TWENTY FIVE
NANATILI siyang nakayakap rito habang karga - karga pa rin siya nito. Naghahabol pa rin siya ng kanyang paghinga sa mga oras na iyon dahil napagod siya sa pag - abot nila pareho ng kasukdulan nila. Maging ito ay hindi rin gumalaw at nanatili lamang itong ganoon hanggang sa naramdaman na lamang niya na naglakad ito habang buhat - buhat siya.
Magka - hugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa kabila na naabot na nila ng minsan ang rurok ng kaligayahan.
Hindi siya nagreklamo bagkus ay nanatili lamang siyang tahimik at yumakap pa rito pagkatapos ay isinandal ang kanyang ulo sa balikat nito.
Ipinikit niya ang kanyang mga ma
TWENTY SIXNAGISING siya na magaan ang pakiramdam na akala mo nawala lahat ng pinoproblema niya ng mga oras na iyon.Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ang hindi na naman pamilyar na silid ang kinagisingan niya pero hindi katulad ng dati na naramdaman niya ay hindi na siya ganun na kinabahan pa pagkagising niya.Napayuko siya sa kanyang sarili, nakakumot na siya ngunit wala pa rin siyang saplot. Napalingon siya sa kanyang tabi, wala na ito roon ngunit bakas pa rin ang ulo nito sa pinag unanan nito. Kinuha niya ang unan at inamoy, naiwan doon ang mabangong amoy ng shampoo nito. Kaya napapikit siya habang inaamoy amoy iyon.Ilang sandali siyang nasa ganung posisyon na nasa ibabaw niya ang unan at hawak - hawak niya. Hanggang sa ibinaba na niyang muli ito sa tabi niya. Kinusot - kusot niya muna ang kanyang mga
TWENTY SEVENILANG saglit itong natahimik at hindi nagsalita pagkatapos ay muling lumingon sa kanya."Someday malalaman mo rin ang lahat." At muli ay tumalikod na ito at tuluyan ng iniwan siyang nakatayo doon. Pinanuod niya lamang na papalayo itong naglalakad papasok sa bahay.Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nito? Ibig sabihin ay hindi lang ang pagkakautang ng kanyang mga magulang ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon?Napapaisip tuloy siya kung ano nga ba talaga ang totoong dahilan nito. Nasisiguro niyang may mas malalim pang dahilan kung bakit siya nasa islang iyon ngayon.Natigi
TWENTY EIGHTNAKATITIG si Addie sa likod ni Manang Cita habang nagluluto. Hindi siya umalis doon kahit pa pinapaakyat siya nito sa kanyang silid at sinabing tatawagin na lamang kapag nakaluto na ito. Umupo lamang siya doon at pinapanuod ito sa kanyang pagluluto.Habang naghahanda ito ng mga iluluto ay humarap ito sa kanya."Ilang taon kana hija?" Biglang tanong nito na sinulyapan lamang siya at pagkatapos ay muling itinuon ang pansin sa mga hinihiwang gulay na iluluto nito.Nagulat siya sa tanong nito, hindi niya inaasahan na magtatanong ito tungkol sa kanya.
TWENTY NINENAKATITIG siya sa kanyang kisame, kanina niya pa gustong matulog ngunit hindi siya dalawin ng antok.Nananatili pa rin sa kanyang isip ang mga kwento ni Manang Cita kaninang umaga, hindi niya alam pero parang nagiging mas curious pa siya sa kwento nito.Kaninang umaga na tinawag nito ang matanda upang makipag - usap ay hindi na niya ito muling nakita pa. Tanging si Manang Cita na lamang ang nakita niyang bumalik galing sa labas at wala ito, kaya sa pagkakaalam niya wala ito sa isla.Kung ano man ang pinag - usapan ng mga ito ay siguradong napakaseryoso nito dahil ayaw pa nitong iparinig kung ano man ang pinag - us
THIRTYHALOS humagulgol na siya dahil sa ginawa nitong pagdagan sa kanya. Hindi siya makagalaw, dahil sa halos pigilan nito ang kamay at ang paa niya. Nawalan siya ng laya upang makapanlaban sa ginagawa nito sa kanya. Walang patid ang pagtulo ng luha niya. Natatakot siya sa kung ano ang pwede nitong gawin sa kanya."Please..." Pagmamakaawa niya rito habang umiiyak pero tila wala itong naririnig bagkus ay inilapit nito ang mukha nito sa kanyang tenga at ito ang dahilan kung bakit nagtayuan ang lahat ng balahibo niya. Ramdam na ramdam niya ang paghinga nito doon.Napapikit siya ng mariin dahil naramdaman niya ang tungki ng ilong nito sa leeg niya at tila inaamoy siya. Halos
THIRTY ONEHINDI maipinta ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Sa tagal na niyang nandito sa isla ay ngayon niya lamang nakita ang ganito nitong itsura.Ang mga mata nito ay punong-puno ng galit. Nakakuyom din ang mga kamay nito. Ang mga ugat nito sa kanyang noo ay nagsisilabasan.He's angry. Hindi lang basta ito galit kundi galit na galit.Bigla nanaman niyang naramdaman ang kaba sa kanyang dibdib. Tila may mga kabayo na nagtatakbuhan sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon.Muli ang pagbaluktot niya sa kama, hindi niya matagalan ang mga titig nito. Parang napapaso
THIRTY TWOHALOS ayaw dumilat ng kanyang mga mata ng magising siya. Ramdam na ramdam niya ang pamumugto nito dahil sa walang tigil niyang pag - iyak kagabi. Hindi niya na rin alam kung anong oras na siya nakatulog o kung anong oras na siya tumigil sa pag - iyak. Pero sa pagkakaalam niya ay nakatulugan na lamang niya iyon.Hindi niya pa rin matanggap ang mga nalaman niya. Ayaw niyang maniwala na kayang gawin iyon ng mga magulang niya. Hindi magagawa ng mga ito ang ibinibintang nito sa mga ito.Kaya napaiyak na lamang siya ng napaiyak kagabi. Gulong - gulo ang isip niya dahil sa mga nalalaman niya, sa mga sinasabi nito at sa galit na alam niyang sobra sobra para sa mga magulang niya.
THIRTY THREEPAGKABABA niya sa kusina ay wala siyang taong nadatnan kahit isa man lang. Maging si Manang Cita ay wala sa salas, kaya dumiretso na lamang siya sa kusina. Noon niya lamang naramdaman ang pagkalam ng tiyan niya. Hindi pa pala siya kumakain mula kagabi pa dahil mas pinili na lamang niya ang nagkulong at nag - isip ng mga bagay bagay.Naghanap siya ng pwede niyang makakain doon at ng may mahanap siya ay mabilis siyang umupo sa hapag kainan at nag - umpisa ng kumain. Noon niya lang naramdaman ang sobrang pagkagutom niya dahil hindi pa nga pala siya kumakain simula kagabi pa kaya hindi na niya namamalayan na napadami na pala ang kain niya.Halos hindi na siya makahinga sa labis na kabusugan. Hi