Share

2

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-08-25 23:13:46

MIRABELLA

“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Clara.

Si Clara ang kaibigan, personal assistant ko at pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat.

“Hindi ako okay. Gulat na gulat ako sa nalaman ko. Napakatanga ako dahil hindi ko nalaman agad na may relasyon pala silang dalawa ni Sheena. Ang takot inakala kong kapatid ang turing sa akin. Pero ahas pala! Balak pa lang agawin sa akin ng ahas kong bestfriend ang asawa ko!”

“Talagang nakakaloka nga iyan. Isipin mo, palagi kang nagkukuwento sa kanya ng ganap sa inyo ng asawa mo pero hindi mo alam, inis na inis na pala siya sa iyo. Naiinis siya kapag masayang moments ng asawa mo ang kinukuwento mo. At natutuwa naman siya kapag magkaaway kayo ng asawa mo. Gaano na ba sila katagal?”

“Sa nabasa ko kanina na chat nila, matagal na silang may relasyon. Tatlong taon kaming nagsama ni Jonas bago kami ikasal. At naging sila pagkatapos ng kasal namin. Ibig sabihin, habang hindi pa kami mag-asawang dalawa ni Jonas, naglalandian na sila.”

Mariin kong kinuyom ang kamao ko. Para akong sasabog sa galit sa mga oras na ito. Sobrang galit na galit ako. At hindi ako papayag na hindi makaganti kay Jonas. Sisiguraduhin kong magdudusa rin siya!

“Alam mo kung ako sa iyo, huwag mo siyang komprontahin. Kasi wala rin namang mangyayari. Kasi kapag ginawa mo iyon, parang ikaw na rin ang gumawa ng paraan para hindi na maging patago ang relasyon nila.”

Napatingin ako kay Clara.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Ang gawin mo, gumanti ka ng pailalim. Unahin mo sa mga negosyo niyo. Gumawa ka ng kontrata at papirmahin mo siya. Sabihin mo na gusto mong sa iyo na lang itong isang bagay na pagmamay-ari niya. Halimbawa, gusto mo sa kanya na pang itong condominium sa Makati. O iyong branch restaurant niya sa Manila. Mga ganoon. Unti-unti mong kunin ang mga pagmamay-ari niya ng hindi niya nalalaman. Tapos… makipagkita ka rin sa iba. Makipag-s3x ka rin sa iba! Hindi puwedeng siya lang ang maging happy.”

Napalunok ako ng laway bago tumingin sa kamay ko. Napatitig ako sa singsing na nasa kamay ko. Tama si Clara. Dapat hindi ako gumawa ng eksena. Dahil nangyari naman na. May kabit na ang asawa ko. Kaya ang dapat kong gawin ay gumanti sa paraang alam ko.

“Hindi na uso ang iyak-iyak. Hindi na uso ang api-aping legal na asawa. Kaya tumatapang ang mga kabit, kasi may mga legal na asawang nagpapatalo sa kabit. At dapat, hindi ka kabilang sa mga ganoong asawa. Dapat matapang ka, Mirabella. Hindi ka dapat umiiyak lang siyan. Alam kong mahirap at hindi naman talaga madali dahil minahal mo siya ng totoo. At asawa mo siya. Pero sa tingin mo ba, may magbabago pa kung iiyak ka lang diyan? Ikaw lang din ang talo. Ikaw lang din ang kawawa.”

“Tama ka. Hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya na maging masaya kasama ang babae niya.”

“That's right! Kaya dapat Huwag kang magpapatalo dahil ikaw ang legal na asawa. At dapat bago mo siya pakawalan ay talaga namang may nagawa ka ng makakasira ng buhay niya. Walang masama kung gagawin mo iyon dahil hindi ka naman masamang tao. Sadyang nasaktan ka lang at may nagawa kang mga bagay…. na dapat hindi mo sana magagawa kung naging mabuting asawa lang siya sa iyo.”

Napangiti ako ng malawak at kahit papaano…nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Sa tingin ko si kilalarang talaga ang naging mabuting kaibigan para sa akin. Na kahit nagtatrabaho siya para sa akin…hindi niya ako basta lang itinuring na kanyang amo. Parang ang kami pa ang mag bestfriend dalawa. Dahil may mga pagkakataong sa kanya ko unang sinasabi ang sikreto ko. Bago ko sabihin sa ahas kong bestfriend na si Sheena.

PAGOD NA PAGOD akong umuwi sa mansyon. Naabutan kong nagbabasa ng kung ano sa kanyang cellphone ang byenan kong si Adam. Sa edad na kuwarenta'y otso, parang nasa edad 30s lamang ang biyenan kong ito. Napakagwapo niya na akala mo Isang artista sa ibang bansa. Malaki rin ang kanyang pangangatawan dahil madalas siyang tumatambay sa gym kapag wala siyang ginagawa. Kaya naman hindi na ako magtataka kung maraming babae ang nahuhulog sa kanya. Kahit mga teenager at talaga namang napapatingin sa kanya kapag gumagala kami. Kasama namin siya dito sa mansyong nakatira dahil wala na rin naman siyang asawa.

