Share

KABANATA 54 “BIGLAANG DESISYON”

“ANO bang pinoproblema mo? Ano namang masama kung pakasalan ni Erik ang dalagang iyon?”

Habang kumakain sila ng agahan ay iyon ang naging pagtugon ni Fidel sa lahat ng sentimiyentong ibinubulalas ni Aurora.

“Ano ka ba naman, Fidel? Hindi mo ba naman makuha kung ano ang ibig kong sabihin? Nakinig ka ba sa lahat ng ikinuwento ko sa iyo o kailangan kong ulitin ang lahat para maunawaan mo ako?” nasa tono ni Aurora ang matinding iritasyon na kanyang naramdaman para sa asawa.

Noon dinampot ng asawa niya ang tasa ng kape nito at pagkatapos ay humigop muna bago nagsalita. “Narinig ko ang lahat ng sinabi mo. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit kailangan pa nating umuwi roon para lang pigilan ang planong pagpapakasal ng anak natin?”

Tila ba nahahapong napailing na lamang si Aurora sa narinig niyang sinabing iyon ng kanyang kabiyak.

“Sa tingin mo ba magiging maganda sa paningin ni Papa na makasal ang anak natin sa isang katulad ni Mia?” ang nagpapaunawa niyang tanong kay Fidel.

Nakita niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status