Share

CHAPTER 2

“Mommy will going to miss you.” she looked at me with a teary-eyes. Pwede bang magstay ka na lang mommy? Gustong gusto ko sabihin sa kaniya. I would be very happy kung kaming dalawa lang. Bumibigat ang puso ko dahil alam ko na nahihirapan din siya sa sitwasyon ng pamilya namin. I hugged her tight, parang ayaw na namin pakawalan ang isa’t-isa. Ang sakit sa pakiramdam.

“Can you please come back here as soon as possible? At least once a week? I will surely miss you, mom.” I wanna cry, bakit ba kailangan namin maghiwalay? She brushed my hair using her hands, everytime she do this, I felt safe. Mommy...

“I’m not promising but I’ll find ways, okay? Be a good girl, I will call you from time to time. I love you.” kumalas na siya sa yakap ko at hinawakan ang mukha ko, hinalikan niya ang pisngi ko. I felt so much love. Tumango lamang ako upang pigilan ang luha ko, pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak ito. I heard daddy’s footsteps coming down from upstairs, I composed myself and then look at him. I saw him seriously looking at us.

“Are you done? We should go now.” he said, always looking at his wrist watch. Binitawan na ako ni mom at tinignan si dad.

“I’m ready to go.” seryoso ding sabi ni mommy sabay inayos ang dala nitong black hermes bag. Tumango lamang si daddy bago ako tinignan.

“I’m expecting you to be a responsible daughter here kahit na malayo kami. Kapag nagkaroon ng aberya dito, uuwi agad ako.” madiin na sabi niya. Halos hindi ako makahinga habang nagsasalita siya. Tumango lamang ako at tinignan siya ng deretso sa mata.

“Don’t worry about me, dad. I can handle myself alone, I’m used to it anyway.” alam ‘kong may laman ang bawat salitang binibitawan ko, at alam ‘kong nararamdaman niya iyon. Matapang ko siyang tinignan at plastik na ngumiti. Hindi ko nakikita ang sarili ko na niyayakap siya at sinasabihan ng I love you, oo mahal ko siya bilang ama ko, pero katulad niya, hindi ko kayang i-express iyon.

“You should. Let’s go, hon.” dala dala ang bag nito, deretso na silang umalis sa bahay. Mabigat man, pero sigurado akong dahil ito kay mommy. I’m gonna miss her, big time. Pumasok na rin agad ako sa loob. Sa sobrang bored ko, naisip ko na lamang magbake ng coconut macaroons para naman may mapaglibangan ako. Agad akong nilapitan ng pinakamatandang katulong dito, naaalala ko pa rin siya, mula bata ako siya na ang katulong dito.

“Anong maitutulong ko, hija?” marahan niyang sabi habang nakangiti.

“Gusto ko po sana magbake, manang. Meron po bang mga ingredients para sa coconut macaroons?” magalang na tanong ko kay manang. Mabuti na lamang at kumpleto ang ingredients na kakailanganin ko para sa pagbebake. Tinulungan ako ni manang na kuhanin ang mga measuring cups and spoons, mixing bowls, and baking pans na gagamitin. Habang nagcacrack ng eggs, nagsalita si manang.

“Kamusta ka, anak? Parang kailan lang takbo ka pa ng takbo sa loob ng bahay, lagi mong hawak ‘yung manika mo, ngayon dalagang dalaga ka na.” masaya niyang sabi sa akin, na-miss ko rin ang laging nasa bahay, sa Manila kasi lagi lamang akong nasa bar o mall. Ngumiti ako sa kaniya.

“Naalala ko nga rin po, manang, hahaha! Sobrang bilis po nang panahon ‘no? After 15 years, ngayon lamang ho ulit ako nakabalik dito.” masigla ‘kong sabi. Natutuwa ako at kahit paano may nakakausap ako.

“Aba, oo nga eh. Ang ganda ganda mo, hija. Ikaw ba eh may boyfriend na?” ngingiti ngiting tanong sa akin ni manang, halata ang kilig sa tingin nito. Agad naman akong napasimangot.

“Naku, manang, sasakit lang ang ulo ko sa mga lalaki na ‘yan. Di bale na po.” umiiling ‘kong sabi. I have never been in a relationship ever since, may mga pumoporma pero sa una pa lang binabusted ko na. Ganda ako eh, bakit?

