Share

KABANATA 63 “LOVE MEANS SACRIFICE”

SA kabila ng lahat, kailangang aminin ni Mia kahit sa sarili lang niya na nakakaramdam niya ng kasiyahan tuwing gumigising siyang katabi pa rin si Erik. Pero kahit ganoon pa iyon ay hindi pa rin naman nagiging ganap ang kaligayahang nararamdaman niya dahil batid niyang mayroon sila nasasaktan. At iyon ay walang iba kundi ang ina ng binata.

Nang araw ding iyon dalawang araw bago ang kanilang kasal ay nagpaalam si Erik na may aasikasuhin muna sa trabaho nito. Alam naman kasi niyang naka-leave pa rin ang binata. Pero hindi rin maiiwasan ang mga ganoong sirkumstansya lalo at isa itong arkitekto.

Hapon nang maisipan niyang magsadya sa palengke para mamili ng mga kakailanganing rekado para sa iluluto niyang pananghalian. Gusto niyang magluto ng may sabaw. At dahil doon ay ang paborito ni Erik ang nais niyang ihain. Ang Sinigang na Bangus.

At dahil nga hindi niya gusto abutan ng dilim sa daan ay mas maaga siyang umalis ng bahay. Sa pagkakataong ito ay sumakay na siya ng traysikel para mapabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status