Share

Chapter 2

Author: FlirtyBeast
last update Last Updated: 2024-10-01 17:13:35

Calista's POV

Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?

Nang magising ako, natagpuan ko ang aking sarili na nakahandusay sa malamig na sahig ng simbahan. Ang mga liwanag ng buwan ay dumaan sa mga makukulay na bintana ng simbahan, nagbibigay liwanag sa paligid. Nakatingin sa akin ang mga madre at si Father Joseph, na ngayo'y tinutulungan akong bumangon, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.

"Calista," mahinahong sambit ni Father Joseph, habang inaakay ako patayo. Ang kanyang boses ay tila nagbigay ng konting kapanatagan sa aking gulong-gulong isipan.

"Father, paano ako napunta dito? Sinong nagdala sa akin dito sa simbahan?" naguguluhan kong tanong, habang iginagala ko ang aking tingin sa mga taong nakapalibot sa akin. Ang kanilang mga mukha ay puno ng awa sa akin, ngunit hindi iyon nagbigay linaw sa aking mga katanungan.

"Sinapian ka ng isang demonyo," sagot ng isang madre na mukhang natatakot sa akin. Ang kanyang sinabi ay mas lalo pang nagpagulo ng aking isipan. Paano nangyari iyon? bakit wala akong maalala?

"Dinala ka ng iyong madrasta dito sa simbahan para ika'y aming matulungan, Calista," dagdag ni Father Joseph.

Ang mga salitang iyon ay tila bumagsak sa akin na parang mabibigat na bato. Wala akong maalalang kakaibang pangyayari noong nasa mansyon ako. Ang aking alaala ay parang tahimik na tubig sa lawa na ginambala ng pagtapon ng isang bato sa tubig. Malabo ang lahat at pakiramdam ko ay may mga alaala ako na parang nabura sa aking utak.

Hindi kaya kagagawan lang ito ng aking madrasta para mapalayas ako sa mansyon? Ang katanungang ito ay nagbigay ng pangamba sa akin. Alam kong hindi maganda ang relasyon namin ng aking madrasta at alam kong gusto niyang mapasakanya lahat ng naiwang kayamanan ng aking ama, ngunit magagawa ba niya talaga ang ganito kalupit na gawain?

"Naguguluhan pa rin ako, wala akong maalala na sinapian ako o nakakita ako ng masamang espiritu," sabi ko habang hinahawakan ang aking ulo na parang may matinding sakit.

"Calista, ang demonyong sumapi sa iyo ay malakas at makapangyarihan. Maaaring binura niya ang iyong alaala. Pero huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin," sabi ni Father Joseph, ang kanyang kamay ay nakahawak pa rin sa aking balikat.

"Calista, kailangan mong magpahinga. Maaaring mahirap itong tanggapin, pero narito kami para sa iyo," sabi ng isang madre, ang kanyang mga mata ay puno ng awa at pag-aalala.

"Salamat sa inyong tulong," pagpapasalamat ko bago ako humakbang patungo sa pintuan palabas ng simbahan. Pakiramdam ko'y may bahagyang pag-asa sa kalayaan, ngunit sa kabila ng lahat, may bahagi ng aking isipan na nagsasabing may mali.

"Calista, hindi ka pa pwedeng umalis," wika ng pari, sabay senyas sa mga madre upang pigilan ako. Agad na lumapit ang dalawang madre at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso.

Kumunot ang aking noo dahil sa pagkalito nang gawin ito ni Father Joseph. Tila biglang nagbago ang kanyang isipan nang tumalikod ako para magtungo sa pintuan. Ang kanyang mukha na dati'y puno ng kabaitan ay ngayon ay parang nag-aalangan.

"Bakit? Maayos na ako, Father Joseph," ani ko na may halong pagkalito at kaba sa aking boses. Ang pag-asa sa kalayaan ay unti-unting napapalitan ng takot at pag-aalinlangan.

Paulit-ulit akong lumingon sa mga madreng mahigpit na nakahawak sa akin habang hinihila nila ako palapit kay Father Joseph. Litong-lito kung bakit nila ito ginagawa at kung bakit kailangan nilang pilitin akong bumalik sa kinaroroonan ni Father Joseph.

"Anong ginagawa niyo? Bitawan niyo ako!" singhal ko, nagpipilit kumawala mula sa kanilang mga kamay. Ngunit ang kanilang mga kamay ay parang mga bakal at napakahirap kumawala mula sa kanilang pagkapit sa aking braso.

