Share

CHAPTER 2

"Miss, is this the room 34?" rinig kong tanong niya kay Miss. 

Pag-tingin ko sa kaniya halos nakanganga na siya dahil may gwapo sa harap niya. 

Hindi naman kasi gaanong ka-tandaan si Miss, halos ka-edad lang namin siya matanda lang siyang 3 hanggang 5 taon. Siya din ang pinaka-batang nagtuturo dito sa amin eh.

"U-uh, yes." bakas pa rin ang pagka-ilang sa mukha niya. Miss, reserved na po iyan.

"Gross," mahinang bulong niya pero dahil nga sa lakas ng pandinig ko naintidihan ko pa ito. At ano daw? Gross? Ito? Tadyakan ko kaya siya!

"Excuse me, Mr. WhatEverYourNameIs, kung ayaw mo dito sa room namin wag ka ditong mag-reklamo. Doon ka sa Dean," pagsisingit ko. Halos nasa amin na ang atensyon ng lahat pero wala akong pake-alam. I like attention so much.

"Miss Cruz," base sa tono nang boses niya parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Kahit nga ako eh hindi ko din nagustuhan. Saan ko ba nakuha ang kapal ng mukha?

"Sorry," I mumbled. "...not sorry."

Hindi na lang sila kumibo kaya lumabas na lang ako, Hindi pa kasi tapos yung time niya. Di ba chismis-chismis muna.

"I don't really like her attitude," I heard her mumbled. But I didn't pay attention to her. 

Paglabas ko hindi ko alam na sumunod pala si Ellen sa akin, at ikinabit ang mga kamay sa braso ko.

"I don't wike it." She said while grinning from ear to ear with her teasing eyes. Oh god, not again. "He looks familiar by the way,"

"That's the boy in the picture," I pointed out for her to remember. It's funny how she memorize all the 'chismis' but she forgot those things.

"Oh, he's one of them. The drummer." she added, "I think someone just obliviate me," she tsked. I laughed hard. I cannot!

"Bitch, we're on the Harry Potter okay? shuta ka," natatawang aniya ko pa rin.

We both love Harry Potter since we were a kid, I just known her when we was on 6th grade. I already watch it 'cause of my cousins.

Siguro sa sorbang lutang naming dalawa, halos hindi na namin namalayan na nandito na kami sa cafeteria! at mas ikinagulat ko pa ay kung bakit kasama ko si Ellen eh hindi naman siya na-out?!

"Hala!  tanga-tanga ka,"akusa niya saakin. "bakit mo ko sinama dito?" Naiiyak na tanong niya sa akin. Napahalakhak na lang ako at hinila siya papasok. Not minding her question. Eh sa nandito na kami?

And I'm kinda starving na din. Kanina pa! Peste kasi si Kuya Pogi! Bumili na lang kami nang tig dalawang turon kasi ito naman ang kadalasan naming kinakain dito. 

Unti lang kasi, mapili kasi kami nangkakain eh. Pero minsan hindi din.

Sarap na sarap kami sa pag-kain habang nag-uusap kaya hindi namin namalayan yung oras. Dali-dali kaming tumakbo papunta sa room namin dahil nakita namin yung next professor namin. Buti nga at dalawang subject na lang meron kami. 

Pag-katapos ng subject na 'to sa Math and English na ang sunod. Kung alin pa yung mas mahirap siya pa yung huli. And not to mention that we have a recitation! Both subject pa amputchi.

"Just so you know two, I saw you earlier in the cafeteria." My body froze when I heard an old woman voice from my back. Si Ellen agad ang naka bawi saaming dalawa at sunod-sunod itong nag-hingi nang tawad.

Kaya wala akong nagawa kundi ang gayahin siya. Pag harap ko halos matulis ako sa kinauupuan ng makita kong sino iyon. Bakit parang mali iyong schedule ang nakita ko? English professor siya, I read on her name plate. 

