LOGIN"Sometimes the hardest person to face isn't your enemy... it's the one who unknowingly reminds you why you stopped believing in love."****Madaling-araw na at walang katao-tao sa buong De Vega Global Holdings. Isa-isang namatay ang ilaw sa iba't ibang palapag pero bukas pa rin ang ilaw sa Executive Office.Mag-isa si Ethan at nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window. Pareho pa rin ang tanawin at pareho pa rin ang lungsod pero hindi na pareho ang nararamdaman niya. Hindi niya namalayang mahigit tatlumpung minuto na siyang hindi gumagalaw at paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang mukha ni Krystal."Wala bang kahit isang araw na pinagsisihan mong hindi ka dumating?" tanong ni Krystal kanina.Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi iyon ang tanong na gumugulo sa kanya. Ang gumugulo sa kanya ay ang mukha ng babaeng nakita niyang nakatayo sa labas ng opisina habang kausap niya si Krystal. Si Alyannah. Kung bakit parang nasaktan ito.Napabuntong-hininga siya. "What's happenin
"Some memories don't fade... they simply wait for the day you're forced to remember them."****ETHAN'S POV: FLASHBACK — 3 Years AgoHindi ko kailanman inakalang darating ang araw na mas kakabahan pa ako kaysa noong una akong humarap sa Board of Directors.Hawak ko ngayon ang maliit na velvet box habang palabas ako ng Charles de Gaulle Airport. Napangiti ako nang mapatingin sa relo ko. Alas-diyes ng umaga sa Paris. Tatlong oras pa bago ang reservation ko sa Le Jules Verne sa Eiffel Tower. Tatlong oras bago ang anniversary surprise namin ni Krystal.Hindi ko sinabi sa kanya na pupunta ako. Ang alam niya ay nasa Singapore pa rin ako para sa emergency acquisition meeting. Pinilit pa nga niya akong huwag nang umuwi."Work first, Ethan. Bawi ka na lang pagbalik mo," sabi niya pa sa tawag.Napailing ako habang napapangiti. Hindi niya alam na dalawang linggo ko nang pinaplano ang lahat. May private dinner na, may violinist, may photographer, at may fireworks permit pa pagkatapos ng proposal
"Some people don't return to destroy your future... they return because they still belong to your past."*****Madaling-araw na nang makabalik si Ethan sa De Vega Global Holdings. Wala nang tao sa executive floor. Nakapatay na ang malaking LED wall at iilang ilaw na lang ang bukas sa buong palapag.Kasunod niyang lumabas ng elevator sina Anthony at Marco. Pareho pa ring mabigat ang mukha matapos ang nangyari sa Founder's Hall."Boss..." maingat na tawag ni Marco.Huminto si Ethan. "Sigurado ka bang papasok ka pa?" tanong ni Marco."Hindi pa tapos ang araw ko," sagot ni Ethan.Napabuntong-hininga si Marco. "Para sa'yo yata wala nang katapusan ang trabaho," sabi niya.Hindi na sumagot si Ethan at nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating sa tapat ng executive office ay napansin niyang bukas ang ilaw sa loob. Kumunot agad ang noo niya."Anthony," tawag niya."Sir?" sagot ni Anthony."Sino ang nasa opisina ko?" tanong ni Ethan.Napatingin si Anthony sa tablet. "Wala pong naka-log na appointment
"The deepest wounds are not caused by strangers... but by the family you never knew you had."****BANG!Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong Founder's Hall at kasunod noon ang boses na pamilyar kay Ethan."Ethan!"Si Alyannah.Hindi na siya nag-atubili at mabilis na tumakbo patungo sa pinanggalingan ng sigaw."Sir! Huwag!" sigaw ni Adrian.Pero huli na. Pagliko ni Ethan sa kabilang pasilyo ay dalawang armadong lalaki ang sumulpot mula sa magkabilang gilid.BANG! BANG! BANG!Yumuko agad si Ethan at sumilong sa makapal na haliging marmol. Nagkalat ang tipak ng bato nang tamaan ng bala ang pader. Hindi siya gumanti dahil wala pa siyang malinaw na target.Kasabay ng putukan ay narinig ulit ang boses ni Alyannah. "Ethan! Huwag kang lalapit!" sigaw niya.Napapikit sandali ang binata. Gising siya at malakas pa ang boses. Ibig sabihin ay hindi siya basta dinukot. May dahilan kung bakit siya dinala doon.Sinilip ni Ethan ang paligid. Tatlong pasilyo, dalawang shooter, at isang saradong b
"The hardest choice is never between right and wrong... but between the truth you seek and the person you cannot afford to lose." **** Wala pang isang minuto ang countdown pero kumilos na si Ethan. Hindi na siya naghintay ng opinyon ng iba at hindi na rin nagtanong. Tumalikod siya at diretsong naglakad palabas ng lihim na silid. "Ethan!" tawag ni Chairman Eduardo at pinigilan siya. Huminto ang binata pero hindi lumingon. "Huwag kang pupunta roon nang mag-isa," mariing sabi ng chairman. "Iyan mismo ang gusto nila." Huminga nang malalim si Ethan bago humarap sa kanila nang marahan. "At kung hindi ako pumunta?" tanong niya. Walang kumibo. Si Marco ang unang nagsalita. "Boss, gagawa tayo ng paraan. Sasabayan ka namin," sabi niya. Umiling si Ethan. "Hindi," sagot niya. Napataas ang boses ni Marco. "Hindi puwedeng ikaw lang!" sabi niya. Lumapit si Ethan at tinapik nang marahan ang balikat nito. "Kapag nakita nilang may kasama ako, si Alyannah ang unang mapapahamak,"
"The dead cannot return... unless someone lied about their death." **** Nanginginig ang kamay ni Chairman Eduardo. Hindi niya maalis ang tingin sa matandang lalaki na lumabas mula sa lihim na elevator. Parang nakakita siya ng taong matagal nang wala. "Imposible... Ikaw... buhay ka pa?" halos hindi lumabas ang boses niya. Bahagyang ngumiti ang matandang bagong dating. May guhit na ng edad ang mukha nito pero hindi nabawasan ang bigat ng bawat hakbang. "Mahabang panahon na rin, Eduardo," sabi nito na mahinahon. Sapat iyon para manigas si Chairman Eduardo. Hindi agad nagsalita si Ethan. Pinagmasdan lang niya ang matanda mula ulo hanggang paa. Napansin niya ang Founder Ring sa kanang kamay nito. Hindi peke at hindi replika. Parehong-pareho sa singsing na nakita nila kanina. Napansin din iyon ni Anthony. "Sir... dalawa," mahina niyang tawag. "Ano?" tanong ni Marco. "Dalawang Founder Ring," sagot ni Anthony. "Akala ko iisa lang ang original," sabi ni Marco na kumunot ang noo. Ng



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