“Matanong ko lang, hija, may nabanggit ba sayo ang papa mo?” tinignan niya ako na parang may inaasahang sagot. Agad kumunot ang noo ko.

“Bukod po sa pagstay ko ng matagal dito, wala naman po. Bakit po, manang?” nagtatakang tanong ko habang minimix ang mga ingredients. Kung hindi kakain, hindi naman kami maghaharap ni dad, unless may ipapagawa siya.

“Wala naman, ‘nak. Hayaan mo na ‘yun.” sabi niya bago siya ngumiti ng alanganin. Why? I’m trying to read to her thoughts, pero agad lang siyang umiwas ng tingin. Nevermind.

“Medyo marami po itong magagawa ko, manang. Pwede niyo ho ibigay ang iba sa mga nagtatrabaho dito sa farm.” nakangiti ‘kong sabi, magaan ang loob ko sa kaniya, at kahit sabihin nila na mayaman kami, hindi taliwas sa isip ko ang pagod at hirap ng mga trabahador. Alam ko na malaki ang naitutulong ng farm na ito sa kanila.

“Salamat, hija. Masaya ako at hindi ka katulad ng ibang mayayaman na matapobre, natutuwa naman ako at napalaki ka nang maganda nina Don Lucio at Doña Agatha.” she said. Ngumiti lamang ako sa kaniya, nakaramdam na naman ako ng lungkot. I miss her already, siya ang nagpalaki sa’kin nang maayos, she always tell me to stay humble even you have all the things in the world, naaalala ko noon ang sinabi niya sakin,

“You can’t say that all the things you have right now, will remain forever. Lahat ng ito maaaring mawala sayo sa oras na pitikin ka ng Diyos. So, I want you to be humble as always, okay?” bata pa lamang ako madalas na ‘yon sabihin sa’kin ni mommy, minsan napapatanong ako kung deserve niya ba ang magandang buhay pero malungkot na pamilya na ‘to.

“Mommy always reminds me to stay humble. Sometimes I wonder how can she manage to be a great mom and balance our family at the same time.” i said. I can proudly say to everyone how amazing she is, gusto ‘kong maging katulad niya sa magiging anak ko, pero hindi ko gustong maging katulad niya sa magiging asawa ko. I will never let him control me.

“Napansin ko nga, hija, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa inyo ni Don Lucio. Hindi ko rin maiwasang malungkot para sa inyo, alam ko kung gaano kayo kabuting mag-ina.” bakas ang lungkot sa mata niya. I sighed.

“But, I’m still hoping na magbabago siya. I still hope that one day, we can be the family that I used to dreamed of.” naniniwala ako, magiging maayos kami.

“Tama yan, anak. ‘Wag kang tumigil umasa sa magandang posibilidad na pwedeng mangyari sa pamilya niyo.” ngumiti lamang ako sa kaniya at itinuloy ang paggawa ng macaroons.

Dahil marami rami din ang nagawa ko, inabot ako ng dalawang oras para matapos ito, agad ‘kong tinawag ang mga kasambahay at ipinatikim ito sa kanila.

“Hala ang sarap po, ma’am! Tamang tama lang po ang tamis niya.” saad ng isang kasambahay na may puntong bisaya. Agad naman akong natuwa, ang tagal ko rin palang hindi nagbake.

“Oo nga ho, ma’am. Pwede po bang kumuha pa ng isa?” ani ng isa namang kasambahay, alanganin itong ngumiti at mukhang nahihiya. Bigla akong natawa.

“Hahaha, sige lang, para sa atin lahat iyan.” iniabot ko pa ang iba sa kanila, natutuwa ako.

“Naku ma’am, ngayon lang po may naghanda ng pagkain para sa amin. Maraming salamat po.” sabi naman ng isa sa mga drivers namin. Tuwang tuwa at mukhang nasasarapan sila habang kumakain.

“Hayaan niyo po, dadalasan ko po ang pagluluto o pagbebake para naman may magawa rin po ako dito. Kain pa po kayo.” masayang sabi ko. Agad naman silang kumain, si manang ay nagtimpla ng orange juice at naglabas ng maraming chips. Masaya na ako sa simpleng pagkain lang, mom thought me to appreciate everything we have.

“Salamat, hija.” manang said and hold my hand. I just smiled at her. Buong maghapon ay nakangiti lamang ako, hanggang sa maghapunan.

