Share

KABANATA 76 “SOON TO BE A CHURCH WEDDING”

NANG gabing iyon ay inihatid rin ni Erik pauwi ang ina nito. Pero nangako itong kinabukasan ay babalik rin dahil lulutuan raw siya Calderetang Baka.

“Happy?” tanong ni Erik sa kanya nang hilingin niyang mahiga ito sa tabi niya.

Naglalambing na inihilig ni Mia ang ulo niya sa balikat ng binata. “Sobrang happy,” aniya saka tinitigan ang binata.

Dinampian ni Erik ng isang masuyong halik ang kanyang noo. Pagkatapos niyon ay ang labi naman niya na nagtagal ng kaunti.

“Teka lang,” aniyang natatawang bumitiw sa mga labi ng binata nang mapansin niya ang paglalim ng mga halik nito.

Nangalatak si Erik sa ginawi niyang iyon at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mukha para muling angkinin ang kanyang mga labi.

“Hindi nga pwede dito,” ang tumatawang sabi ni Mia.

Kahit kasi hindi magsalita si Erik ay kabisado niya ito. At ang paraan ng paghalik nito sa kanya ngayon ay nagpapahiwatig ng kakaibang init na alam niya ang ibig sabihin kung ano.

“Wala naman akong sinasabi ah,” patay-malisya pa nito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status