Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang mamalagi kami dito sa UK. Marami ng nagbago. Marami na akong ipinagbago. After 10 long years, masasabi kong, I'm living the life I wanted.Tuluyan ko na ring naibaon sa limot ang mga masasamang ala-ala ng kahapon. Kahit sobrang hirap ng pinagdaanan ko, namin sa nakalipas na sampung taon. Mas hinubog ako ng panahon. Hinubog ako kung paano maging malakas, kung paano maging mahusay, at kung paano maging mabuting tao. Kung tatanungin ninyo kung naging doctor ba ako. Nag-aral ako ng pagmemedisina pero hindi ko natapos dahil tuluyan nang nalugi ang mga negosyong iniwan sa amin ng aming mga magulang. Kung paanong nangyari ang lahat ng iyon. Hindi ko alam. Wala akong alam. Wala akong ideya sa mga kaganapan sa Pilipinas. Nung nagkaroon ako ng pagkakataong bumangon, nagtrabaho ako ng nagtrabaho dahil wala kaming kakainin ni Nana Marie. Kahit hindi ako sanay sa mga gawaing bahay dahil may mga katulong kaming gumagawa noon, kinaya ko ang lahat. Hi
Terakhir Diperbarui : 2025-10-03 Baca selengkapnya