Mag-log in"Walang magsasalita ng totoo sa kwartong ito."Nakatayo si General sa gitna ng ICU habang nasa stainless tray ang maliit na transmitter na iniwan ng lalaking naka maintenance uniform. Kumukurap pa rin ang pulang ilaw at gumagalaw pa rin ang waveform sa scanner ng bomb technician. Nasa paligid sina Ethan at Marco at ang doktor at nakatingin sa device na nasa loob ng metal box na may salamin.Tumango ang General at inayos ang takip ng box para hindi tuluyang mamatay ang signal at patuloy pa ring marinig ng kabila."Simula ngayon bawat salitang maririnig nila rito regalo natin sa kanila," sabi ng General at mababa ang boses pero malinaw.Hindi agad nagsalita si Ethan at nakatitig sa transmitter na nasa harap nila. Maya maya ay kumurba ang labi niya pero hindi dahil kampante siya. Kumurba ang labi niya dahil sa wakas may pagkakataon na silang gumanti sa taong ilang linggo na silang pinaglalaruan."Ano plano General," tanong ni Marco at nakatingin sa transmitter."Lokohin natin," sagot ng
"huwag n'yong gagalawin ang kama. Huwag n'yong gagalawin si Ma'am Krystal."Walang gumalaw sa kanila. Maging ang mga nurse na nasa pinto ay napaatras at napahawak sa bibig at hindi makahinga. Si Ethan ay nakatayo pa rin sa gilid ng kama ni Krystal at nakatingin lang sa maliit na itim na device na nakadikit sa ilalim ng bakal ng kama na nagbi-blink ang pulang ilaw nang dahan-dahan. Blink... blink... blink... na parang may sariling tibok ng puso."Bomb?" tanong ni Ethan na mahina pero nanginginig ang boses at nakatingin sa bomb technician na nakaluhod sa sahig at hawak ang detector.Hindi agad sumagot ang bomb technician. Muli niyang sinilip ang handheld detector at ang portable X-ray scanner na nakatutok sa device at dahan-dahang umiling at pinunasan ang pawis sa noo kahit malamig ang ICU at naka-aircon."Mas delikado kapag hinulaan natin kung ano 'yan, Sir," sabi ng technician na seryoso at hindi tumitingin kay Ethan. "Kapag hula lang, doon tayo magkakamali. Hindi tayo puwedeng mag-as
Nakapaligid ang doktor at dalawang nurse kay Krystal habang mabilis na chine-check ang monitor na pababa nang pababa ang oxygen at hindi stable ang heart rate. Hindi umaalis si Ethan sa tabi ng kama. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa malamig at nanginginig na kamay ni Krystal na kanina lang ay pilit kumapit sa manggas niya.Nakatahimik si Marco sa likuran habang inoobserbahan ang buong silid. Hindi siya nakatingin kay Krystal. Hindi kay Ethan,vkundi sa pinto, sa bintana, ang IV stand, pati sahig.Maya-maya ay huminga nang malalim ang doktor bago tumingin kay Ethan at tinanggal ang stethoscope sa tenga."Sir Ethan..." sabi ng doktor na mahinahon pero seryoso.Hindi agad siya nagsalita, lumapit muna niya si Krystal."Hindi siya namatay," sabi ng doktor.Napapikit si Ethan at napahinga nang malalim. Pero kasunod noon ay umiling ang doktor at mas lalong sumeryoso ang mukha."Pero hindi iyon ang magandang balita," dagdag ng doktor.Nanlaki ang mata ni Ethan at napatingin sa doktor. "Ano'ng
"Gising ka na."Hindi kumurap ang lalaking naka-maintenance uniform. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng kama ni Krystal, hawak pa rin ang toolbox na nakabukas sa sahig. Sa loob ng toolbox, bahagyang kumikinang ang hiringgilyang puno ng malinaw na likido na nakatago sa ilalim ng basahan.Gising si Krystal pero mahina pa. Malabo ang paningin at hindi pa makagalaw nang maayos dahil sa epekto ng sedative na itinurok sa kanya alas dos ng madaling araw. Gusto niyang bumangon pero mabigat ang buong katawan. Gusto niyang sumigaw pero walang lumalabas na boses.Hindi niya makita nang maayos ang mukha ng lalaki dahil sa cap na nakatabing sa mukha at sa puting ilaw ng ICU na nakatutok sa kanya.Dahan-dahang yumuko ang lalaki kay Krystal. Hindi nagmamadali. Hindi kinakabahan."Naririnig mo ba ako?" tanong niya nang mahinahon, halos pabulong.Walang sagot si Krystal. Gumalaw lang ang labi niya at mahinang umungol. Hindi pa niya kayang magsalita.Tinitigan siya ng lalaki nang diretso sa mata at tuman
"Welcome back, Sebastian."Walang sumagot. Nanigas ang buong sala ng De Vega Mansion. Naka-speaker pa rin ang cellphone sa ibabaw ng mesa na nanginginig pa sa kamay ni Sebastian. Nakatingin lang sina Ethan, Eduardo, Marco, Anthony, at ang CIDG General sa aparatong iyon na tila biglang naging mas mabigat kaysa baril.Si Sebastian ang unang umurong. Parang nawala ang kulay sa mukha niya at namutla at napahawak sa sofa para hindi matumba."Impossible..." halos hindi niya maibulong at nanginginig ang labi. "Hindi puwedeng ikaw... hindi puwede..."Muling tumawa ang lalaki sa kabilang linya. Isang mahinahon, kontrolado, at malamig na tawang walang pagmamadali. Yung tawa ng taong alam niyang hawak niya ang lahat."Dalawampu't limang taon na... pero natatandaan mo pa rin ang boses ko, Sebastian. Hindi mo pala ako nakalimutan," sabi ng boses na mas matanda at kalmado.Hindi gumalaw si Ethan. Isininyas niya kay Anthony na huwag magsalita at huwag mag-ingay. Habang si Marco ay dahan-dahang nagla
"...Akala ko... patay na siya." Parang huminto ang oras, walang makapagsalita sa kanila. Nakatingin lang sina Ethan, Marco, Eduardo, at ang CIDG General kay Sebastian na nanginginig ang buong katawan at nakatitig sa lumang susi na nahulog sa mesa at umiikot pa sa sahig na marmol. Si Eduardo ang unang lumapit at hinawakan ang balikat ni Sebastian para hindi ito matumba. "Sebastian..." mahinahon niyang tawag at tinitigan ang kaibigan. "Sino ang tinutukoy mo? Sino ang akala mong patay na?" Napapikit si Sebastian at nanginginig ang labi. Ilang segundo siyang hindi makapagsalita at pinipigilan ang paghinga. Pagmulat niya ng mata, bakas ang takot na hindi pa nakita ni Eduardo kahit noong mga panahong nalulong siya sa kasakiman at sa sugal. "Ang taong nagturo kay Vincent..." mahina niyang sabi at halos pabulong. "...hindi si Vincent ang unang halimaw. Si Vincent... estudyante lang." Umupo si Sebastian sa sofa at hawak pa rin ang ulo niya na parang nahihilo. "Nung nagsisimula pa lang k