"Calista, kailangan mong makinig," sabi ni Father Joseph, ang kanyang boses ay malamig na parang yelo. "May mga bagay na hindi mo pa naiintindihan. May mga panganib na hindi mo pa nakikita."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, nanginginig na ang aking tinig sa takot.

"May mga nilalang na nagmamatyag, naghihintay sa bawat pagkilos mo. Hindi ka ligtas sa labas ng simbahang ito," paliwanag ni Father Joseph, ang kanyang mga mata'y nag-aalab ng seryosong babala.

"Nilalang? Ano'ng pinagsasabi mo?" tanong ko, lalo pang naguguluhan at natatakot.

"Hindi ko pa masasabi ang lahat sa iyo ngayon, pero kailangan mong manatili rito para sa iyong kaligtasan," tugon niya, ang kanyang boses ay may halong pangamba. "Manatili ka rito, Calista, at magtiwala ka sa amin."

Ang mga madre ay dahan-dahang binitawan ako, ngunit nanatili silang nakatayo malapit sa akin, handa sa anumang kilos na gagawin ko. Sa kabila ng aking takot at pagkalito, naramdaman ko ang bigat ng kanilang mga salita. Ano nga ba ang mga panganib na tinutukoy ng paring ito? At bakit kailangang manatili ako rito?

"Bakit hindi mo pa masasabi? Anong meron? Sabihin mo sa akin upang maliwanagan ako. Sobrang nagugulohan na ako," sunod-sunod kong tanong dulot ng lubhang pagkalito at daming tanong na tumatakbo ngayon sa utak ko.

"May marka ka ng demonyo, Calista" wika ng pari pagkatapos niya akong pinaikot at hinawakan ang buhok ko.

"Anong ibig mong sabihin, Father Joseph?" tanong ko.

"May simbolo ng diyablo ang iyong batok, Calista" wika ni Father Joseph na hindi ko lubusang maintindihan.

"Paano ako nagkaroon ng simbolo ng diyablo?"

"Hindi ko alam Calista, kung paano! ngayon lang rin ako nakakita ng marka ng diyablo sa taong wala namang sapi. Nagkakaroon lang ang isang tao nito pag nasasapian ng isang demonyo pero nawawala rin ito kaagad pag napalayas na sa katawan ng tao ang demonyo. Kaya hindi ko rin alam," paliwanag nito.

"Sigurado ba kayong napaalis niyo na ang sumapi sa akin kanina?" tanong ko na ikinatahimik ng mga madre at ng pari. Na tila hindi rin sila sigurado at hindi alam kung paano ako sasagutin.

"May nangyari nang pagsanib ng masasamang espirito sa mga madre, noong panahon. Ngunit hindi ganito kalala," wika ng isang madre na may halong pagtataka sa kaniyang mukha. "Hindi kaya mahina lamang ang paniniwala mo sa ating panginoon, Calista?" tanong niya sa akin na ikinataas ng isang kilay ko.

"Sayo lang nangyari ito, Calista," wika ng pari. "Kaya kailangan mong sumama sa amin."

Kusa akong sumunod sa kanila hanggang sa nakarating kami sa silong ng simbahan. Pumasok kami ni Father Joseph sa loob kasama ang tatlong mga madre. Ang silong ng simbahan ay tila isang mundo sa ilalim ng lupa na puno ng mga lihim at kwento.

Pagpasok namin, agad kong napansin ang makapal na hangin na tila may halong alikabok. Ang sahig ay gawa sa lumang kahoy na may mga bakas ng paglipas ng panahon, habang ang mga dingding ay bato na may mga lumang ukit at simbolo na hindi ko lubos maintindihan. May mga lumang kandila na nakalagay sa iba't ibang bahagi ng silong, nagbibigay ng kunting liwanag sa loob.

Sa isang sulok, mayroong isang maliit na altar na may mga larawan ng mga santo at rebulto ng Birheng Maria. Ang altar ay puno ng mga bulaklak, rosaryo, at mga banal na kagamitan. Nakikita ko rin ang ilang bote ng banal na tubig at mga langis na ginagamit sa mga ritwal ng simbahan.

Sa gitna ng silong ay may isang upuan na gawa sa matibay na kahoy. Sa paanan at sa sandalan nito ay may mga nakataling kadena.

