Share

KABANATA 49 “FIRST KISS IN PUBLIC”

“NAPAGOD ka ba?” tanong ni Erik kay Mia nang nasa loob na sila ng kotse nito.

Napangiti sa katanungang iyon ang dalaga bagaman hindi pa rin niya mapigilan ang sarili niyang pamulahan.

Makahulugan ang tanong na iyon ni Erik. At nang sulyapan niya ang binata ay nakita niyang ganoon rin ang mensahe ng damdaming nasa mga mata nito.

“A-Ano ba namang klaseng tanong iyan, Enrique?” aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik na rin sa kalaunan.

Tinatakbo na ng sasakyang minamaneho ni Erik ang ruto patungo sa bahay niya. Kailangan kasi nilang dumaan muna doon para sa mga dokumentong kailangan sa kasal nila.

Hindi pa rin napapalis ang ngiti sa mga labi ni Erik nang gagapin nito ang kamay niya saka iyon hinalikan. Dahil doon ay napatitig lang si Mia sa mukha ng katipan na ang paningin ay naka-focus naman sa daan.

“Hindi ka naman napagod hindi ba?” tanong ulit ni Erik na sandali lamang siyang sinulyapan at pagkatapos ay may kapilyuhang kinindatan.

Marahas na napasinghap si Mia dahil hindi niya napa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status