Masuk"Katrina, ipapadala kita sa ibang bansa. I just can't look after you while I am managing the business. Alam mo naman siguro kung paano magpatakbo ng negosyo?" I looked at my brother in confusion. Bakit kailangan pa akong ipadala sa ibang bansa. Wala naman akong kakilala doon. Besides nandito naman si nana.
"kuya, why do I have to go to another country? Nana can surely take care of me while you're away" katwiran ko dito. Ngunit mas nagulat ako nang bigla na lamang niyang ibinagsak ang kanyang mga kubyertos at seryosong nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng takot. Hindi naman ganito ito dati e. My kuya Rex is the sweetest. Pero magmula nang mamatay ang aming mga magulang ay palagi na lamang mainit ang ulo nito. It's been months since they died, pero hindi ko na kailanman nakita pang ngumiti ang kuya ko. He's been going in and out of the country. Minsan nakikita ko itong nakatitig sa kawalan. "This is for your own good! Do as I say. Doon ka mag-aaral. Hindi ba at gusto mong mag doctor? Do it. Hindi kita hahadlangan sa mga pangarap mo. Just please, do as I say. I want the best for you" aniya ng may paki-usap. Naging maayos na rin ang awra nito na kaninang madilim. "O-okay, but can I take Nana with me?" "Good. Yes, nana will come with you" pagkasabi niyon ay tsaka siya lumisan sa hapag. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain dahil kanina pa akong nagugutom. I guess hindi ko na matatapos ang school year dahil kailangan ko nang umalis. Kuya just informed me na aalis na kami papuntang U.K in 3 days. Nakakagulat ang mga kaganapan. Sobrang bilis ng pangyayari. Kailangan ko na ring magpaalam kay Diego kahit sinaktan ako nito noon. Kailangan kong sabihin dito na hintayin niya ako ulit kahit mag gf siya ng marami basta kami ang end game. At hihintayin niya ako. I will marry him. Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa aking silid upang maligo. Hindi naman ako nagtagal sa pagliligo at hindi ko na rin kailangan pang pumasok sa school ngayon dahil naipagpaalam na ako ng aking kuya sa school's management na hindi na ako tutuloy sa pag-aaral. Aabutin ko ang mga pangarap ko at magiging isang tanyag na doktor ako hindi lamang sa Pilipinas. "Manong, can you drive me to The Monetenegro's law firm?" Araw kasi ng Lunes ngayon at alam kong nandun iyon ngayon sa kanilang firm. Hindi lang naman siya isang business tycoon kundi isa rin siyang abogado. Ewan ko ba bakit ang busy busy ng mga matatanda. Parang wala na silang araw ng pahinga. Hay, I don't want to be like them. Super busy parang wala ng time sa mga recreational activities. Mabuti na lamang at suportado na ako ng aking kuya ngayon sa field na napili ko. I just think that this is my true calling. Hindi naman nagtagal ang biyahe namin dahil maluwag ang kalsada. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa kanilang building. Kilala naman na ako ng mga guards dito at ibang mga employees. Dahil minsan na akong isinama ni mommy and daddy dito nung may meeting sila kay tito Arthur, na siyang attorney dito sa law firm nila. Napakayaman talaga ng mga Montenegro. Mas mayaman sila kaysa pamilya ko. Pero hindi rin naman nalalayo ang pangalan namin sa larangan ng business dahil matunog din ito sa buong bansa. "Hi. I am looking for Atty. Diego Montenegro. Is he here?" Magalang na tanong ko sa wari ko ay secretary nito. Nginitian naman ako nito ng matamis at itinuro sa akin ang way papunta sa kanyang pinakang opisina. "This way, ma'am" anas nito bago umalis. Marahas akong napabuntong hininga at mabilis na tinungo ang daan patungo sa kanyang opisina. Maraming mga cubicles ang nandito at pawang mga busy ang mga tao dito dahil sa mga tambak na paper works na nasa ibabaw ng kanilang mga mess. Halos hindi nga nila napansin ang aking pagdaan. Kibit balikat kong tinungo ang pinto ng office nito. I knocked twice as a sign of respect. Kahit pa magkaibigan ang pamilya namin ay kailangan ko pa rin itong igalang dahil nandito ako sa kanyang workplace where people look up to him. Pero