Share

Chapter 65 - bliss

NATATAWA si Athrun habang pinanonood si Safhire na hinahabol ng palo ng tennis racket sina Ramses at Raxiine. Kinulit na naman marahil ng dalawa ang dalaga tulad nang nakagawian ng mga ito noon.

Namumula na ang pisngi ni Safhire, namimilog ang mga mata at ilong at nanunulis ang mga nguso sa galit. Minumura ang dalawang lalaki na walang tigil sa kahahalakhak. Maya-maya pa ay dumating si Rowena. Sinaway ang dalawa. Tulad ng dati, to the rescue agad ito kapag kinukulit ng boys si Shannon noon.

Pero sa halip na makinig ay isinali ng dalawa ang mayordoma sa kulitan. Umalis si Rowena at nang bumalik ay may dalang pamalo. Bat ng baseball. Naging apat na tuloy ang naghahabulan sa loob ng tennis court.

Lalong natawa si Athrun mula sa kinaroroonang terrace sa second floor ng mansion. Unti-unti nang bumabalik ang dating atmosphere roon kagaya noong kasama nila ang dalagitang si Shannon na ngayon ay dalagang-dalaga na.

Thank you, Ray...everything is falling into place right now because of you.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status