MasukKael
Ipinako ko ang aking tingin sa bintana ng aking sasakyan habang binabaybay namin ang kahabaan ng EDSA. Maaga akong umalis sa mansyon kaninang madaling-araw. Pagkatapos ng nangyari kagabi, kailangan kong lumayo sandali. Kailangan kong bawiin ang kontrol sa sarili ko na tila ba unti-unting nadudurog dahil lang sa ilang patak ng dugo mula sa binti ng babaeng iyon.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng Santander Tower, ang pag-aari kong limampung palapag na building sa puso ng Makati. Ito ang sentro ng aking imperyo, kung saan naroon ang iba’t iba kong negosyo—mula sa shipping lines, real estate, hanggang sa mga kumpanyang humahawak ng pananalapi. Here, I am the one who makes the rules. There is no room for emotions in this place.
“Good morning, Sir Kael,” bati ng aking sekretarya nang makapasok ako sa boardroom sa pinakatuktok na palapag.
Tumango lang ako at naupo sa dulo ng mahabang mesa. Dalawang oras ng sunod-sunod na presentation tungkol sa mga kita at mga bagong investment. Seryoso ako, malamig, at walang pinapalampas na kahit munting pagkakamali ng mga board members. Ngunit sa likod ng aking mga mata, may isang mukhang patuloy na sumasagi sa isipan ko.
Si Elora. Ang kaniyang mga mata na puno ng poot at pagkadismaya habang ginagamot ko siya kagabi.
Matapos ang meeting, naiwan ako mag-isa sa aking malawak na opisina. Umupo ako sa aking swivel chair at bahagyang hinarap ang malalaking glass window na nakatanaw sa buong lungsod. Doon ko naalala ang lalaking dahilan kung bakit nasa akin ang kaniyang asawa.
Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si Marco, ang pinagkakatiwalaan kong tauhan pagdating sa mga maruruming trabaho at paniningil ng utang.
“Marco,” malamig kong panimula nang sumagot ito. “Kamusta ang paghahanap kay Gabriel?”
“Sir Kael, nasa radar pa rin natin siya. Mukhang nagtatago sa isang mamahaling condo sa BGC,” ulat ni Marco as kabilang linya.
Isang mapait na ngisi ang sumilay sa aking mga labi. “Good. Sabihin mo sa kaniya, tapos na ang palugit. Hawak ko ang asawa niya bilang kolateral, ngunit hindi sapat ang isang pinalaking prinsesa para sa limampung bilyon. He still owes me another twenty-five billion pesos. I intend to collect that debt from him starting now.”
“Masusunod, Sir. Pero may isa pa po akong natuklasan habang binabantayan ang mga accounts at galaw niya nitong mga nakaraang araw,” seryosong dagdag ni Marco. Nagbago ang tono ng kaniyang boses, tila ba may mabigat itong ibabalita.
“What is it?” tanong ko habang pinaglalaruan ang isang mamahaling ballpen sa aking mesa.
“Tungkol po sa kasal nila ni Elora. Bago pa man ang gabing ibinenta niya ang asawa niya sa inyo, nalaman kong matagal nang plano ni Gabriel ang lahat. Hindi siya biglang nagipit dahil sa sugal o bigong negosyo noong gabing iyon tulad ng sinabi niya sa inyo.”
Napatigil ang aking kamay sa pag-ikot ng ballpen. Bahagyang kumunot ang aking noo. “What do you mean?”
“Sir, may mga dokumento akong nakuha mula sa isang dummy account na hawak ni Gabriel. Dalawang buwan bago ang kasal, nalaman niyang pabagsak na ang kaniyang kumpanya at wala na silang makukuhang pera rito. Kaya pumayag ang loko na pakasalan niya si Elora para lang din sa pera. Matapos ang kasal, nang mag-merge na ang dalawang kumpanyang pagmamay-ari ng mga Samonte at sa pamilya ni Gabriel, nag-transfer na siya ng bilyon-bilyong piso sa isang offshore account sa Switzerland sa ilalim ng pangalan ng kaniyang mistress.”
Dito na tuluyang nag-igting ang aking panga. Ang aking malamig na mukha ay napalitan ng matinding interes, kasunod ng isang hindi maipaliwanag na galit na biglang sumiklab sa aking dibdib.
“Mistress?” mariin kong ulit.
“Opo, Sir Kael. May iba siyang babae. Ginamit niya lang si Elora para makuha ang tiwala ng mga investor at para magkaroon ng dahilan na magkaroon ng pera sa pangalan ng babae niya. At ang pinakamatindi...buntis pa ang babaeng ito at balak nilang tumakas papuntang Europa kapag nakakuha na sila ng pagkakataon.”
