LOGINInihinto ko ang aking ducati sa likuran ng malaking puno at agad na isinuot ang aking ninja suit ganun rin ang aking mask. Hindi nila ako maaring makilala dahil malaking gulo iyon kapag nagkataon. Tama nga ako ng hinala. Magkakasama at magkakakilala sina Rico at ang nakaengkwentro ko kanina. Malakas ang kutob kong may itinatagong kademonyohan ang lalaking iyon parehas sila ng kanyang kapatid. Medyo may kataasan ang pader na aakyatin ko. Mabuti na lamang at naensayo akong mabuti kung paano akyatin ang mga nagtataasang pader. Gamit ang aking grappling hook ay mabilis akong nakaakyat sa pader. Walang katunog tunog ang aking paang dumapo sa damuhan. Tama lamang ang aking binabaan dahil walang tao at madilim ang lugar. Sa tingin ko ito ang likuran ng kanilang bahay dahil puro mga halaman ang nandito. Marami rin akong nakikitang mga talbos ng kamote na naririto. Salamat na rin sa liwanag ng buwan kung kaya't nakikita ko pa rin ang aking dinadaanan. Dahan dahan akong naglakad patungo sa
RICO's POV "Boss mukhang may sumusunod ho sa atin" anas ng aking tauhan. Mabilis akong tumingin sa side mirror ng sasakyan at sa rear view mirror. Kumpirmado nga may isang nakamotor na sumusunod sa amin. "Sige. Makipaglaro tayo sa kanya" utos ko sa aking tauhan na agad naman nilang sinang ayunan. Mabilis na kinabig ng aking driver ang sasakyan patungo sa kaliwa. Hanggang sa magpagewang gewang aking sasakyan. Bigla namang bumagal ang takbo ng motorsiklo sa aming likuran. Tinapik ko ang aking drayber upang bagalan din ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ng dalawang mga mata ko na tumigil ito sa gitnang daan. Nakasuot ito ng itim na helmet ngunit ang ayos nito ay napaka elegante dahil sa suot nitong dress. "Iatras mo ang sasakyan at lumapit sa nakahimpil na motorsiklo. Ihanda ninyo ang inyong mga armas at timbrihan ang ilang mga tauhan" maawtoridad kong utos sa mga ito na agad naman nilang sinunod. Nang makalapit kami sa motorsiklong may sakay na babaeng rider ay agad kon
"Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa napakahalagang gabing ito" malawak ang pagkakangiti ni madam AB habang binibigkas ang mga katagang iyon. Ano kayang mahalagang announcement ang kanyang sasabihin at halos lahat ng bisita niya ay mga naglalakihang tao sa business world. "As you can see, matagal na panahon rin ang iginugol ko upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Hindi ko man siya nakasama ng lubusan ngunit ama ko pa rin naman siya. Siguro kung nabubuhay lamang si Daddy Enrico, malamang matutuwa iyon" naikuyom ko na lamang ang aking kamao sa aking mga narinig. Nag ngingitngit ang kalooban ko sa galit dahil napakasinungaling ng taong ito. Napakahusay ring umarte dahil mas pinalamlam nito ang kanyang mga mata upang mas lalong mamangha at kaawaan siya ng mga taong nandito. Para bang naghahanap ng simpatya. "Ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan at pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Hindi ko pa rin kasi nahahanap ang aking mga half siblings, ang aking
Abala ang lahat ng mga tao dito sa bahay dahil nagsisidatingan na ang ilan sa mga bisita ni madam AB. Mayroon raw itong iaanunsiyong mahalagang impormasyon sa lahat ng panauhin. Halos mga bigatin ang narito. Napansin ko rin ang ilang mga investors sa sa kumpanya nila daddy. Nandito rin ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Abala ako ngayon sa paglalagay ng mga pagkain sa tray ng biglang may magsalita sa aking likuran. "Ah, miss. Magtatanong lang sana kung saan ang CR rito?" napalingon ako sa taong nagsalita. Nakasuot ito ng puting shirt habang mayroong dalawang strap na nasa ibabaw ng suot ng damit. Nakasukbit ang mga straps sa kanyang suot na black jeans. Ang kanyang mga mata ay may malabrown na kulay ngunit hindi kaguwapuhan. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nakalapat sa aking balikat. Napansin ko ang tattoo na kaperahas ng mga naunang miyembro ng Telapia Syndicate. Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang tama nga ang kutob ni Diego. Mabilis umandar ang aking isip
Matapos naming malinisan ang mga dapat linisan ay tinawag na kaming lahat upang humilera sa may living room. Nagtatakang napapatingin ako sa ibang mga kasambahay ng isa-isa silang kapkapakan ng babaeng tauhan ni madam AB. May nakasukbit ring baril sa kanyang beywang at tila ngumunguya pa ng bubble gum. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pagkapkap nito dahil batid kong may kakaibang malisya ang kanyang ginagawa. Sa tingin ko ay hindi ito tunay na babae. Hindi naman ako kinakabahan o natatakot na baka makita nito ang itinago kong music box sa loob ng aking damit. Sinadya kong ilagay ito sa ilalim ng aking bra. Hindi naman kalakihan ang music box na iyon. Maliit lamang, paranh kahon lamang ng singsing, ngunit ang music box ko ay mas maliit pa sa kahon ng singsing. Ito ay napapalibutan ng iba't-ibang klase ng precious stones na sinadya pang ipagawa sa Africa. Dalawampu ang mga kasambahay na narito kasama kong nakatayo sa living room. Nasa ikatlong kasambahay pa lang ito. Rinig ko ang mal
Marahas akong napabuga ng hangin bago ininom ang alak sa aking baso. Hinahayaan ko lamang ang hangin na ilipad ang aking mumunting buhok na tumatabing sa aking mukha. "Ang lalim nun ah!" anas ni Tina habang papaupo sa bakanteng upuan dito sa veranda. Nandito kami ngayon sa Tagaytay dahil kailangan ko munang makapag-isip ng maayos. Mamaya maya ay babalik din ako sa isla Montefaldo. Tipid akong napangiti dito habang nilalaro ang bote ng alak sa aking kamay. Nakatayo ako ngayon sa may hand rail ng veranda habang ang aking mga kamay ay nakasandal dito. Napatingala ako sa kalangitan at ipinikit ang aking mga mata. "Bakit? Bakit hindi ko man lamang nalaman na mayroon pala kaming kapatid. Ang kapatid namin na siyang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang at nawala ang lahat lahat ng sa amin" turan ko habang nakapikit ang aking mga mata. Hinayaan ko lamang ang aking mga luha na dumaloy sa aking mukha. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Tina. Doon ako lalong humik