walang sumasagot. Kumatok pa ako ng ilang beses ngunit wala talagang sumasagot. Kaya naman hindi na ako nakatiis dahil kailangan ko ng magpaalam dito. Kaya binuksan ang pinto. Mabuti na lamang at hindi nakalock. Pagpasok ko sa loob, puro mga libro ang aking nakikita. Sobrang dami namang libro dito. Binabasa kaya niya lahat ng ito? Pinadaan ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng mga libro sa bookshelf nito. Pagbaling ko sa kanyang upuan ay wala ni anino niya. Ngunit nandito ang kanyang coat. Saan kaya yun nagpunta. Maluwang ang kanyang office. Para lamang akong nasa isang kwarto dahil halos parang kwarto na ang laki ng kanyang opisina. His office speaks of power and intelligence. No wonder kaya isa siya sa mga sikat na abogado dito sa bansa dahil sa mga kasong naipapanalo niya. Hindi ko talaga siya makita. Naglakad ako patungo sa may pinakang loob ng opisina nito habang naglalakad ako ay nakakarinig ako ng mumunting tunog na hindi ko alam kung saan nang gagaling. Out of curiosity, I walked towards the noise. Hindi naman ako nabigo ng mahanap ko ang lugar na pinang gagalingan ng ingay na iyon. Naging mas malakas na nga lang ang mga halinghing ng taong wari mo'y nahihirapan. Mabilis na tumibok ang puso ko. Anong nangyayari? bakit may nahihirapan? okay lang ba si Diego? Nag-aalalang tanong ko sa aking isipan. Nasa harap na ako ng pinto ng mas inilapit ko pa ang aking tenga dito. "ahhhhhh shiiiitttt you're so huuge! ahhh" hiyaw ng tinig ng babae. Bakit may babae dito? "ahhhh ahhhh ahhh" malakas na hiyaw nito. May pinapahirapan ba si Diego? naku baka may sinasaktan siyang babae. "ahhhhhh fuck you Annabelle, shit ahhhh" malakas na mura ng boses na kilalang kilala ko, si Diego. Bigla kong natakpan ang aking bibig nang maalala ko ang pangalan ni Annabelle, walang iba kundi ang babaeng humalik dito. Baka nag aaway sila at pisikal na silang nagkakasakitan. Hindi na ako nag-isip pa at bigla kong binuksan ang pinto.RICO's POV "Boss mukhang may sumusunod ho sa atin" anas ng aking tauhan. Mabilis akong tumingin sa side mirror ng sasakyan at sa rear view mirror. Kumpirmado nga may isang nakamotor na sumusunod sa amin. "Sige. Makipaglaro tayo sa kanya" utos ko sa aking tauhan na agad naman nilang sinang ayunan. Mabilis na kinabig ng aking driver ang sasakyan patungo sa kaliwa. Hanggang sa magpagewang gewang aking sasakyan. Bigla namang bumagal ang takbo ng motorsiklo sa aming likuran. Tinapik ko ang aking drayber upang bagalan din ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ng dalawang mga mata ko na tumigil ito sa gitnang daan. Nakasuot ito ng itim na helmet ngunit ang ayos nito ay napaka elegante dahil sa suot nitong dress. "Iatras mo ang sasakyan at lumapit sa nakahimpil na motorsiklo. Ihanda ninyo ang inyong mga armas at timbrihan ang ilang mga tauhan" maawtoridad kong utos sa mga ito na agad naman nilang sinunod. Nang makalapit kami sa motorsiklong may sakay na babaeng rider ay agad kon
"Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa napakahalagang gabing ito" malawak ang pagkakangiti ni madam AB habang binibigkas ang mga katagang iyon. Ano kayang mahalagang announcement ang kanyang sasabihin at halos lahat ng bisita niya ay mga naglalakihang tao sa business world. "As you can see, matagal na panahon rin ang iginugol ko upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Hindi ko man siya nakasama ng lubusan ngunit ama ko pa rin naman siya. Siguro kung nabubuhay lamang si Daddy Enrico, malamang matutuwa iyon" naikuyom ko na lamang ang aking kamao sa aking mga narinig. Nag ngingitngit ang kalooban ko sa galit dahil napakasinungaling ng taong ito. Napakahusay ring umarte dahil mas pinalamlam nito ang kanyang mga mata upang mas lalong mamangha at kaawaan siya ng mga taong nandito. Para bang naghahanap ng simpatya. "Ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan at pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Hindi ko pa rin kasi nahahanap ang aking mga half siblings, ang aking
