The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)

The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)

last updateLast Updated : 2025-08-22
By:  Olive EverlyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Lishana Lizvaha ay isang masayahin at chubby na babae na mahilig gumuhit ng makukulay na librong pambata. Isang araw, sapilitan siyang dinala ng kanyang mga kaibigan sa isang marangyang club. Ngunit imbes na sumayaw, nahulog ang atensyon ni Lishana o Lisha sa isang crossword puzzle sa dyaryo na nakita lamang niya sa isang sulok, na hindi naman sa kanya at hindi niya dapat kunin, hawakan o pakialamanan. Ang maliit na desisyong iyon ang naging daan para makilala niya si Trego, a gravely handsome mafia and classic toy collector. At first, everything went smoothly. The man was charming, despite his intimidating aura. But Lishana should’ve listened to her instincts that night. Because a few days later, Lishana Lizvaha vanished like smoke from a blazing fire; 'kidnapped' by the irresistible stranger named, Trego Gregory Braganza.

View More

Chapter 1

Chapter 1: As faithful as a dog

Chapter 1: As faithful as a dog

Trego's P.O.V.

BLINDING city lights, buzzing cars, evening breeze fans on my face. Rush hour is indeed the busiest and hellish hour of the day.

I was in deep thought when the recording played from a radio cassette, “Wala na nga tayong pera nagsasabong ka pa talaga?” A woman's furious voice erupted from it.

Her husband is a reckless gambler, I suppose. The man yelled back and said, “ano bang pakialam mo? Pera ko naman! Inaaway mo nanaman ako mula kanina kaya ako natatalo!”

Followed by continuous shouting, children crying, loud slams of wood and cracking glasses.

Lastly—

“Malas ka talagang babae ka. Hindi na lang sana ako umuwi, putangina!”

“Sandali lang, wala pang pangbaon ang mga bata. Please magbigay ka naman kahit konti,” even though I couldn’t see the woman, I guess she's begging on her knees.

Domestic violence is really everywhere, huh. 

And most of the cases are not documented or overlooked by the incompetent authorities.

I sat comfortably on the railings of this rooftop, while swinging my feet like a child. Tumingala ako sa langit hanggang sa matapos ang cassette player na magkwento. Ninamnam ko ang bawat salita at emosyong narinig ko mula dito.

It's exactly seven pm in the evening. I still have a few hours to wait.

Patiently.

Pinaikot ko muna ang tatlong magnetic rings sa aking mga daliring puno ng alikabok at amoy semento, habang kinakagat ang tip ng toothpick.

The clock ticks faster than yesterday. Hindi mo talaga mamalayan ang oras dahil nakakalibang panoorin at bilangin ang mga tao sa baba ng building hanggang sa halos lahat ng ilaw ay namamatay isa-isa.

I checked my tiny scurfa diver watch, and guess what? The time is, 0000 meaning in the civilian time conversion table it says, 'it's time to kill!"

Excitement and adrenaline starts to consume my veins.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bakal na harang at lumapit sa truck na kanina pa naka-park dito sa rooftop.

Paano ko ito naiangat dito? 

I have my ways and that's a secret.

Umakyat ako sa driver's seat at minaniobra eto paatras hanggang sa makarating malapit sa railings, tsaka ko ito tinigil. 

Bumaba ako ng sasakyan habang sumisipol-sipol na parang ibon, at dumeretso sa likod ng nasabing truck.

Walang alinlangan kong hinila ang mabigat at malaking cement mixer gamit lamang ng aking dalawang kamay. Wala naman itong  lamang semento, pero babae sa loob nito, meron. Isang babaeng walang malay at nakagapos ang mga kamay.

Tulog na tulog at—

Pira-piraso.

Dumungaw muna ako sa baba at naghintay ng isang graphite coloured Mercedes-Benz S-Class na may plakang XQZ 713.

Sakto namang papalapit na ito sa building kung saan ako naghihitay. Hindi ako kumurap, huminga, o kaya naman ay nakaramdam ng konsensya sa mga naiisip ko, at inilaglag ko na lang basta-basta ang cement mixer.

Without thinking twice or holding back.

At nahulog ito sa mismong magarang sasakyan.

Wasak na wasak ang ang Mercedes-Benz na siguradong lalagpas sa milyong piso. I slowly tilted my head and watched every pieces, every crumpled parts.

"Buhay pa kaya sila?" Inosenteng bulong ko sa aking sarili.

Maya-maya lang ay may mga dumating na ambulansya at mga police to examine the bodies.

Siguradong patay na ang babae pero...ang lalaki ay maingat na nilagay ba naman sa stretcher.

"Takte, may pag-asa pa atang mabuhay 'tong isang 'to," mabilis akong bumaba sa building, talon at takbo ang ginawa ko. Dahil hindi uso sa akin ang elevator at escalator kapag ganitong mga oras o panyayari.

