Mag-log inNakapaligid ang doktor at dalawang nurse kay Krystal habang mabilis na chine-check ang monitor na pababa nang pababa ang oxygen at hindi stable ang heart rate. Hindi umaalis si Ethan sa tabi ng kama. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa malamig at nanginginig na kamay ni Krystal na kanina lang ay pilit kumapit sa manggas niya.Nakatahimik si Marco sa likuran habang inoobserbahan ang buong silid. Hindi siya nakatingin kay Krystal. Hindi kay Ethan,vkundi sa pinto, sa bintana, ang IV stand, pati sahig.Maya-maya ay huminga nang malalim ang doktor bago tumingin kay Ethan at tinanggal ang stethoscope sa tenga."Sir Ethan..." sabi ng doktor na mahinahon pero seryoso.Hindi agad siya nagsalita, lumapit muna niya si Krystal."Hindi siya namatay," sabi ng doktor.Napapikit si Ethan at napahinga nang malalim. Pero kasunod noon ay umiling ang doktor at mas lalong sumeryoso ang mukha."Pero hindi iyon ang magandang balita," dagdag ng doktor.Nanlaki ang mata ni Ethan at napatingin sa doktor. "Ano'ng
"Gising ka na."Hindi kumurap ang lalaking naka-maintenance uniform. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng kama ni Krystal, hawak pa rin ang toolbox na nakabukas sa sahig. Sa loob ng toolbox, bahagyang kumikinang ang hiringgilyang puno ng malinaw na likido na nakatago sa ilalim ng basahan.Gising si Krystal pero mahina pa. Malabo ang paningin at hindi pa makagalaw nang maayos dahil sa epekto ng sedative na itinurok sa kanya alas dos ng madaling araw. Gusto niyang bumangon pero mabigat ang buong katawan. Gusto niyang sumigaw pero walang lumalabas na boses.Hindi niya makita nang maayos ang mukha ng lalaki dahil sa cap na nakatabing sa mukha at sa puting ilaw ng ICU na nakatutok sa kanya.Dahan-dahang yumuko ang lalaki kay Krystal. Hindi nagmamadali. Hindi kinakabahan."Naririnig mo ba ako?" tanong niya nang mahinahon, halos pabulong.Walang sagot si Krystal. Gumalaw lang ang labi niya at mahinang umungol. Hindi pa niya kayang magsalita.Tinitigan siya ng lalaki nang diretso sa mata at tuman
"Welcome back, Sebastian."Walang sumagot. Nanigas ang buong sala ng De Vega Mansion. Naka-speaker pa rin ang cellphone sa ibabaw ng mesa na nanginginig pa sa kamay ni Sebastian. Nakatingin lang sina Ethan, Eduardo, Marco, Anthony, at ang CIDG General sa aparatong iyon na tila biglang naging mas mabigat kaysa baril.Si Sebastian ang unang umurong. Parang nawala ang kulay sa mukha niya at namutla at napahawak sa sofa para hindi matumba."Impossible..." halos hindi niya maibulong at nanginginig ang labi. "Hindi puwedeng ikaw... hindi puwede..."Muling tumawa ang lalaki sa kabilang linya. Isang mahinahon, kontrolado, at malamig na tawang walang pagmamadali. Yung tawa ng taong alam niyang hawak niya ang lahat."Dalawampu't limang taon na... pero natatandaan mo pa rin ang boses ko, Sebastian. Hindi mo pala ako nakalimutan," sabi ng boses na mas matanda at kalmado.Hindi gumalaw si Ethan. Isininyas niya kay Anthony na huwag magsalita at huwag mag-ingay. Habang si Marco ay dahan-dahang nagla
"...Akala ko... patay na siya." Parang huminto ang oras, walang makapagsalita sa kanila. Nakatingin lang sina Ethan, Marco, Eduardo, at ang CIDG General kay Sebastian na nanginginig ang buong katawan at nakatitig sa lumang susi na nahulog sa mesa at umiikot pa sa sahig na marmol. Si Eduardo ang unang lumapit at hinawakan ang balikat ni Sebastian para hindi ito matumba. "Sebastian..." mahinahon niyang tawag at tinitigan ang kaibigan. "Sino ang tinutukoy mo? Sino ang akala mong patay na?" Napapikit si Sebastian at nanginginig ang labi. Ilang segundo siyang hindi makapagsalita at pinipigilan ang paghinga. Pagmulat niya ng mata, bakas ang takot na hindi pa nakita ni Eduardo kahit noong mga panahong nalulong siya sa kasakiman at sa sugal. "Ang taong nagturo kay Vincent..." mahina niyang sabi at halos pabulong. "...hindi si Vincent ang unang halimaw. Si Vincent... estudyante lang." Umupo si Sebastian sa sofa at hawak pa rin ang ulo niya na parang nahihilo. "Nung nagsisimula pa lang k
"Bakit ka bumalik?"Matatag ang boses ni Eduardo, pero walang galit. Wala ring lambing. Dalawampu't limang taon ang pagitan ng tanong na iyon.Walang maririnig na kahit anong ingay sa buong sala ng De Vega Mansion. Pinaalis ni Eduardo ang lahat ng kasambahay kanina pa. Si Mang Tony lang ang naiwan sa labas ng pintuan kasama si Ramon Cruz na agad namang inaasikaso ng family physician ng De Vega na tinawagan ni Ethan.Sa loob ng sala, dalawang lalaking minsang itinuring na magkapatid ang magkatapat ngayon. Pareho nang may uban sa buhok. Pareho nang pagod ang mata. Pareho nang maraming nawala sa buhay.Nanatiling nakatayo si Sebastian sa may pintuan. Basang-basa pa rin ang damit niya sa ulan at may dugo pa sa manggas at nanginginig ang mga kamay at maputik ang sapatos. Hindi siya makatingin kay Eduardo."Pwede ba akong... humingi ng tawad?" mahinang sabi ni Sebastian na halos pabulong at basag ang boses.Mahabang katahimikan, walang nagsalita agad. Rinig lang ang patak ng ulan sa bintana
"May pinatay na."Tila may malamig na hangin na dumaan sa buong conference room. Hindi agad gumalaw si Ethan. Hawak pa rin niya ang cellphone na putol na ang linya at nanginginig ang kamay. Si Marco, si Anthony, at ang buong legal team ay nakatingin lang sa kanya at nag-aantay mg sasabihin niya.Si Marco ang unang nagsalita at lumapit kay Ethan."Ethan, huwag tayong magpadala sa emosyon. Huminga ka muna," sabi ni Marco na mahinahon pero seryoso.Si Ethan nakatingin pa rin sa cellphone na parang hindi makapaniwala sa narinig na putok."Kung si Vincent nga ang nasa likod nito at kung siya nga ang may hawak kay Ramon, gusto niyang padalos-dalos tayong kumilos. Gusto niyang sugurin natin agad ang warehouse nang walang plano. Doon tayo mamamatay," dagdag ni Marco.Napatingin si Ethan kay Marco at huminga nang malalim."Ano ang suggestion mo?" tanong ni Ethan."Humingi tayo ng tulong sa PNP at CIDG. Hindi na ito negosyo, Ethan. Kidnapping na ito. May baril na, may boses ng matandang humihin