"Hindi kami sigurado kung nasa katawan mo pa ba ang demonyo pero dahil sa marka sa iyong batok kailangan nating subukang magsagawa ng isa pang ritwal" paliwanag ng pari.

Tumingin ako sa mga madre, at nakita ko ang kanilang seryosong mga mukha. Alam kong wala akong ibang pagpipilian kundi magtiwala sa kanila.

"Sige, Father. Kung ito ang kailangan, handa akong sumailalim sa ritwal," tugon ko, na may halong kaba.

Agad na inihanda ni Father Joseph ang mga kailangan para sa ritwal. Kumuha siya ng isang malaking krus at iniabot ito sa akin.

"Hawakan mo ito ng mahigpit, Calista. Huwag mo itong bibitawan kahit ano ang mangyari," tugon nito sa akin.

Ang mga madre naman ay nagsindi ng mas maraming kandila at binuksan ang mga sinaunang aklat upang simulan ang mga dasal. Naramdaman ko ang malamig na hangin na tila umikot sa paligid namin, na nagbigay ng kakaibang pakiramdam.

Pinaupo ako ng mga madre sa silya na nasa gitna at tsaka itinali ako ng mga malalaking kadena.

"In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen." pagsisimula ni Father Joseph. "Exorcismus Te, immundissime spiritus, omnis incursio adversarii, omnis phantasmatis, omnis legio, in nomine Domini nostri Iesu Christi eradicare et effugare a Dei ecclesia, ab animabus ad imaginem Dei conditis et pretioso Filii eius Sanguine redemptis."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sacred Temptation   Epilogue

    Seraphina's POVKung hindi dahil kay Michael, hinding-hindi namin matatalo si Draegan. Buti nalang at nakaisip siya ng paraan upang linlangin si Draegan."He's still here, I can feel him," wika ni Astaroth habang tinitignan ang paligid namin. "Draegan is somewhere close. We need to draw him out, but we have to be careful. His power to manipulate emotions and create illusions can easily trap us." dagdag niya."May naiisip akong paraan," wika ni Michael na ikinagulat ko. Wala namang salita na lumalabas sa kanyang bibig pero malakas at malinaw ang narinig ko. Kaya sigurado akong boses niya 'yon."Seraphina, makinig ka ng mabuti. Wag kang magsalita, wag mo kong sagutin. Alam kong naririnig mo 'ko ngayon. Gagawa ako ng kwentas na kahawig sa kwentas na pagmamay-ari ni Draegan at ilalagay ko ito sa bulsa mo. Magpanggap ka na yan ang totoong kwentas, kung saan naipasa ang iyong kapangyarihan.""Nakakainip na!" wika ko pagkatapos kong bumuntong hininga. "Tumigil na kayo," sambit ko sabay kuha

  • Sacred Temptation   Chapter 30

    Seraphina's POVHabang patuloy na naglalabasan ang mga itim na usok mula sa lagusan, ako naman ay napaupo na lamang sa lupa at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa akin. Paano? Anong nangyayari?"Seraphina!" sigaw ni Michael, ang boses niya ay puno ng pangamba. "Kailangan mong lakasan ang iyong loob!""Hindi!" wika ko habang tinitignan pa rin ang aking mga kulubot na kamay."Seraphina, makinig ka sa akin. Ikaw lang ang may kakayahang isarang muli ang lagusan. Kaya tumayo ka dyan!" singhal ni Michael."Wala na kong kapangyarihan kinuha na ni Draegan. Wala na akong kakayahan na isara ang lagusan na yan," sagot ko habang nagugulohan pa rin sa nangyari sa akin."Teka nga! You already replaced Seraphina as the Angel of Vengeance, right? So, bakit kailangan niyo pang pilitin si Seraphina dito?" tanong ni Astaroth na halatang nalilito sa kinikilos at nais ng anghel na si Michael."Anong gusto mo? Dalhin ko dito ang anghel na 'yon? Kailangan naming magpaalam sa diyos upang maisama namin a