At simula ng mamatay ang asawa niya ay hindi na siya nag-asawa pang muli. Sa tingin ko ay nakikipaglandian na lamang siya o ‘di kaya nagpaparao sa mga babaeng matipuhan niya.

“Mirabella, ayos ka lang ba? Bakit ganyan ang itsura mo at parang umiyak ka ng matagal?” mahinahon niyang sabi sa akin bago siya tumayo at lumapit.

“Ayos lang po ako, daddy. Huwag niyo na po akong intindihin.”

Akma ko na sana siyang lalagpasan ng hawakan niya ang pulsuhan ko. At sa mga sandaling iyon hindi ko alam kung bakit tila may kuryente umakyat sa katawan ko mula sa pagkakahawak niya. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko at pagkatapos ay napatingin sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, tumatagos sa loob ko ang titig niya.

“Alam kong may problema ka at pwede mo akong sabihan. Tungkol saan ba itong problema mo?”

Hindi agad ako makapagsalita dahil tila ba nahipotismo ako pang-akit ng titig. Hanggang sa makalipas ang Ilang segundo ay napailing na lamang ako at napahawak sa ulo ko bago tumikhim.

“Si Jo-Jonas…nahuli kong may ka-kabit. At ang babaeng iyon ay mismong bestfriend ko pa,” nauutal kong sabi bago yumuko.

Binalot ng katahimikan ng paligid naming dalawa. Sa mga oras na iyon na parang gusto kong umiyak. Pero naalala ko ang sinabi ni Clara. Kaya naman parang umatras ang luha ko. At bago ko pa iangat ang tingin ko, nadulat na lamang ako ng yakapin ako ng biyenan kong si Adam. At sa paraan ng pagkakayakap niya sa akin… Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang init. Na tila ba tumaas ang mga balahibo ko sa katawan.

“Hindi ka dapat umiiyak, Mirabella sa isang lalaking manloloko. Huwag kang mag-alala, nandito naman ako para sa iyo…”

Nanlaki ang mga mata ko at pagkatapos kumalas siya ng yakap sa akin. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay iniisip kung bakit iyon ang sinabi niya.

At dahil sa sinabi niyang iyon…may naisip akong paraan kung paano makakaganti sa asawa kong manloloko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Bisig ni Byenan   261

    KANORHindi ko alam kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko habang nakaupo sa hapag-kainan kasama si Sheena at ang mga kapatid niya. Ipinaghanda niya ako ng pagkain, at kahit paulit-ulit niyang sinasabing huwag akong magmadali at damihan ko ang kain, hindi ko naman kailangang pilitin ang sarili ko dahil masarap talaga ang mga niluto niya. Nakikisabay din sa kuwentuhan ang mga kapatid niya. At kahit hindi ko masyadong kilala ang mga ito sa pakiramdam ko, hindi ako nahihirapang makisama sa kanila."Kuya Kanor, dagdagan pa po namin kayo ng kanin?" tanong ng isa sa mga kapatid ni Sheena habang inaabot ang mangkok."Okay na ito, salamat. Baka maubos ko na ang lahat ng niluto ng ate ninyo kapag dinagdagan pa ninyo ako," natatawang sagot ko."Eh, mas mabuti nga po iyon. Lagi kasing nagluluto si Ate Sheena pero minsan hindi naman niya nauubos ang pagkain. Sayang naman kung hindi makakain," dagdag pa nito.Napangiti ako habang tumingin kay Sheena na abala sa paglalagay ng ulam sa plato niya. Hi

  • Sa Bisig ni Byenan   260

    SHEENA Tatlong araw pa ang lumipas bago tuluyang payagan ng doktor na makalabas ng ospital si Kanor. Hindi pa rin bumabalik ang lahat ng alaala niya, at bagama't mas maayos na ang lagay ng kanyang katawan, kailangan pa rin siyang magpahinga at iwasan ang anumang bagay na maaaring magdulot ng pagkapagod. Masaya ako dahil sa wakas ay makauuwi na siya, pero hindi ko rin maiwasang kabahan sa kung paano namin haharapin ang mga susunod na araw, lalo na't hindi pa niya ako lubos na naaalala. Pagdating namin sa bahay, napansin kong tila nag-aalangan si Kanor habang nakatingin sa loob. Hindi siya agad pumasok at sa halip ay bahagyang tumingin sa akin, na para bang hindi niya alam kung tama bang manatili siya roon. "Sigurado ka bang ayos lang na dito ako tumira sa bahay mo? May bahay naman ako eh," nag-aalangan niyang tanong. Napangiti ako at inayos ang mga gamit na dala namin bago ako humarap sa kanya. "Oo naman, Hon…I mean Ka-Kanor. Mas mabuti na rito ka muna. Kailangan mo pa ng pahinga,

