi at Ganon din si Ate.

"Hawakan nyo na si Bunso at ako na ang bahala sa buhok nya.."

Utos ni Mommy sa kanila kaya hinawakan naman nina Kuya at Ate ang magkabilang braso ko. Panay ang pumiglas ko hanggang sa matapos si Mommy sa pagtali ng buhok ko.

"Ikaw 4 years old ka palang ang kulit kulit mo na.." pinisil ni Mommy ang pisnge ko.

"Mommy, Meron po bang 4 years old na hindi makulit?" Tanong ko kay Mommy.

Natawa naman sila sa tanong ko bago nila ako ayain bumaba para kumain na ng agahan.

Kumain lang kami ng agahan. Ako ang naunang natapos na kumain kaya lumabas ako para makipaglaro sa mga kaibigan ko.

Pero naalala ko nga pala na nasa school pala sila. Kaya lumabas na lang ako ng bahay at naglibot-libot.

Habang naglalakad ako ay napa-tingin ako sa di kalayuan dahil may nakikita akong tao na nakayuko sa puno.

Lumapit ako sa kanya at Doon ko narinig ang hikbi nya. Kaya mas lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ang ulo nya.

Napa-tingin naman sya sakin.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status