  • Sacred Temptation   Chapter 29

    Seraphina's POV"Pakawalan mo na ako," usal ko na halos ako nalang ang nakakarinig sa sobrang hina ng boses ko dulot ng panghihina.Napapikit ako habang nararamdaman ko ang dahan-dahang pagkawala ng init sa aking katawan. Hindi ko na mabuksan nang buo ang aking mga mata, at lalo pang dumadagdag ang bigat sa aking mga braso at binti."Sa wakas!" Halos humiyaw si Draegan sa tuwa, na tila nakakakita ng isang napakagandang premyo sa harap niya. Ang kanyang mga mata ay kumikislap habang nakatingin sa akin, at ang mga ngiti sa kanyang labi ay halos umaabot sa kanyang tainga.Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod, ngunit pilit kong pinanatili ang sarili kong nakatayo. Hindi ko gustong magpakita ng kahinaan, kahit na alam kong halos wala na akong natitirang lakas. Gusto ko nang mahulog, gusto ko nang mahiga at magpahinga, ngunit ang kadena na nakatali sa aking katawan ang pumipilit sa akin na manatiling nakatayo."Napakahina mo na ngayon, Seraphina," bulong ni Draegan habang papalapit

  • Sacred Temptation   Chapter 28

    Seraphina's POVNang magising ako, nadama ko kaagad malamig na metal na nakadikit sa aking balat. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang hindi ko masyadong maaninag ang aking paligid dulot nga ng bagong gising pa lang ako. Nang muli ko itong idinilat ay mas malinaw na ang paligid ko dahilan upang makita ko ang mga apat na malalaking bato sa paligid ko.Napakunot ang aking noo nang mapansin ang gintong kadena na nakatali sa aking katawan. Napakabigat at nakakabahalang tingnan ito, lalo na nang marinig ko ang tunog ng bakal habang sinusubukan kong kumilos."Nasaan ako?" bulong ko sa aking sarili, sinusubukang kilatisin ang aking paligid.Muli kong iginala ang aking paningin upang tignan ng mas malawak ang aking paligid dahilan upang makita ko ang gubat sa likod ng malalaking bato na nakapalibot sa akin."Anong ginagawa ko dito?" tanong ko, na puno ng pagkalito at takot. Sinubukan kong gumalaw, ngunit ang mga kadena ay masyadong mahigpit."Gising ka na pala, Seraphina. Kamusta naman

  • Sacred Temptation   Chapter 27

    Seraphina's POV Nangangapa pa ako sa sakit habang pilit na bumabangon mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa. Tumutulo ang dugo mula sa aking labi, at pakiramdam ko'y halos mabali ang aking mga buto dahil sa tindi ng impact.Tinitigan ko ang lalaking nag-aabot ng kamay. Maliwanag ang sikat ng buwan, ngunit nakakapagtaka na hindi ko maaninag ang kanyang mukha, na tila natatakpan ng anino."Hindi ako sasama sa 'yo!" Pilit kong inalis ang tingin sa kanya, tinatanggihan ang alok, kahit alam kong wala akong laban kay Asmodeus nang mag-isa."Seraphina!" sigaw ni Astaroth nang makita niya ako.Napalingon ako agad sa kanya. Nakita ko siyang mabilis na lumabas mula sa loob ng mansyon, kitang-kita ang gulat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa direksyon ko."Watch out!" muling sigaw ni Astaroth, nakatingin sa misteryosong lalaki, na ngayo'y may hawak nang itak at bahagya na itong itinaas, handang salakayin ako.Mabilis kong itinaas ang aking kanang kamay upang subukang pigilan siya gamit a

  • Sacred Temptation   Chapter 26

    Seraphina's POV"What the hell?!" singhal ni Astaroth, halos sumabog sa galit. "Ganun na lang 'yon?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.Pinagmasdan ko siya, tahimik ngunit may halong pagka-irita. Hindi na ako katulad ng dati, at hindi ko na kailangan ang kahit sino para diktahan ako. Asmodeus? Para saan pa?"Bakit naman ako magsasayang ng lakas para palayain si Asmodeus doon?" malamig kong tanong habang umupo ako sa swivel chair sa opisina ni Asmodeus, ang upuan kung saan siya palaging nakaupo. Pero ngayon, ako na ang nakaupo dito. Bahagya akong napangiti, isang ngiting puno ng kumpiyansa at kayabangan. Tumagilid ako, at pinagkrus ang mga braso, tsaka tiningnan siya nang matalim."Hindi ko na siya kailangan. Kung gusto mo siyang palayain, gawin mo 'yan ng mag-isa," dagdag ko pa."You know, only Asmodeus can help you. You can't control your power on your own!" wika niya, pilit sinusubukan akong kumbinsihin, pero halata sa tono ng boses niya ang takot. Alam niyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status