Share

CHAPTER 1

"Mylene Eve Cruz," I can feel the tension between me and my adviser. Eh sa na late ulit ako eh.

"I'm sorry, Miss." Maikling sabi ko habang nag-lalakad papunta sa upuan ko. Initungo ko pa nga nang unti ang ulo. Now I am facing the floor with shining, shimmering, splended.

Agad naman akong kinalabit ni Ellen, Itong isang ito talaga hindi maiwasang hindi mang-chismis. 

"Bakit ang tagal mo? Akala ko nga hindi ka papasok dahil palagi kang nauuna saakin eh," saad niya. Tama nga siya kasi palagi akong nauunang pumasok kesa sa kaniya.

"May nakita kasi ako doon sa daan, gwapo" saad ko nang mahina dahil nakita ko na nag-sasalita na si Miss sa unahan.

"Ayon,"bakas ang sarkastiko sa tinig niya pero hindi ko na lang siya pinansin. 

"Mamaya ata pupunta 'yon sa mall, punta tayo," aya ko sa kaniya, iiling na sana siya nang inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang picture noong tinutukoy ko. 

Nakita ko ang pag-tingin niya sa lalaking nasa gitna, hindi na ito tatanggi may pinuntirya na ang kaniyang mga mata.

"Alam mo maganda yang naisip mo, anong oras ba?" Buti na lang at natigilan ko ang sarili ko kung hindi kanina pa ako humalakhak dito.

Grabe din talaga ang isang ito.

"Miss, at the back." Saway saamin ni Miss. Napatungo na lang ako nang ulo at nakinig na lang ng mabuti habang nag-susulat ng notes. Ang dami pa naman. At hindi dapat tatanga-tanga dito lalo na at huling year ko na 'to sa college, sunod mag-ga-graduate na ako! 

I can't wait to tell my parents, "Ma, Pa, yung anak niyo, artist na." tapos habang gagawa ako nang mga paintings magpa-paint ako nang picture naming tatlo at ipapakita iyon sa buong mundo.  Kung gaano ko ka-mahal ang mga magulang ko.

"Uy, Mylene." Tawag ng kung sino, napa-pikit ako nang mata nang may sumapal sa akin, Kung sino 'yon patay iyon sa--"Hoy! Mylene!"

"Ano ba?!" hindi ko mapigilan na sigaw, pag bukas ng mga mata ko halos gusto ko nang kainin ng lupa sa kahihiyan, nandito pa pala kami sa room! itong si Ellen hindi man lang ako sinabihan. Si miss naman na halos patayin na ako sa talim ng kaniyang mga mata. 

May narinig akong tawanan sa paligid at ang galit na sigaw ni Miss.

"Miss Cruz, get out of my class." Ganyan talaga si Miss pag galit na siya kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang. Mabait si Miss kaya lang talaga minsan pag inabot ganyan yan.

"Kung ano-ano na naman 'yang iniisip mo, eh wala ka naman makukuha diyan sa pag-a-artist mong iyan," palagi ko iyang naririnig sa bibig ni Papa pero imbis na panghinaan ako nang loob

mas lalo akong lumaban, dahil alam ko sa sarili ko na kakayanin ko ito... na ito ang gusto ko kaya ipapatuloy ko. Mas lalo kong ipinursigi ang pagiging artista kesa sa wala, saka iyon lang naman kasi ang kaya ko eh. 

"Eh pa, iyan ang gusto ko eh," Mahinang bulong ko. Nandito kami sa harap ng hapag kainan isa sa pinaka ayaw ko sa lahat dahil palagi siyang komo-kotra sa gusto ko. Kung minsan na nga lang kami nag-kakasabay ganito pa ang kinalalabasan.

"Mylene, pag pasensyahan mo na lang ang papa mo, stress lang kase 'yan," mahinahong paliwanag ni Mama sa akin.

Hindi na lang ako sumagot at umalis na lang. I lost my appetite.

Sa lalim siguro nang isipan kong iyon hindi ko namalayan na nandito na ako sa harap ng cafeteria namin. Siguro gutom na ako dahil hindi ako kumain kanina sa bahay dahil sa naging usapan ulit namin ni Papa. Kung minsan na nga lang siya umuwi at nagkakasabay kaming kumain iyon pa ang nangyayari.

Noong nag-business man ba siya pinigilan ko siya? hindi naman eh kaya wala siyang karapatan na patigilin ako sa pangarap ko. 

At may isa pa pala akong gusto, gusto ko maging isang Published Author, ewan ko pero alam ko sarili ko na isa din iyon sa gusto ko kahit na minsan nahihirapan din talaga ako. Ngayon gumagawa ako nang isang novel pero hindi ko pa din talaga siya maisipan eh, may plot naman na siya pero iyung cooperation ko na lang iyong kulang.

"Um... Excuse me, Miss?" Gulat akong napatingin sa harap ko nang makita ko iyong gwapong tinutukoy ko kanina.

Miss, ganda din ng timing mo, ano? Sabihin mo lang kung shipper ka namin.