  • Sa Bisig ni Byenan   259

    SHEENA Bitbit ko ang supot ng mga pagkaing binili ko sa convenience store habang naglalakad pabalik sa silid ni Kanor. Hindi ko alam kung kakain ba talaga siya ng mga iyon kapag nagising. Pero naisip kong mas mabuti nang may nakahanda kaysa wala. Ayaw ko ring umalis nang matagal sa tabi niya, kaya mabilis akong naglakad habang patuloy na nag-aalala kung kailan siya tuluyang magigising at kung maibabalik ba ng panahon ang mga alaala naming dalawa. Hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ng silid nang biglang may humarang sa daraanan ko. Napahinto ako at napaatras nang makita ang lalaking matagal ko nang gustong iwasan. Hindi ko inaasahang makikita ko siya roon, lalo na't alam kong hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya pagkatapos ng lahat ng nangyari. "Sheena, kailangan nating mag-usap." Napahigpit ang hawak ko sa supot at agad akong napatingin sa paligid, umaasang may makakakita sa amin at makapipigil sa kanya kung sakaling gumawa na naman siya ng kalokohan. "Robert, ano na naman

  • Sa Bisig ni Byenan   258

    SHEENAParang may kung anong bagay na tuluyang nadurog sa dibdib ko nang marinig ang tanong niya. Ilang segundo akong natigilan, hindi makapagsalita, habang nakatitig sa lalaking ilang oras ko lang ipinagdasal na magising. Ngayon na nagmulat na siya ng mga mata, hindi ko naman inaasahang ganoon ang unang sasabihin niya sa akin.“Sino ka?”Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o sadyang hindi niya ako nakikilala, pero nang makita ko ang pagtataka sa mukha niya at ang bahagyang paglayo ng katawan niya sa akin, tuluyan nang umagos ang luha ko. Hindi ko na kayang pigilan. Ang taong ilang beses akong tinawag na Hon, ang taong palaging naghahanap sa akin kapag hindi niya ako makita, ang taong niyakap ako at nangakong hindi ako pababayaan, ngayon ay nakatingin sa akin na para bang isa lang akong estrangherang basta pumasok sa silid niya.“Hon...” mahinang tawag ko, habang nanginginig ang mga labi ko. “A-Ako i-ito…si Sheena.”Bahagya siyang kumunot ang noo at tila sinusubukang intindihin ang s

  • Sa Bisig ni Byenan   257

    SHEENAHindi ko binitiwan ang kamay ni Kanor kahit ilang beses nang lumabas at pumasok ang mga nurse sa silid. Nakatitig lang ako sa mukha niya, habang pilit kong pinipigilan ang paghikbi pero hindi ko talaga kaya. Kanina pa ako umiiyak. At kahit ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko, patuloy pa rin ang pagpatak ng mga iyon sa pisngi ko.Ayon sa doktor, napalakas ang pagkabagok ni Kanor sa likod ng ulo. Kailangan siyang obserbahan nang mabuti dahil hindi pa siya nagigising, at may mga pagsusuri pang kailangang gawin para matiyak na walang mas malalang komplikasyon. Hindi ako mapakali sa mga sinabi ng doktor, lalo na nang ipaalam nitong kailangan muna naming hintayin ang paggising niya… bago masabi kung ano ang magiging epekto ng pagkabagok.“Hon...” mahina kong tawag habang hinahaplos ang kamay niya. “Gising ka na, please. Huwag mo naman akong takutin nang ganito.”Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa tabi niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang maghintay at magdasal

  • Sa Bisig ni Byenan   256

    SHEENAHindi ko na gustong maulit ang nangyari sa amin ni Robert, kaya mula nang magbanta siya na babawiin niya ako, hindi na ako mapakali. Gayunpaman, hindi ko naman puwedeng basta iwasan si Kanor o magkulong na lamang sa bahay dahil sa takot. Ayokong mabuhay na palaging nagtatago, lalo na ngayong alam kong may taong handang protektahan ako.Nang gabing iyon, sumama ako kay Kanor sa negosyo nitong pasugalan. May ilang bagay siyang kailangang asikasuhin kaya naisip niyang isama ako sa halip na iwan sa bahay. Hindi naman bago sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong nakapunta, at kadalasan ay nagiging abala ako sa pag-aasikaso sa mga taong naroon, lalo na sa pagkuha ng mga kailangan nila at pag-aasikaso sa mga pagkain at inumin.Abala si Kanor sa pakikipag-usap sa ilan niyang tauhan habang ako naman ay nasa kabilang bahagi ng lugar, inaasikaso ang mga taong dumaraan at ang mga kailangan sa mesa. Paminsan-minsan ay lumalapit siya sa akin para magtanong kung ayos lang ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status