로그인"Diego-" hindi ko natapos ang aking sasabihin sana dahil mas nagimbal ako nang makita ko ang ginagawa nila na tanging ginagawa lamang ng mag-asawa.
"oh, shit!" malutong na mura nito nang makita akong nakatayo sa may pinto. Nakita ko pa kung papaano nitong itinulak ang babae kaya nahulog ito sa kama. "What the hell!-" anas ng babae na. Lumingon ito sa aking gawi at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Ipinaglipat ko ang aking mga mata sa kanilang dalawa. Ngayon nagmamadaling isinuot ni Diego ang kanyang salawal at humarap sa akin. "It's not what you think, okay?" anas nito sa nagsusumamong tinig. Nakatingin lamang ako dito ng walang ekspresyon. Malinaw na sa akin na malabong mahalin ako nito dahil sa sobrnag napakabata ko pa. Ang sabi ko naman hintayin niya ako. Ngunit kung sasaya siya sa piling ni Annabelle ay pakakawalan ko na siya sa puso ko. Kahit pa masakit at mahirap para sa akin. This is my first heart break and probably my last. Parang ayaw ko na tuloy mag ka bf dahil masakit pala ang masaktan. "I hate you, Diego! I hate you!" malakas na hiyaw ko dito at nagtatakbo na palabas ng opisina nito. Narinig ko pang tinawG nito ang aking pangalan ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Wala ng dahilan pa para magpaalam sa kanya. Sapat na ang nakita kong kahit kailan ay hindi magiging kami. Ipagpapatuloy ko na lamang ang aking pag-aaral. Susundin ko na lamang ang payo sa akin ng aking kuya Rex na sa U.K na magtatapos ng medisina. Alam kong ginagawa lahat ng ito ng aking kuya para sa kapakanan ko. Alam kong napapagod na din ito dahil sa dami ng problemang inaayos nito. Idagdag pa ang pagkamatay ng aming mga magulang. Na ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay posibleng sinadya ang pagkakamatay nila. Alam kong hindi titigil si kuya Rex mahanap lamang ang mga taong sangkot sa pagkawala nila mom and dad. If I could have all the strength and connections, I would be the one to find who the culprit is. Pasasaan ba't malalaman din ang katotohanan. "Kuya, I want to fly to the U.K now, please" I told kuya over the phone. Ipinahanda ko na rin kay nana ang mga kakailangan namin sa ibang bansa. Mabuti na lamang at may passport na ako dahil madalas naman kaming lumabas ng bansa upang magbakasyon. "okay, I'll let the pilots know that you're flying today. I'm sorry, I won't be there with you. But, I promise, it will be over soon" anas ng aking kapatid. Ramdam ko ang pag-aalala nito base sa tinig niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit palagi itong nag-aalala sa aking kaligtasan gayong wala naman kaming kaaway. Hindi naman nagtagal ang aming pag-uusap. Hindi na ako dumiretso pa sa aming bahay. Inihatid na lamang ako ni manong sa mismong private plane na gagamitin namin ni nana. Mabilis talagang kumilos ang mga tauhan ni kuya kaya nakarating kaagad si nana dito sa mismong plane. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na itong lumipad patungong ibang bansa. Kakalimutan ko na ang mga bagay na nangyari sa bansang ito. Doon magkakaroon ako ng mga kaibigan, ng mga bagong kaklase, at bagong kapaligiran. I wonder what it feels like living in the UK. I hope people are kind and pleasant to talk to. Malungkot kong tiningnan ang parang langgang na view ng Pilipinas mula sa himpapawid. Ibabaon ko na sa limot ang pag-ibig ko sayo Diego. Sana hindi na tayo magkita pang muli. Pero nagpapasalamat ako dahil sa maiksing panahong nasilayan kita ay naging masaya naman ako. Doon ko naramdaman ang tinatawang nilang puppy love. Puppy love nga lang siguro ito. Labis lamang akong humanga sa kanya. Siguro dahil mas nahanap ko sa kanya ang brother figure or baka nga mahal ko talaga siya. Ano nga bang alam ko sa pag ibig gayong I'm only 14. I immediately closed the window cover and put on my headphones. Napagdesisyunan kong makinig na lamang ng soft music. Dahil mahaba haba pa ang biyahe