Si Jonathan, yung drummer na nakita ko kanina. Nakatayo siya sa harap ko habang may hawak na maliit na papel sa kaliwang kamay habang ang isa naman ay hawak ang bag niya. Naka-suot ito nang uniform namin, siguro transferee. Naka suot siya nang kulay puting panloob habang pinatungan niya ito nang black coat, may suot din siyang necktie na kulay itim at pula. Ang pangibaba naamn niya ay isang kulay itim na kadalasang sinusuot nang mga lalaki sa paaralan. Sapatos niyang ang kintab na ang sarap tapalan. 

"Y-yes?" Nakangiting sabi ko, takte mukha akong tanga dine! Someone help me, help me...

please?

"I just want to ask kung saan yung room 34? Arts and design?"Ang lamig ng boses niya 'yung tipong kahit hindi naman kami masyadong malapitan pero parang mapapahinto talaga ako eh.

Pero teka-- anong sabi niya? room 34? eh room ko din iyon.

"U-um.. bakit?" peste kang dila ka, ba't ka nauutal? kulang ka ba talaga sa kain?

"I think doon kasi iyong room ko?" patanong ngunit sarkastiko din niyang sabi habang may ngisi sa mga labi.

Tamo mo itong lalaking ito, kung hindi ka lang talaga gwapo ewan ko na lang. Oh, girls wag kayong tumanggi ganyan din kayo.

"Halika samahan kita, doon din naman ako papunta." pagsisinungaling ko, eh pinaalis nga ako doon tapos babalik lang?

Walang sabi-sabing hinawakn ko ang kamay niya at shet! ang lambot halos pisil-pisilin ko na nga. A-angal pa saan siya pero hinila ko na lang siya para mabilisan kahit ayaw ko. Gusto ko pang namnamin yung lambot ng mga kamay niya. 

"Miss, you're harassing me," malamig na sabi nito habang inaagaw sa akin iyong kamay niya. Mas lalo ko tuloy itong hinigpitan. Libreng chansing na nga pingagbabawalan pa.

Tumawa lang ako sa kaniya at hinila siya paakyat sa second floor. Tatlo lang kasi ang building ng college dito pero fifth floor naman kaya madami din, buti nga building 1 'yung akin eh. 

"Charan!" nakangiti kong saad sa kaniya at tinuro pa ang classroom, nakita ko naman na halos mabali ang leeg ng mga ka-kalse ko sa nakita, kahit talaga ang ibang lalaki na-iinlove din sa mga gwapo ano?

"Bhe, ang gwapo naman ng dala mo," halos masuka ako sa nakita halos dakmain na nila si Mr. Pogi. Nakita ko naman na parang hindi na comfortable at bakas ang pandidiri sa mukha niya kaya agad naman akong lumapit sa kanila at hinila siya paalis doon. Kung sa ibang klase na masaya sila pag may bakla sa room sa akin hindi, minsan kasi ang overrated.

"What the fuck is that?" Galit talagang tanong niya, 

"Pagpasensyahan mo na sila, ganyan kasi talaga sila lalo na pag-gwapo yung nasa harap eh."

Ako na yung nahiya sa pinaggagawa nila ah. Hindi ko naman deserve ito. Saka mataas kaya ang pride ko pero ewan ko pero ang baba pag dating sa kaniya. Ikaw na ba si Mr. Right?

"I can't believe they let me study here," dinig kong bulong niya. Napabaling naman ako sa kaniya at para siyang dirig-diri sa room na ito. Para akong naramdaman dahil sa sakit na salita ang lumabas sa bibig niya. 

"Hindi naman dahil ganyan sila, ganyan na lahat, saka hindi naman lahat ganyan eh. Minssan kai wag opuro pang lkabas lang ang titigan. Kung ayaw mo talaga wag ka na ditong pumasok," Nakita ko lang ang pag-irap niya sa sinabi ko pero wala siyang sinabi, " o kaya ipakita mo sa kanila na ayaw mo talaga dito sa paaralang ito, tutulungan kita." Masayang suhensyon ko. Ngunit kumunot lang ang noo niya at pumasok sa loob.

"Wala man lang thank you?," mahinang bulong ko. Kaya kahit na nasa harap ako nang room tumalikod na ako dahil hindi pa tapos ang oras ni Miss, "by the way, open 'yung offer ko!" sigaw ko at dali-daling tumakbo. Pero bago iyong may humila sa akin papasok sa loob ng cr. 

"Hoy, ikaw babaknita! pano mo siya nakilala?" nakataas ang kilay na tanong ni Ellen.

Hindi ko namalayan umalis pala ito kanina. 

"Wag kana mag-taka, sa gandang kong 'to oh," sabay turo sa mukha ko. "Saka para narin makilala mo si Mr. Vocalist," nang sinabi ko iyon huminahon siya.

"Ah okay, anong gusto mo tulungan kita diyan sa lalaki mo?" tapos pinabait pa ang boses niya.

Napatampal na lang ako sa noo ko sa narinig. 

Ang landi namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status