Share

KABANATA 58 “AURORA’S PLEA”

MAAGANG nagising si Mia kinabukasan. Kung tutuusin ay ganoon naman siya talaga. Maaga kung magising dahil gusto niyang matapos kaagad sa kanyang mga gawain.

Pero para sa araw na iyon ay mayroon siyang espesyal na dahilan. Gusto niyang ipaghanda ng masarap na agahan ang mga magulang ni Erik.

Tapos na niyang i-set ang mesa nang eksaktong lumabas ng kusina si Erik. Nakangiti ang mukha nitong lumapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap.

“Bakit ang aga mo naman yatang nagising?” makahulugan ang tanong na iyon na naging dahilan ng matinding pag-iinit ng buo niyang mukha.

“Maglilinis kasi ako sa kabilang bahay ngayong araw,” sagot niya na siya rin namang totoo.

Hinalikan muna siya ni Erik sa noo bago siya pinakawalan. “Thank you sa effort mo, Mia. Siguradong magugustuhan nina nanay at tatay itong ginagawa mong almusal,” wika nitong sinuyod ng tingin ang mahabang mesa kung saan nakahain ang mga pagkaing pinaghirapan niyang lutuin.

“Maliit na bagay ang mga iyon,” aniyang tinapik pa ng bahag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status