namin. Nakatulog na rin si Nana sa aking tabi. I smiled at her sleep. Napaka swerte ko pa rin pala dahil kahit wala na sila mom and dad ay may nagmamahal pa rin sa akin. Aaminin ko hindi ganun kadali ang lahat. I am still in the process of moving forward. Hindi siya madali. Sobrang hirap. Gabi gabi ko pa rin silang naaalala at gabi gabi pa rin akong nalulungkot. Mabuti na lamang at hindi ako iniiwan ni nana sa aking tabi. She's always by my side to make me feel that I am not alone. The incident has been etched in me. Pero alam kong mkakaya ko din itong malagpasan. At 14, I have already matured at mas nilalawakan ko ang aking pang unawa sa mga bagay-bagay. Sa totoo lang, I never had the chance to have friends in the Philippines. Dahil ang tingin sa akin ng mga tao, nakatataas because of my surname. Hindi nila alam, I am also like them. I am longing for a friend which I hope I get to find. These past few days and months, I feel like all my energy has been drained dahil na rin siguro sa mga sunod sunod na mabibigat na kaganapan sa aming buhay. Of course mamimiss ko pa ring ang Pilipinas. Mamimiss ko pa rin ang aming mga kasambahay, they are my family. Malungkot nga sila noong ipinagpaalam ako na ako ni nana sa kanila na doon na kami sa UK maninirahan. I hope by the time it comes na babalik kami ng pinas, they're still there. Sa ngayon, I need to pursue my dreams. I want to be the best consultant and surgeon in the country. This is for you folks. I'll be away for a very long time. I took a deep breath and gently lied down. I want to sleep. Mahaba pa ang biyahe. Besides we own this plane so I am sure we will arrive there safely. I closed my eyes and fell asleep.RICO's POV "Boss mukhang may sumusunod ho sa atin" anas ng aking tauhan. Mabilis akong tumingin sa side mirror ng sasakyan at sa rear view mirror. Kumpirmado nga may isang nakamotor na sumusunod sa amin. "Sige. Makipaglaro tayo sa kanya" utos ko sa aking tauhan na agad naman nilang sinang ayunan. Mabilis na kinabig ng aking driver ang sasakyan patungo sa kaliwa. Hanggang sa magpagewang gewang aking sasakyan. Bigla namang bumagal ang takbo ng motorsiklo sa aming likuran. Tinapik ko ang aking drayber upang bagalan din ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ng dalawang mga mata ko na tumigil ito sa gitnang daan. Nakasuot ito ng itim na helmet ngunit ang ayos nito ay napaka elegante dahil sa suot nitong dress. "Iatras mo ang sasakyan at lumapit sa nakahimpil na motorsiklo. Ihanda ninyo ang inyong mga armas at timbrihan ang ilang mga tauhan" maawtoridad kong utos sa mga ito na agad naman nilang sinunod. Nang makalapit kami sa motorsiklong may sakay na babaeng rider ay agad kon
"Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa napakahalagang gabing ito" malawak ang pagkakangiti ni madam AB habang binibigkas ang mga katagang iyon. Ano kayang mahalagang announcement ang kanyang sasabihin at halos lahat ng bisita niya ay mga naglalakihang tao sa business world. "As you can see, matagal na panahon rin ang iginugol ko upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Hindi ko man siya nakasama ng lubusan ngunit ama ko pa rin naman siya. Siguro kung nabubuhay lamang si Daddy Enrico, malamang matutuwa iyon" naikuyom ko na lamang ang aking kamao sa aking mga narinig. Nag ngingitngit ang kalooban ko sa galit dahil napakasinungaling ng taong ito. Napakahusay ring umarte dahil mas pinalamlam nito ang kanyang mga mata upang mas lalong mamangha at kaawaan siya ng mga taong nandito. Para bang naghahanap ng simpatya. "Ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan at pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Hindi ko pa rin kasi nahahanap ang aking mga half siblings, ang aking