Pinaandar ko agad ang aking Moto Guzzi Big bike at sinundan ang nasabing ambulansya. Pagkarating sa hospital maraming doctor at nurse na humarap at tumulong sa  kakarating lamang na duguang lalaki. 

Ano bang mas malala sa pusang may siyam na buhay? Si Cardo  o si batang Quiapo?

Sinundan ko ang lalaking naghihingalo sa stretcher with confident and determined big strides when someone familiar called out my name, "Trego?" 

Ah, I forgot, this is the Moschelli's hospital. An Italian Mafia organization that is one of our family's allies.

Doctor Nazareth Moschelli blocked my way and smiled, "magpapa-check up ka ba para malaman kung healthy pa ang sperms count mo?"

I tried to hold back my laugh. My expression remained blank, "Nah, I have some unfinished business" I said, popping the last word and his bubbly expression became stoic. Unreadable.

He understood.

I side-stepped but he mumbled words again, " I saw the bloody-soaked man earlier. Your intentions are good, but why not help your sister in managing your organisation first before hunting some rats alive?"

"Mind your own business, be faithful to your woman or else—you'll be blacklisted too, Nazar," I tapped his shoulder, coolly.

Pero hindi pa lang ako nakakalayo, may sermon nanaman siya, "Trego Gregory, I'll cover you up with this one basta huwag kang mandadamay ng babae."

Doctor Nazareth and his rules again.

Oh, I already did. Nagawa ko na, paano ba yan?

"Yes, Sir! Nagawa ko na kaya next time ko i-apply 'yang paalala mo kung maalala ko pa," hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at dumeretso na ako sa harap ng staff's locker room.

Luminga-linga ako sa paligid bago pumasok sa loob. Saktong walang ka-tao tao, kalkulado ang mga galaw, dumeretso agad ako sa isang locker ng isang doctor, at sinira ang kandado nito.

Nang may nakita akong isang laboratory gown at mga extra uniform sa loob ay dinukot ko agad ito at mabilis na nagpalit ng damit.

Lumabas akong naka-surgical mask at doctor aesthetic attire, dapat ata ganito na lang rin ang kinuha kong kurso mas madaling mang dispatsya o pumatay ng tao kapag ganito. Pwede ko pang gawing aksidente kapag nagkataon.

Pero, lagi akong dinadalaw ng katamaran at ayoko ring magtapon ng pera. Masyadong mahaba ang pag-aaral ng medisina.

Hinanap ko agad ang aking biktima at sobrang swerte niya, naka-private room agad ang loko.

I pulled the sliding door wide open at nang makapasok ako ay diretso ako sa kanya, sa aking naghihingalong biktima.

I didn't bother to lock it. 

Tinitigan ko siya ng matagal, at lumingon sa vital signs monitor na nakakabit sa kanya.

"Heart rate, blood pressure, and body temperature are stable. Wow. So, may chance ka pang mabuhay eh, paano kapag gawin ko 'to?" Tinanggal ko ang naka connect na plug para mamatay ang monitor.

At namatay nga!

Nakakatuwa naman.

Pati na rin siya ay nahirapang huminga.

"Oh, that's amazing! Isa pa nga," bulong ko sa aking sarili habang hinihila at binabalik ang plug.

I'm enjoying this game. Napakadali lang.

"Papa pahingi pandagdag baon," ginaya ko ang boses ng anak niya habang pinapatay at binubuhay ang nasabing machine.

"Papa, maaga ka bang uuwi ngayon? Miss na kita."

Turn on... turn off...

"Papa, gusto ko po ng pasalubong please kahit tsitserya lang po.''

Turn off. Turn on. Then repeat!

Napangisi ako sa bawat paghihingalo at paghihirap ng kanyang katawan.

"Papa, binubully po ako sa school pwede po ba kayong pumunta dito. Please po," tumigil ako sa aking ginagawa at sunod na tinanggal ang oxygen hose na nasa ilong niya.

"PLEASE PAPA!" At sinakal ko siya gamit ng naturang hose. 

Tinitigan ko siyang mahirapan, maghabol ng hininga, manigas ng walang kalaban laban. He's helpless and he deserves it.

"Kaso Papa hindi ka umuwi eh mas pinili mo yong p****k mong kabit kaysa sa amin," hinila ko pa lalo at hinigpitan ang hose sa leeg niya.

Kabisadong kabisado ko ang linyahan ng anak niya na ni minsan hindi niya pinakinggan.

"Kaso Papa, patay na siya eh kami na piliin mo— putangina, ang hirap  magboses bata para akong  abnoy, mamatay ka na kasi ha?" Malambing kong bulong sa aking biktima hanggang sa hindi ko na ramdam ang pulso niya.

Nakabukas ang kanyang mga mata at nakipagtitigan sa akin.

Kaya ang ending—dinukot ko mata niya with bare hands. Literal

Wala kasi akong tools, pasensya na.

_______

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status