Share

KABANATA 53 “THE CARETAKER”

HINDI mapakali si Dolores nang gabing iyon.

Hanggang ngayon kasi ay naiisip pa rin niya si Erik. At parang eksena sa pelikulang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang nakita niya kanina.

Oo, kitang-kita ng dalawang mata niya kung papaano hinalikan ni Erik sa mga labi si Mia. Patunay lamang na mayroon ngang namamagitan sa dalawa. At iyon ay hindi lamang simpleng relasyon ng isang amo sa kanyang empleyado.

“Ano bang nangyayari sa iyo at bakit parang kanina ka pa hindi mapakali?”

Nasa tono ng pananalita ng asawa niyang si Nestor ang pagkainis.

Kanina pa kasi sila nakahiga. At dahilo nga panay baling niya sa higaan ay nauuga ang kutson. Dahilan kaya naaabala ang pagtulog nito.

Clerk sa munisipyo si Nestor. Wala silang anak kaya naman masasabi niya hindi sila nagigipit sa buhay. At ang bagay na iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nahirapang tingnan si Erik bilang hindi na iba para sa kanya.

Sa puntong iyon ay mabilis na nagbalik sa kanyang gunit ang tagpo nang una nilang pagkik
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status