Abala ang lahat ng mga tao dito sa bahay dahil nagsisidatingan na ang ilan sa mga bisita ni madam AB. Mayroon raw itong iaanunsiyong mahalagang impormasyon sa lahat ng panauhin. Halos mga bigatin ang narito. Napansin ko rin ang ilang mga investors sa sa kumpanya nila daddy. Nandito rin ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Abala ako ngayon sa paglalagay ng mga pagkain sa tray ng biglang may magsalita sa aking likuran. "Ah, miss. Magtatanong lang sana kung saan ang CR rito?" napalingon ako sa taong nagsalita. Nakasuot ito ng puting shirt habang mayroong dalawang strap na nasa ibabaw ng suot ng damit. Nakasukbit ang mga straps sa kanyang suot na black jeans. Ang kanyang mga mata ay may malabrown na kulay ngunit hindi kaguwapuhan. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nakalapat sa aking balikat. Napansin ko ang tattoo na kaperahas ng mga naunang miyembro ng Telapia Syndicate. Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang tama nga ang kutob ni Diego. Mabilis umandar ang aking isip
Matapos naming malinisan ang mga dapat linisan ay tinawag na kaming lahat upang humilera sa may living room. Nagtatakang napapatingin ako sa ibang mga kasambahay ng isa-isa silang kapkapakan ng babaeng tauhan ni madam AB. May nakasukbit ring baril sa kanyang beywang at tila ngumunguya pa ng bubble gum. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pagkapkap nito dahil batid kong may kakaibang malisya ang kanyang ginagawa. Sa tingin ko ay hindi ito tunay na babae. Hindi naman ako kinakabahan o natatakot na baka makita nito ang itinago kong music box sa loob ng aking damit. Sinadya kong ilagay ito sa ilalim ng aking bra. Hindi naman kalakihan ang music box na iyon. Maliit lamang, paranh kahon lamang ng singsing, ngunit ang music box ko ay mas maliit pa sa kahon ng singsing. Ito ay napapalibutan ng iba't-ibang klase ng precious stones na sinadya pang ipagawa sa Africa. Dalawampu ang mga kasambahay na narito kasama kong nakatayo sa living room. Nasa ikatlong kasambahay pa lang ito. Rinig ko ang mal
Marahas akong napabuga ng hangin bago ininom ang alak sa aking baso. Hinahayaan ko lamang ang hangin na ilipad ang aking mumunting buhok na tumatabing sa aking mukha. "Ang lalim nun ah!" anas ni Tina habang papaupo sa bakanteng upuan dito sa veranda. Nandito kami ngayon sa Tagaytay dahil kailangan ko munang makapag-isip ng maayos. Mamaya maya ay babalik din ako sa isla Montefaldo. Tipid akong napangiti dito habang nilalaro ang bote ng alak sa aking kamay. Nakatayo ako ngayon sa may hand rail ng veranda habang ang aking mga kamay ay nakasandal dito. Napatingala ako sa kalangitan at ipinikit ang aking mga mata. "Bakit? Bakit hindi ko man lamang nalaman na mayroon pala kaming kapatid. Ang kapatid namin na siyang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang at nawala ang lahat lahat ng sa amin" turan ko habang nakapikit ang aking mga mata. Hinayaan ko lamang ang aking mga luha na dumaloy sa aking mukha. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Tina. Doon ako lalong humik
Mabilis kong inayos ang aking sarili at itinuon ang atensiyon sa babaeng sumasayaw sa aming harapan. Ngunit ang magaling na lalaki ay panay ang halik sa aking batok. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. Inalis na rin nito ang suot nitong bonnet. Mamaya ko na tatanungin kung anong ginagawa nito sa silid ni madam AB. "Mommy! Huwag kang mag-alala malapit na nating maubos ang pamilya De Guzman!" napatigil ako sa aking kinatatayuan. Para akong nanigas at hindi makagalaw. Sinong De Guzman? Kami ba ang tinutukoy nito? "Ngunit patawarin mo ako, mommy dahil nakatakas ang hayop na Rex na iyon! Huwag kang mag-alala dahil makukuha ko rin siya ulit. At ang kanyang kapatid na si Katrina? Malapit ko na rin siyang maging bihag." napakunot ako ng aking noo. Anong kinalaman ko at ng pamilya ko sa kanya? Bakit ganoon na lamang ang galit nito sa aming pamilya? "Kung hindi dahil sa tarantadong Enrico na iyon hindi magkakaganito ang aking buhay! Ikaw naman kasi, bakit ka pa pumatol sa kanya? Alam