Share

KABANATA 61 “AURORA'S TEARS”

AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Erik nang makilala ang babaeng inabutan niyang kausap ni Aurora sa sala ng kanilang bahay.

“Erik, hijo,” ang agad na bati sa kanya ni Dolores na umakma pang lalapitan siya pero mabilis na napigil ang gagawin sana nitong paghakbang nang magsalita siya.

“So, tama nga ako. Kayo ang nagsumbong sa mga magulang ko kaya sila napauwi ng wala sa oras dito sa Pilipinas!”

Hindi na itinago pa ni Erik ang galit sa kanya tinig kahit kung tutuusin ay hindi naman niya nakalimutan ang lahat ng napag-usapan nilang dalawa ni Mia kanina.

“Erik!” saway sa kanya ni Aurora na napatayo mula sa kinauupuan nitong mahabang sofa.

Hindi na sumagot pa si Erik pagkatapos niyon. Sa halip ay tumalikod na lamang siya at minabuting pumasok sa kanyang silid. Tama nga siya ng hinala. Si Aling Dolores ang dahilan ng lahat ng ito. Lalong nagpuyos ang binata sa kanyang naisip. Pero minabuti pa rin niyang kalamayin ang kanyang kalooban. Agad siyang naglabas ng maisusuot niyang damit a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status