Isang mga nasa 40s woman yung naka-tayo sa harap namin at seryusong naka-tingin. Simpleng bestida ang suot niya at may bitbit na pamaypay na kulay pink, sa dala pa lang nito halatang strikto. Naka-suot din siya nang one inches high shoes na kulay itim. 

Hindi din nawala ang bitbit niyang isang portfolio na may laman ng kung anong ituturo niya. At mas na-kyutan lang ako dahil hindi naman kahabaan ang buhok niya ngunit inipit niya ito gamit ang kulay pink din na pamutos. This woman loves color pink so much.

"Pasensya na Miss, na out po kasi ako, ito naman pong isa sumunod lang sa akin," sabay turo ko kay Ellen na agad namang umangal. Buti na lang nga at wala pa kami sa tapat ng classroom dahil nakakahiya eh. Pero nasa ibang section nga lang. 

"Uh... Miss, ano po kasi best friend ko, ayaw ko naman maiwang mag-isa ito." Sabi niya habang kinukurot ag tagiliran ko. Ang sakit pa naman niyang mangurot!

Lalo na at hindi siya nag-gagamit ng nail cutter kaya for sure ang haba nang kuko niya!

"Hmmm. Sige na, bumalik na kayo sa room niyo." 

Wala naman kmaing nagawa kundi ang sumabay na lang sa kaniya habang si Ellen na hindi matigil sa pag-sasalita na parang na-gustuhan naman ni Miss! Sabay silang bumubungisngis habang nakikinig sa sasabihin ni Ellen. Ang pinaguusapan nila yung new student! Kasi nabalitaan slash narinig daw ni Ellen kanina sa cafeteria na may bagong estudyante. Ito namang si Miss mukhang gustong-gusto naman.

Iba na talaga ngayon kahit matanda na ang galing pa rin sa pilian eh.

Hindi naamn ako maka-sabay sa kailang pinag-uusapan kaya hindi na lang ako sumabay sa kanila at nauna sa pag-lalakad. 'ano po kasi best friend ko, ayaw ko naman maiwang mag-isa 'to' Ewan ko pero bigla ko itong naalala sabay tingin kay Ellen. 'Ayaw ko po kasing maiwang mag-isa ito' nyenye. Tapos ngayon halos hindi ako lingonin dahil nag-chismisan sila ni Miss.

Gustuhin ko mang ilabas ang cellphone ko sa bulsa kaya lang baka makita niya at paggalitan pa ako,eh mas lalala yung kasalanan ko. Hindi ko naman kasalanan kung bakit napa-labas ako.

"Miss Cruz, if you want to be late then be it. But you passed your classroom," anunsyo ni Miss na ikinatigil ko sa pag-lalakad. Ano ba iyan second sem tapos bobo pa rin. 

Hindi ko nga alam kung saan galing ang ka-tapangan ni Ellen at nag-stay siya sa'kin! Palagi ko naman siya minsang inaapi.

Saka dati nga na-papahiya siya nang dahil sa akin pero wala siyang ginagawa o baka kinikimkim niya lang tapos pag napuno na siya ipakulam ako!

"Pathetic." 

Sabi ng kung sino at may narinig pa akong tawanan sa room. Kung maka-tawa naman sila parang hindi nag-kamali. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na lang ako sa likod. Kahit saan-saan naman kasi pwedeng umupo eh.

"Oh, may transferee pala dito." Nahihimigan ko ang saya sa boses ni Miss. 

"Miss, bata pa po ako," kunaring naiiyak na ani ni Jonathan. Na ikinatawa nang lahat. Well, except sa akin. Ano namang nakakatawa eh sinabi lang naman ni Miss.

"Eve, sabihin mo lang kung may problema ka." Natatawang saad ni Ellen na nandito pala sa tabi ko. Binigyan ko lang siya nang isang middle finger sign at hindi na umimik. Naramdaman ko na lang ang tingin ng lahat sa akin na siyang ikinaguat ko. 

Wala namang naka-kita 'di ba?

"Miss Cruz! Get out!" 

'Nak ng putcha naman oh. Aangal pa sana ako kaso para saan pa?

Get out day ko ngayon.

Pota!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status