It’s already 7:00 o’clock in the morning when I woke up, I did my morning routines before I went down to the dinning to eat my breakfast.

“Good morning, ma’am Lhaarny.” bati sa akin ng mga kasambahay na nasasalubong ko habang papunta sa dinning area, naabutan ko sila na naghahanda na ng pagkain.

“Good morning, anak. Gising ka na pala, sakto kaluluto lang ng almusal. Magkakape ka ba?” sabi ni manang habang papalapit sa akin. Umupo na ako at tumango.

“Yes po, manang. Nag almusal na po kayo? Sabayan niyo na po ako, malungkot po kumain mag isa.” magalang ‘kong aya sa kanila. Sa una ay hindi nila alam kung sasabay sila sa akin o hindi.

“Come on, hindi po ako kakain kapag wala akong kasabay.” pamimilit ko sa kanila, gusto ‘kong matawa sa mga itsura nila. Agad silang umupo at nagsimula na kaming kumain.

“Alam niyo po, ma’am, nakakahiya po pero ngayon lang ho nangyari ito.” nakayuko at halatang nahihiya na sabi ng isang driver, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ang iba rin ay  pino ang mga galaw na parang ayaw gumawa ng kahit isang ingay.

“Totoo po, ma’am. Ngayon lang ho namin naranasan na sumabay sa amo namin, lalo na ho at ganito kayaman sa inyo.” dagdag pa ng isang kasambahay.

“Mas masarap po kumain ng maraming kasama, aanhin ko po ang napakaraming pagkain kung iisa ko lang naman po, hindi ba? Simula po ngayon, sabay sabay na po tayong kakain.” masayang sabi ko, siguro mangyayari lang ito habang wala pa si dad, iba na ang sitwasyon kapag nandito siya at alam nila iyon.

“Ma’am, salamat po.” sabi pa nila, gusto ko silang maging komportable sa harap ko dahil matagal tagal akong mananatili dito. Patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa matapos namin ang almusal. Agad ko namang tinulungan magligpit sina manang, ngunit pinigilan nila ako.

“Naku ma’am, kami na ho dito.” inagaw sa akin ng isang kasambahay ang plato ko. Ngumiti naman ako sa kaniya.

“Okay lang po, kaya ko naman po.” pamimilit ko.

“Lhaarny, anak, hayaan mo na kami dito. Salamat at hinayaan mo kaming sumabay sayo pero kami na dito, ha? Magpahinga ka muna at maya maya sumama tayong magdala ng tanghalian sa mga trabahador dito, gusto mo ba?” agad naman akong natuwa sa sinabing iyon ni manang. Gustong gusto ko.

“Sama po ako, manang, para ho makalibot din ako at makilala ko sila.” abot tenga ang ngiti ‘kong sabi sa kaniya. Umakyat na ako sa kwarto at nagpalit ng damit, nagsuot lamang ako ng maong shorts at white sando na pinatungan ko ng red checkered long sleeves, I partnered it with brown boots. I also put my hair into messy bun, after I changed my clothes, bumaba na ko at tinulungan magluto si manang para sa tanghalian ng mga trabahador. Hinubad ko muna ang boots at long sleeves ko para makagalaw ng maayos. Bulalo at pritong isda ang naisipan naming iluto, habang nagluluto si manang ay tinulungan ko naman ang ibang kasambahay na maghanda ng mga gamit na dadalhin.

“Ummm, ate where are the plastic cups?” tanong ko sa isang kasambahay. Agad naman siyang kumilos para kuhanin ito. So far, na-eenjoy ko ang bawat oras na ginigugol namin sa paghahanda. 11:00 o’clock ng tanghali ng umalis na kami sa bahay, sumakay kami sa golf cart dala ang pananghalian.

“Ang sarap ng hangin!” masigla ‘kong sabi habang nililibot ang mata sa paligid. Sa wakas, walang halong polusyon ang nalalanghap ko. Nang makarating kami kung saan nagiipon ipon ang mga trabahador ay agad na silang kumain, sumabay na din kami ni manang sa kanila. Ang iba sa kanila ay pasulyap sulyap sa akin, siguro ay ngayon lamang nila ako nakita at ngayon lamang nila nakilala ang anak ni dad. Nang matapos kumain ay nagpasya na rin kaming bumalik ni manang sa bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status