LOGIN"Sir, kailangan niyo pa ba ako mamayang gabi?"Nadine nakatayo sa gilid ng mesa ni Ethan, hawak ang planner, suot pa rin ang blazer na kanina pa niya gustong hubarin dahil sa init ng aircon na hindi naman lumalamig.Ethan isinara ang laptop. Tumayo, kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair."Kailangan," sagot niya. Diretso. Walang paligoy.Sumunod si Nadine habang naglalakad sila palabas ng opisina papuntang elevator. Takong niya tumatama sa sahig ng executive floor."May meeting pa po ba tayo? Wala sa calendar," tanong niya."Family dinner."Nadine huminto sa gitna ng hallway. Yung bag niya halos mahulog sa balikat."Family dinner po? Sino may family dinner?"Ethan lumingon. Isang tingin na sanay nang magpasara ng bibig ng mga manager."My parents invited you. Sa bahay nila sa Ayala Alabang."Nadine parang binuhusan ng malamig na tubig."Ako po? Bakit ako?""Ikaw." Ethan pinindot ang elevator. "I invited my secretary, not my executives. Sumama ka."Hindi na nakapalag si
"Sometimes the person you trust the most... is the one whose silence hides the deepest wounds."****Mag-aalas siyete na ng gabi nung ihinto ko yung sasakyan sa harap ng Saavedra Group Headquarters.Tahimik buong paligid. Karamihan ng empleyado nakauwi na. Ilang ilaw na lang bukas sa matayog na building.Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumaba. Buong biyahe, iisang tanong lang paulit-ulit na umiikot sa isip ko.Bakit magkaibigan noon sina Daddy at Chairman Eduardo? At kung totoong magkaibigan sila... ano nangyari?Pagpasok ko sa lobby, agad akong sinalubong ng secretary ni chairman."Good evening, Miss Nadine.""Good evening po.""Chairman Sebastian is waiting."Tumango lang ako. Habang nasa elevator, mas bumibigat dibdib ko. Pakiramdam ko pagtapos ng gabing to, may magbabago.Tatlong mahinang katok."Come in."Dahan-dahan kong binuksan pinto. Nandun si Daddy, nakatayo sa harap ng malaking bintana ng opisina. Parehong-pareho sila ng pwesto ni Ethan tuwing umaga. Pero magkaibang-
"The hardest choice isn't deciding who to believe... it's realizing both sides may be telling their own truth." **** Kinabukasan, mas maaga pa sa dati akong pumasok sa opisina. Akala ko ako na una darating pero paglabas ko ng elevator, nandun na si Ethan. Nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window ng executive floor. Isang tasa ng itim na kape hawak niya. Tahimik, parang buong gabi rin siyang walang tulog. Napansin niya akong paparating. "You're early," sabi niya. Napangiti ako nang bahagya. "Kayo rin po." "Twelve minutes," sabi niya. Napkunot-noo ako. "Po?" "Mas maaga ka ngayon ng labindalawang minuto," sagot niya. Napatawa ako. "Binilang niyo pa talaga?" "I'm good with numbers," sabi niya. Napailing ako. "Feeling ko pati paghinga ko, may record kayo." "Not yet," sagot niya. Napatingin ako sa kanya. Yung sulok ng labi niya, bahagyang umangat. Hindi ko namalayang napapangiti na rin ako. "Coffee?" sabi niya. Napkurap ako. "H-ha?" Iniabot niya isang pap
"The truth doesn't destroy a lie all at once... it begins with a single doubt."****Halos buong umaga akong hindi mapakali. Nasa harap ko laptop, bukas schedule ni Sir Ethan. May meeting sa Singapore partners, dalawang contract signing, at board review bago mag-alas singko. Pero wala ni isa dun yung pumapasok sa isip ko.Paulit-ulit bumabalik sa akin yung litrato nina Daddy at Chairman Eduardo. Magkaakbay, magkangiti. Parang hindi kailanman naging magkaaway."Miss Nadine."Napapitlag ako. Nakatayo na pala si Ethan sa harap ng mesa ko."Sir!""Third time," sabi niya.Napkurap ako. "Po?""Tatlong beses kitang tinawag," sabi niya."Sorry po," sagot ko.Pinagmasdan niya ako. "You're distracted.""Wala po," tanggi ko."Tingin mo ba hindi ko mapapansin?" sabi niya.Napayuko ako. Hindi ko pwedeng sabihin totoo. Hindi ko rin pwedeng sabihin na nagsisimula na akong magtanong sa mga bagay na dati hindi ko kinukwestiyon."May problema ba sa bahay?" tanong niya.Mabilis akong umiling. "Wala po."
"The most dangerous habit isn't seeing someone every day... it's realizing your day no longer feels complete without them."****7:05 AM. Pagbukas pa lang ng elevator sa executive floor, sinalubong na agad ako ng pamilyar na ingay."Good morning, Miss Nadine!""Morning po!"Napangiti ako habang kumakaway sa ilang empleyado. Parang normal na ulit lahat. Parang walang litrato sa drawer ko kagabi. Walang sulat na nagpabago sa lahat ng alam ko.Pero sa totoo lang, magulo pa rin isip ko. Paulit-ulit bumabalik sa akin yung larawan nina Daddy at Chairman Eduardo. Magkaakbay, magkangiti, parang tunay na magkapatid.Napailing ako. "Hindi ngayon. Mission muna."Paglapit ko sa desk ko, agad akong sinalubong ni Marco."Aba! Dumating na ang celebrity!" sabi niya.Napkunot-noo ako. "Celebrity?""Trending ka pa rin," sabi niya.Napabuntong-hininga ako. "Wag niyo na nga pong simulan."Tumawa si Anthony. "Late ka nang tumanggi. Kahit pantry, ikaw na topic.""Kuya Anthony...""May nagtanong pa nga kung
"The hardest battles are not fought between enemies... but between people who once called each other family."****Tahimik na yung ballroom nung tuluyan silang makaalis. Hindi na sila dumaan sa media entrance. Ayaw na ni Ethan ng panibagong interview kaya sa private exit sila pinalabas ng security team.Pagkapasok sa itim na limousine, pareho silang napabuntong-hininga. Parang sabay na nawala yung bigat ng buong gabi.Tahimik. Pero hindi na yung nakakailang. Yung tahimik na okay lang.Nakatanaw lang ako sa bintana habang pinapanood yung mga ilaw ng city na dumadaan. Hindi ko namalayang nakatingin na naman pala siya."Sir..." tawag ko.Napakurap siya. "Yes?""Bakit po?""Bakit alin?""Kanina pa po kayo nakatingin," sabi ko.Bahagyang napaiwas siya. "I wasn't."Napangiti ako. "CEO pa naman kayo.""Hmm?""Tapos nagsisinungaling," asar ko.Napailing lang siya. "I was thinking.""Tungkol saan?"Hindi siya agad sumagot hanggang sa..."Tungkol sayo," sabi niya.Napakurap ako. "Sa'kin?"Tuman







