Share

KABANATA 62 “HARDEST THING”

“TALAGA bang hindi ka makikinig sa akin anak? At talagang aalisin ka dito sa bahay? Iiwan mo kami ng tatay mo dahil sa babaeng iyon?”

Si Aurora iyon habang pinanonood nito ang ginagawa niyang pag-e-empake ng mga personal nilang gamit ni Mia.

Pagkatapos kasi nila ng dalaga sa shop kung na tumahi ng wedding dress nito ay kumain lang sila at saka nag-grocery at saka na umuwi.

At dahil nga alam na niyang hindi gusto ng kanyang ina si Mia ay minabuti niyang huwag na lamang itong isama sa pagkuha ng mga personal nilang gamit. Hindi lang naman niya ginawa iyon para sa kanyang nobya kundi para na rin kay Aurora na mahal na mahal din niya.

“Nay, sana maunawaan ninyo na minsan lang akong nagmahal ng ganito,” aniyang minabuting huwag ng tingnan si Auraro.

Hindi iyon dahil sa kung anumang kadahilanan. Kahit ano pa man kasi ang nangyari ay mahal niya ang nanay niya at hindi niya gustong makita ang sakit at paghihirap sa mga mata nito.

“Hindi ba at ganyan ka rin dati kay Nadine?”

Sa narinig ay hind
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status