Abala ang lahat ng mga tao dito sa bahay dahil nagsisidatingan na ang ilan sa mga bisita ni madam AB. Mayroon raw itong iaanunsiyong mahalagang impormasyon sa lahat ng panauhin. Halos mga bigatin ang narito. Napansin ko rin ang ilang mga investors sa sa kumpanya nila daddy. Nandito rin ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Abala ako ngayon sa paglalagay ng mga pagkain sa tray ng biglang may magsalita sa aking likuran. "Ah, miss. Magtatanong lang sana kung saan ang CR rito?" napalingon ako sa taong nagsalita. Nakasuot ito ng puting shirt habang mayroong dalawang strap na nasa ibabaw ng suot ng damit. Nakasukbit ang mga straps sa kanyang suot na black jeans. Ang kanyang mga mata ay may malabrown na kulay ngunit hindi kaguwapuhan. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nakalapat sa aking balikat. Napansin ko ang tattoo na kaperahas ng mga naunang miyembro ng Telapia Syndicate. Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang tama nga ang kutob ni Diego. Mabilis umandar ang aking isip
Matapos naming malinisan ang mga dapat linisan ay tinawag na kaming lahat upang humilera sa may living room. Nagtatakang napapatingin ako sa ibang mga kasambahay ng isa-isa silang kapkapakan ng babaeng tauhan ni madam AB. May nakasukbit ring baril sa kanyang beywang at tila ngumunguya pa ng bubble gum. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pagkapkap nito dahil batid kong may kakaibang malisya ang kanyang ginagawa. Sa tingin ko ay hindi ito tunay na babae. Hindi naman ako kinakabahan o natatakot na baka makita nito ang itinago kong music box sa loob ng aking damit. Sinadya kong ilagay ito sa ilalim ng aking bra. Hindi naman kalakihan ang music box na iyon. Maliit lamang, paranh kahon lamang ng singsing, ngunit ang music box ko ay mas maliit pa sa kahon ng singsing. Ito ay napapalibutan ng iba't-ibang klase ng precious stones na sinadya pang ipagawa sa Africa. Dalawampu ang mga kasambahay na narito kasama kong nakatayo sa living room. Nasa ikatlong kasambahay pa lang ito. Rinig ko ang mal
Marahas akong napabuga ng hangin bago ininom ang alak sa aking baso. Hinahayaan ko lamang ang hangin na ilipad ang aking mumunting buhok na tumatabing sa aking mukha. "Ang lalim nun ah!" anas ni Tina habang papaupo sa bakanteng upuan dito sa veranda. Nandito kami ngayon sa Tagaytay dahil kailangan ko munang makapag-isip ng maayos. Mamaya maya ay babalik din ako sa isla Montefaldo. Tipid akong napangiti dito habang nilalaro ang bote ng alak sa aking kamay. Nakatayo ako ngayon sa may hand rail ng veranda habang ang aking mga kamay ay nakasandal dito. Napatingala ako sa kalangitan at ipinikit ang aking mga mata. "Bakit? Bakit hindi ko man lamang nalaman na mayroon pala kaming kapatid. Ang kapatid namin na siyang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang at nawala ang lahat lahat ng sa amin" turan ko habang nakapikit ang aking mga mata. Hinayaan ko lamang ang aking mga luha na dumaloy sa aking mukha. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Tina. Doon ako lalong humik
Mabilis kong inayos ang aking sarili at itinuon ang atensiyon sa babaeng sumasayaw sa aming harapan. Ngunit ang magaling na lalaki ay panay ang halik sa aking batok. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. Inalis na rin nito ang suot nitong bonnet. Mamaya ko na tatanungin kung anong ginagawa nito sa silid ni madam AB. "Mommy! Huwag kang mag-alala malapit na nating maubos ang pamilya De Guzman!" napatigil ako sa aking kinatatayuan. Para akong nanigas at hindi makagalaw. Sinong De Guzman? Kami ba ang tinutukoy nito? "Ngunit patawarin mo ako, mommy dahil nakatakas ang hayop na Rex na iyon! Huwag kang mag-alala dahil makukuha ko rin siya ulit. At ang kanyang kapatid na si Katrina? Malapit ko na rin siyang maging bihag." napakunot ako ng aking noo. Anong kinalaman ko at ng pamilya ko sa kanya? Bakit ganoon na lamang ang galit nito sa aming pamilya? "Kung hindi dahil sa tarantadong Enrico na iyon hindi magkakaganito ang aking buhay! Ikaw naman kasi, bakit ka pa pumatol sa kanya? Alam