Ibinaba ko ang hawak kong ballpen. Ang aking paningin ay naging mas matalim pa sa patalim. Kaya pala. Kaya pala ganoon na lamang kadali kay Gabriel na iwan at ipagpalit ang kaniyang asawa sa akin noong gabing iyon.
Walang kahit anong bahid ng pagsisisi o takot sa kaniyang mga mata nang pirmahan niya ang kasunduan. Dahil sa simula pa lang, basura na ang tingin niya kay Elora—isang pain para makuha ang yaman nito, habang ang tunay niyang buhay ay nakalaan na sa ibang babae.
I remembered Elora’s tears from last night—the raw pain in her voice, laced with bitterness, as she wondered if Gabriel was somehow trying to find a way to buy her freedom. She was still crying for a man who had abandoned her, a man who had not only turned his back on her but had deliberately plotted her downfall. And somehow, knowing that hurt more than I wanted to admit.
Napakalaking tanga, bulong ng isang bahagi ng isip ko.
Ngunit kasabay nito, may kakaibang pakiramdam na gumapang sa aking sistema. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit para sa kaniya. Dapat ay wala akong pakialam kung niloko man siya ng asawa niya. Ang mahalaga sa akin ay makuha ang pera ko. Pero ang katotohanan na ang isang Elora—na may matitigas na prinsipyo at nagpupumiglas sa aking mansyon—ay ginawa lang na laruan ng isang walang kwentang lalaki, ay nagpapakulo ng dugo ko.
“Sir Kael? Ano pong gagawin natin?” untag ni Marco sa kabilang linya.
Tumayo ako mula sa aking upuan at lumapit muli sa bintana, nakatingin sa naglalakihang mga gusali ng Maynila. Ang aking boses ay bumalik sa pagiging seryoso, ngunit may kasama na itong bagsik.
“Huwag mo munang gagalawin si Gabriel. Bantayan mo lang ang bawat kilos niya at siguraduhing hindi siya makakaalis ng bansa,” utos ko. “Gusto kong ako mismo ang humarap sa kaniya kapag siningil ko ang dalawampu’t limang bilyon.”
“Masusunod, Sir.”
Ibinaba ko ang telepono. Isang malamig na ngisi ang sumilay sa aking mga labi habang naiisip ko ang susunod kong pagbabalik sa mansyon. Not just that, something came to my mind. Isang plano na talagang hindi matatanggihan ni Elora.
Elora...kung alam mo lang kung gaano kawalang-kwenta ang lalaking pinakasalan mo.
Ibinaba ko ang aking telepono matapos ang pag-uusap namin ni Marco. Nanatili akong nakatayo sa harap ng malaking glass window ng aking opisina, nakatanaw sa nagtataasang gusali ng Makati habang pilit na inaalis sa aking isipan ang mukha ni Elora.
Gabriel, napakagago mo, sa loob-loob ko. Hindi ko lubos maisip kung paano nakuha ng lalaking iyon na ibenta ang sariling asawa para lang sa isang mistress at sa perang kinuha niya mula sa pamilya ni Elora.
Bago ko pa man tuluyang mabalot ng galit ang aking sistema, biglang bumukas ang p***o ng aking opisina nang walang katok. Awtomatikong kumunot ang aking noo. Walang sinuman ang may karapatang pumasok dito nang basta-basta—maliban sa isang tao.
“Surprise, babe!”
Isang matinis at pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong silid. Pumasok si Shaira, ang aking girlfriend, dala ang kaniyang marangyang aura. Naka-designer dress siya, may suot na mamahaling sunglasses na agad niyang isinabit sa kaniyang mamahaling bag, at may bitbit na ngiti na tila ba pag-aari niya ang buong Santander Tower. Mukhang kararating lang niya mula sa ibang bansa, at tulad ng dati, hindi man lang niya ako sinabihan.
“Shaira,” tipid kong bati habang pinapanatili ang aking malamig at seryosong mukha. “I thought you weren’t coming back from New York until next month?”
“I missed you so much, Kael! That’s why I took an earlier flight. God, it’s scorching hot here in the Philippines, and the traffic outside is absolutely insane!” maarte niyang reklamo habang naglalakad palapit sa akin. Umikot ang kaniyang mga mata habang tinitingnan ang paligid ng opisina ko. “You’re still working so hard. You didn’t even bother to pick me up at the airport.”
“How was I supposed to know? You surprised me.”
