Share

KABANATA 55 “ONE-ON-ONE TALK”

“MASARAP ka palang magluto, hija.”

Iyon ang nakangiting komento ni Fidel sa nilutong Sinigang na Bangus ni Mia nang gabing kumakain silang apat ng hapunan.

Nahihiyang ngumiti si Mia at saka pinilit na magsalita kahit kung tutuusin ay hindi naging madaling gawin iyon para sa kanya. At iyon ay gawa ng labis na discomfort na nararamdaman niya nang mga sandalling iyon mismo.

“S-Salamat po,” ang nahihiya pang sagot ni Mia saka nagyuko ng ulo.

Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang katindi ang kabang nararamdaman niya. Although, normal lang naman siguro iyon dahil ang kaharap niya nga ay ang mga magulang ng lalaking mapapangasawa niya.

Ang totoo naiilang kasi siya sa labis na pananahimik ng ina ni Erik na si Aurora. Hindi niya alam kung dahil ba naninibago lang siya. Matagal na panahon rin naman na talaga mula nang huli niyang makita ang ginang. Kaya iniisip niyang baka iyon lang ang dahilan. Pero may bahagi ng isipan niya ang nagsasabing may iba pang rason kung bakit ganoon ang n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status