Share

Chapter 50 FINALE

BHELLE:

KABADO ako habang hinihintay si Tyrone dito sa loob ng tent namin dito sa may burol. Kung saan kami noon nagtungo at buong pusong inialay ko sa kanya ang katawan ko. Dito din sa burol na 'to nagsumpaan kami na magmamahalan kami hanggang dulo. At dito din siya. . . nangako kasabay ng pagsuot niya ng promise ring sa kamay ko na makakaasa ako sa pagmamahal niya sa akin. Saksi ang burol na ito sa naging pagmamahalan namin ni Tyrone mula umpisa. Kaya naman malaking puwang ang lugar na 'to sa aming dalawa.

Binili na nga ito ni Tyrone at planong dito magtayo ng bahay namin. Nangako siyang tutuparin namin ang mga pangarap namin noon. Kung saan dito kami sa probinsya mamumuhay ng simple kasama ang bubuoin naming pamilya.

Hindi ko mailarawan ang sayang nadarama ko. Bukas pa ang kasal namin pero pakiramdam ko ay ganap na akong Mrs Del Mundo. Iisipin ko pa lang ang bagay na iyon ay 'di ko mapigilang kiligin na sa wakas ay. . . magiging akin na si Tyrone ng buong-buo. At sobrang saya ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status