We’ve been together for almost three years now, yet she spends most of her time in the United States, pursuing her modeling career and indulging in a life of luxury. She’s always coming and going, always demanding, always expecting things to go her way. Sa loob ng tatlong taon na iyon, maraming beses na niyang ipinahiwatig—o mas tamang sabihin, hayagang hiningi—na magpakasal na kami. Sabik na sabik na siyang matali sa akin at maging Mrs. Santander.
But the reason I have never given her my heart is painfully simple—there is a truth she has never known, a truth I have kept buried for years. No matter how long we’ve been together, no matter how much she has given me, I have never truly loved her. Not the way she believes I do. Not even close. Ang relasyon namin ay nagsimula dahil sa estado sa lipunan at sa hiling ng aming mga pamilya, ngunit walang lalim.
“I have a lot of meetings today, Shaira. You should have called,” seryoso kong sabi habang dahan-dahang humahakbang pabalik sa aking lamesa.
“Oh, come on, Kael. It’s your girlfriend’s homecoming. Hahayaan mo ba talaga akong maupo lang dito at panoorin kang magtrabaho?” Sumunod siya sa akin at hinawakan ang aking magkabilang balikat. Bago ko pa man siya mapigilan, pilit niyang iniharap ang mukha ko sa kaniya at idinampi ang kaniyang mga labi sa akin.
Hinalikan niya ako nang may pagnanasa, ang kaniyang mga kamay ay dumaan sa aking batok. Ngunit habang ginagawa niya iyon, wala akong maramdaman. Walang kislap, walang emosyon, walang kahit anong init. Para lamang akong humaharap sa isang pader. Madalas akong umiwas sa mga ganitong pisikal na tagpo sa kaniya dahil alam kong nagpapanggap lang ako. Sa pagkakataong ito, dahan-dahan kong inilayo ang aking mukha at hinawakan ang kaniyang mga kamay upang patigilin siya.
“Shaira, we’re at my office,” mariin kong saway, pinapanatili ang pagiging malamig.
“You're always like that! Napakalamig mo,” pagmamaktol niya, sabay upo sa mahaba at mamahaling sofa na nasa gilid ng aking opisina. Tinapik niya ang espasyo sa kaniyang tabi. “Come here, babe. Just for a moment. Give me some attention.”
Huminga ako nang malalim. Upang maiwasan ang mas mahabang pag-aaway at drama, naglakad ako patungo sa sofa at naupo sa tabi niya. Agad namang kumilos siya upang sumampa sa mga hita ko. Kumandong siya, isinandal ang kaniyang katawan sa aking dibdib habang ang kaniyang mga daliri ay naglalaro sa butones ng aking polo shirt.
“You know, babe, my mom is already asking about our wedding plans. Sabi ko sa kaniya, maybe late this year or early next year? I want a grand wedding in Europe. What do you think?” bulong niya habang mas lalo pang lumalapit ang kaniyang mukha sa leeg ko, malinaw ang intensyon na landiin ako at kunin ang aking atensyon sa pamamagitan ng kaniyang katawan.
Bumaba ang kaniyang mga halik sa aking panga. Nanatili akong tuwid, ang aking mga kamay ay nakalagay lang sa kaniyang baywang ngunit walang sapat na higpit o tugon. Ang utak ko ay tila lumilipad pabalik sa mansyon sa probinsya.
Naalala ko ang nanginginig na katawan ni Elora kagabi, ang kaniyang balat na malamig dahil sa ulan, at kung paano ko siya binuhat pabalik sa loob. Ang isiping iyon ay nagdulot ng mas malaking tensyon sa akin kaysa sa panggaganyak na ginagawa ngayon ng sarili kong girlfriend.
Bago pa man mas lalong lumalim ang ginagawa ni Shaira, biglang gumaralgal ang aking telepono na nasa ibabaw ng lamesa. Ang tunog nito ay tila isang malaking pambasag sa eksena.
“Huwag mo nang sagutin ‘yan, babe...” reklamo ni Shaira, sinusubukang abutin ang leeg ko para sa isa pang halik.
Ngunit nang sulyapan ko ang screen, nakita ko ang pangalan ni Marco. Hindi tumatawag si Marco maliban na lang kung may emergency o may hindi magandang nangyayari sa mga ari-arian ko.
“Sandali lang,” malamig kong sabi kay Shaira habang marahan ko siyang itinulak paupo sa sofa upang makatayo ako. Bakas ang matinding inis sa kaniyang mukha nang inayos niya ang kaniyang gulo-gulong buhok.
Dinampot ko ang telepono at mabilis na sumagot. “Ano ‘yon, Marco?”
“Sir Kael...” Ang boses ni Marco sa kabilang linya ay puno ng kaba at seryosong tono. “Patawad po sa pag-abala, pero tumawag po ang isa sa mga bantay sa mansyon.”
“Bakit? Ano’ng nangyari?” Bahagyang tumigas ang aking boses, at ang aking paningin ay awtomatikong dumilim. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Elora. Nakatakas ba siya ulit? Lumala ba ang sugat niya?
“Sir, pumunta po sa mansyon ang kapatid ninyo...si Sir Theo,” ulat ni Marco. “Nalaman po namin na pumasok siya sa loob, at may ginagawa siyang hindi maganda ngayon sa mansyon. Hindi po siya mapigilan ng mga tauhan dahil kapatid ninyo siya.”
Sa isang saglit, nabalot ng nag-aapoy na galit ang buong katawan ko. Si Theo. Ang aking iresponsable at sakit sa ulong kapatid na walang ibang alam kung ‘di ang manggulo at kumuha ng mga bagay na hindi sa kaniya. Ang malaman na naroon siya sa teritoryo ko, sa mansyon kung saan naroon si Elora, ay nagpabaligtad sa aking sikmura sa matinding poot.
“Ihanda mo ang sasakyan, Marco. Ngayon din,” utos ko sa isang boses na parang galing sa ilalim ng lupa, puno ng pamatay na awtoridad.
“Masusunod, Sir.”
Ibinaba ko ang telepono at mabilis na kinuha ang aking suit jacket na nakasabit sa upuan. Binalingan ko si Shaira na ngayon ay nakatayo na rin, salubong ang mga kilay at halatang galit dahil sa pagkaantala ng kaniyang plano.
“Kael! Where are you going? I just got here, and you’re already leaving me?!” isinigaw niya, nagtatampisaw ang kaniyang pagiging maarte at demanding.
“I have an emergency at the mansion. Go home for now, Shaira. I’ll talk to you once I’ve taken care of this,” walang emosyon kong sagot habang mabilis na naglalakad patungo sa p***o na hindi ko man lang siya nilingon.
Ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang mabilis na pagbabalik sa mansyon. Kung anuman ang ginagawa ni Theo doon, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang pagtapak sa aking teritoryo.
EloraHumarap ako sa malaking salaming nakadikit sa pader ng aking master’s bedroom sa loob ng penthouse. Tapos na ang halos dalawang oras na pag-aayos sa akin ng pinagkakatiwalaang glam team na inilaan ni Kael para sa hapon na ito. Tinitigan ko ang aking sariling repleksyon, at sa unang pagkakataon, hindi ko na nakita ang nanghihina, umiiyak, at basag na Elora Samonte.Suot ko ang isang napakarangya ngunit pormal na emerald green na designer power suit. Ang tela nito ay mabigat, seryoso, at yakap na yakap ang aking katawan, na may natural na awtoridad. Pinadisenyo ito ni Kael para sa akin—isang kulay na malayo sa tradisyunal na puti ng isang bride, dahil alam naming dalawa na ang pagiging asawa ko ay hindi simbolo ng masayang panimula, kung ‘di isang kasunduan ng digmaan.My hair was tightly tied into a ponytail, and my lips were painted in a dark red lipstick that seemed to mirror the darkness gathering inside me. The woman who had once been vulnerable was nowhere to be found. In he
EloraNakatayo ako sa harap ng napakalawak na glass window ng penthouse sa pinakatuktok ng Santander Tower. Tanaw ko mula rito ang naglalakihang mga ilaw ng lungsod na tila ba mga bituing bumagsak sa lupa, ngunit wala akong maramdaman na kahit anong pagkamangha.Ilang linggo na ang nakalilipas mula nang ibenta ako ni Gabriel, at ngayong araw, nakatali na ang aking bagong pangalan sa lalaking bumili sa akin. Ang marangyang penthouse na ito ay minimalistiko, moderno, at napakalinis—isang perpektong repleksyon ng malamig na pagkatao ng aking bagong asawa.“Have a sit, Elora.”Ang malamig at masungit na boses ni Kael mula sa aking likuran ang bumasag sa aking malalim na pag-iisip. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko siyang nakaupo sa isang mahabang leather sofa sa gitna ng sala, inaayos ang kaniyang kuwelyo habang may mga papeles na nakalatag sa ibabaw ng kristal na lamesa. Lumakad ako patungo sa kaniya at naupo sa tapat niyang silya, pinapanatili ang katigasan ng aking mukha.“Now th
TheoIbinagsak ko ang kristal na baso sa ibabaw ng mahogany desk sa loob ng sala ng aking pribadong villa rito sa Tagaytay. Ang tunog ng pagkabagok ng baso ay umalingawngaw sa buong silid, kasunod ng marahas na pagbuhos ng alak sa aking mga daliri.Hinawakan ko ang aking kanang panga. Masakit pa rin. Kumikirot pa rin ang latay ng matinding suntok na ibinigay sa akin ng magaling kong kuya—si Kael Santander—noong gabing mabulabog ko ang kaniyang mansyon sa probinsya. Ngunit mas masakit sa aking panga ang matinding kahihiyan at inggit na lumalamon sa aking buong pagkatao ngayon.“Theo... kailangan natin ng panibagong paraan o plano. Hindi pwedeng ganito na lang!”Nilingon ko ang lalaking pabalik-balik na naglalakad sa harap ng aking fireplace—si Gabriel Monteverde. Kung noong mga nakaraang buwan ay mukha siyang isang mayaman at seryosong negosyante mula sa mayayamang angkan sa Maynila, ngayon ay mukha na lamang siyang isang basang sisiw na natakasan ng kaniyang sariling katinuan.Ang kan
Naramdaman ko ang marahas na panginginig ng mga tuhod ko. Ang alaala ng gabing iniwan niya ako sa hotel suite, ang pait ng kaniyang pagtataksil, at ang mukha ng kaniyang mistress sa mga larawan ay sabay-sabay na sumabog sa aking isipan.Ang lahat ng sakit na aking iniyakan sa loob ng dalawang linggo sa probinsya ay biglang nagbago ng anyo. Hindi na ito kahinaan. Ito ay naging isang nag-uunahang agos ng purong poot. Subalit bago pa man ako tuluyang manghina, naramdaman ko ang lalong paghigpit ng hawak ni Kael sa aking kamay. Ang kaniyang init ay tila ba naging isang invisible na pader na nagbigay sa akin ng lakas upang tumayo nang tuwid.Humakbang si Gabriel palapit sa amin. Ang kaniyang mga hakbang ay gulo-gulo, mabilis, at halatang natataranta. Ang kaniyang mga mata ay nagpalipat-lipat sa aking puting satin dress at sa matikas na mukha ng lalaking kasama ko.“E-Elora...” pautal-utal niyang sambit, ang kaniyang boses ay nanginginig nang tuluyan niya
EloraAlas-nuebe ng umaga nang huminto ang aming convoy sa tapat ng isang marangyang five-star hotel sa gitna ng lungsod ng Makati. Ang ulan mula sa probinsya na sumubok sa aking katapangan kagabi ay napalitan ng pamilyar na mausok, maingay, at nagmamadaling sikat ng araw sa lugar na ito, ngunit ang lamig sa loob ng sasakyan ay nanatili hanggang sa huling sandali ng biyahe namin.Pagkababa namin, mabilis kaming pinaligiran ng mga piling tauhan ni Kael. Ang iba sa kanila ay nanatili sa labas ng hotel, mga matang alerto at nagmamasid sa bawat sulok ng paligid, habang ang iba naman ay tahimik ngunit mabilis na sumunod sa aming likuran papasok sa pribado at eksklusibong elevator.Naalala ko na naman ang hotel kung saan idinaos ang kasal ko noong gabing iyon at sa tuwing naaalala ko ang sandaling iyon, purong pait lang ang unti-unting sumasaksak sa dibdib. Hindi ito ang hotel kung saan ginanap ang kasal namin ni Gabriel pero mahirap pa rin isipin na sa pangalawang pagkakataon ay ikakasal a
GabrielIpinako ko ang aking paningin sa naglalakihang mga ilaw ng lungsod habang inihahanda ko ang aking sarili para sa susunod na malaking hakbang. Ang bawat segundo ng katahimikan sa loob ng aking penthouse rito sa Bonifacio Global City ay tila ba nagpapatibay sa aking paniniwala na ako ang pinakamatalinong lalaki sa mundong ito. Nakasandal ako sa marangyang leather sofa, dahan-dahang hinihithit ang aking mamahaling tabako, habang ang isang mapait at mayabang na ngisi ay hindi maalis sa aking mga labi.The taste of victory is incredibly sweet when you know you’ve outmaneuvered the most formidable businessman in the entire country. For the first time, I wasn’t the one being chased—I was the one leading the game. And the best part? He never once thought I was capable of beating him. Hinding-hindi ako papayag na alipustahin mo ako, Kael.“Babe, ano’ng iniisip mo?” Isang malambot at mainit na kamay ang marahang humaplos sa aking balikat mula sa likuran. Lumingon ako at nakita ko ang ma







